Share

Kabanata 31: Jade's Ravishment

Nang makauwi sa hotel si Ricks ay naghanap ulit siya ng alak at kaagad na tinungga iyon.

Gusto pa niyang mag-inom at lunurin ang sarili sa alak hanggang sa hindi na niya maalala ang mga problema niya. Hindi pa nga niya nakikita ang pinakamamahal niyang si Joy ng mahigit na isang linggo ay gusto na ni Don Julio na iwanan na niya ito. Paano niya gagawin ang bagay na iyon kung siya mismo sa sarili niya ay hindi niya kayang iwan ang nobya kahit may asawa na siya. Pakiramdam niya ay ikamamatay niya kung sakaling maghiwalay sila nito, ngayon pa nga lang ay parang dinudurog na ang puso niya.

Galit na naibato ni Ricks ang basyo ng alak nang makita niyang wala na itong laman. Kukuha pa sana siya sa ref pero bigla ay inabutan siya ng asawa.

"Here." sabay lahad nito ng beer in can sa kaniya.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ito bago hinablot ang beer na hawak nito.

"Get lost! Ikaw ang dahilan ng lahat! Ikaw ang sumira ng kaligayahan ko, ikaw ang naglayo sa akin sa babaeng pinakamamahal k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status