Share

CHAPTER 29

Hindi kalakihan subalit hindi rin naman masikip ang bahay kung nasaan si Janina ngayon. Maraming mga gamit sa paligid at nagkalat din sa sahig ang ilang mga laruan na batid niyang sa mga bata na nasa harapan niya ngayon.

" Ate, ano po pala pangalan niyo? " tanong ng kinse anyos na babae na si Mira—iyong tinulungan niyang bata kanina na makatakas sa asong humahabol dito.

" Ako si Janina. Puwede niyo akong tawaging ate Nina kung gusto niyo. " Nakangiti niyang sagot saka tumingin sa dalawa pang bata sa harap niya. Wari niya'y hindi magkakalayo ang mga edad nito kung pagbabasehan ang mga hitsura. Magkakamukha, lalo na 'yong bunsong lalake sapagkat nakikita niya rito si Morriss.

" Ah, siya po si Moises, bunso po namin. Limang taong gulang po siya. " Tinapik ni Mira sa balikat ang bunsong kapatid na tila nakaramdam ng hiya dahil sa tingin ni Janina dahilan upang ito'y tumayo at nagtatakbo patungo sa kusina kung saan naroroon si Morriss. Napailing na lamang si Mira habang natatawa. " Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status