Share

Kabanata 30: Drunk

"Congratulations hijo! Nasisiguro kong malaki pa ang maitutulong mo sa kompanya sakaling makapag-aral ka dahil ngayon palang ay napakahusay mo na!" natutuwang sabi ni Don Julio kay Ricks habang itinataas ang kopita ng alak para makipag cheers sa kaniya.

"Thank you po, dad." tipid na sagot ni Ricks sabay lagok sa hawak niyang alak. Napangiwi pa siya nang humagod sa lalamunan niya ang mapait na lasa niyon, hindi naman kasi siya sanay mag-inom, napapainom lang siya sa tuwing may problema siya na katulad nito. Mabuti na lang at wala ang asawa niya dito dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan sa harap ng daddy nito gayong nagkasagutan na naman sila nito kanina.

"I heard na nagkakamabutihan na kayo ng anak ko." basag ni Don Julio sa katahimikan. Nagsasalita lang kasi si Ricks sa tuwing may tinatanong sa kaniya ang father-in-law niya, ayaw niyang magsimula ng usapan dahil hindi naman sila close nito.

Saglit siyang napasulyap dito. Kung alam lang nito ang totoo na kulang na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status