"Congratulations hijo! Nasisiguro kong malaki pa ang maitutulong mo sa kompanya sakaling makapag-aral ka dahil ngayon palang ay napakahusay mo na!" natutuwang sabi ni Don Julio kay Ricks habang itinataas ang kopita ng alak para makipag cheers sa kaniya. "Thank you po, dad." tipid na sagot ni Ricks sabay lagok sa hawak niyang alak. Napangiwi pa siya nang humagod sa lalamunan niya ang mapait na lasa niyon, hindi naman kasi siya sanay mag-inom, napapainom lang siya sa tuwing may problema siya na katulad nito. Mabuti na lang at wala ang asawa niya dito dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan sa harap ng daddy nito gayong nagkasagutan na naman sila nito kanina. "I heard na nagkakamabutihan na kayo ng anak ko." basag ni Don Julio sa katahimikan. Nagsasalita lang kasi si Ricks sa tuwing may tinatanong sa kaniya ang father-in-law niya, ayaw niyang magsimula ng usapan dahil hindi naman sila close nito. Saglit siyang napasulyap dito. Kung alam lang nito ang totoo na kulang na
Nang makauwi sa hotel si Ricks ay naghanap ulit siya ng alak at kaagad na tinungga iyon.Gusto pa niyang mag-inom at lunurin ang sarili sa alak hanggang sa hindi na niya maalala ang mga problema niya. Hindi pa nga niya nakikita ang pinakamamahal niyang si Joy ng mahigit na isang linggo ay gusto na ni Don Julio na iwanan na niya ito. Paano niya gagawin ang bagay na iyon kung siya mismo sa sarili niya ay hindi niya kayang iwan ang nobya kahit may asawa na siya. Pakiramdam niya ay ikamamatay niya kung sakaling maghiwalay sila nito, ngayon pa nga lang ay parang dinudurog na ang puso niya.Galit na naibato ni Ricks ang basyo ng alak nang makita niyang wala na itong laman. Kukuha pa sana siya sa ref pero bigla ay inabutan siya ng asawa."Here." sabay lahad nito ng beer in can sa kaniya.Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya ito bago hinablot ang beer na hawak nito."Get lost! Ikaw ang dahilan ng lahat! Ikaw ang sumira ng kaligayahan ko, ikaw ang naglayo sa akin sa babaeng pinakamamahal k
"Hindi na kita mahal Joy! Iiwan na kita dahil may mahal na akong iba." sabi ni Ricks habang ipinagtatabuyan si Joy. "Huwag mo akong iwan Ricks buntis ako at magkaka-baby na tayo.." umiiyak na pagmamakaawa niya sa nobyo pero hindi man lang siya nito pinakinggan at humakbang na palayo. "Babes parang awa mo na huwag mo akong iwan.. mahal na mahal kita, kailangan ka namin ng magiging anak mo!" sigaw niya sa papalayong nobyo hanggang sa nawala na ito sa kaniyang paningin. "Ricks!" umiiyak na sigaw ni Joy habang hinahabol ang nobyo pero hindi na niya ito makita at bukod-tanging kadiliman na lang ang na-aaninag niya sa direksiyon na dinaanan nito kaya takot na takot siya. "Ate Joy, ate Joy, gising!" tapik ni Rhiya sa pisngi ni Joy nang marinig niya itong umuungol at tinatawag ang pangalan ng kuya niya. Saktong pagpasok niya sa kwarto nito para sana dalhan ito ng almusal ay nadatnan niya itong umuungol at pinagpapawisan kaya dali-dali niya itong nilapitan at tinapik dahil baka binab
Tuwang-tuwa si Joy habang namimili ng mga damit sa baby section. Naroon sila ni Rhiya sa Mall at katatapos lang nilang mamasyal kaya heto at napagpasyahan nilang dumiretcho na sa pamimili.Gusto talaga niya na lalaki ang maging baby nila ni Ricks kaya puro kulay blue ang mga pinili niyang kulay."Ate, bakit naman puro kulay blue lang iyang mga pinili mong kulay? Sigurado ka na ba na magiging lalaki ang baby ninyo ni kuya?" reklamo ni Rhiya habang inilalagay niya sa push cart ang mga pranela, medyas, viv at damit pambata na napili niya.Saglit na napatingin siya dito."Pero maganda naman itong kulay na napili ko hindi ba? At saka gusto ko kasi talaga ng baby boy." sagot niya."Ganito na lang ate, pipili din tayo ng mga kulay na pang baby girl tapos ako na lang ang magbabayad malay mo naman maging baby girl iyang pamangkin ko." nakangiting suhestiyon nito."Pero may pera ka ba Rhiya?" tanong niya dito. Ang alam kasi niya ay wala naman itong trabaho dahil nag-aaral pa ito. "Hindi ko pa
"My gosh, ate! Napakaguwapo naman ng dating manager mo!" kinikilig na sabi ni Rhiya habang nakatingin kay Simone. Nasa counter ito at umo-order ng pagkain nila.Hindi na nakatanggi si Joy dito nang sabihin nitong ito na ang magbabayad ng kakainin nila."Mas guwapo pa din ang kuya mo para sa akin Rhiya at walang makakahigit sa kaniya." nakangiting saad niya dito."Inlove na inlove ka talaga sa kuya ko ate. Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?" curious na tanong nito."Hmm.. simple lang, iba siya sa mga lalaking nakilala ko at alam kong kailanman ay hindi niya ako magagawang lokohin." seryosong sagot niya kay Rhiya na biglang ikinatahimik nito."Pero ate, paano kung--Hindi na natapos ni Rhiya ang iba pa sanang sasabihin dahil biglang dumating si Simone kaya nabaling ang tingin nila dito."Here's our food." nakangiting sabi nito bago umupo sa tapat ni Joy."Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina Rhiya?" tanong ni Joy sa babae pagkaupo ni Simone."Ha? Ah.. wala ate Joy, hindi naman importante
Hinihingal na biglang napabalikwas ng bangon si Joy. Napanaginipan na naman kasi niya ang nobyong si Ricks at sa pagkakataong ito ay may kasama na daw itong ibang babae-- magkayakap at masayang-masaya ang mga ito habang siya ay nasa isang sulok at tahimik lang na umiiyak at pinagmamasdan ang mga ito. Napahid ni Joy ang luhang kusang pumatak sa mga mata niya."Ano ba ito? Bakit ganito na lang palagi ang laman ng panaginip ko sa'yo Ricks? Bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing napanaginipan kita? Ang sakit-sakit sa dibdib." at hindi na naman napigilan ni Joy ang pagluha, nang nahimasmasan siya ay napatingin siya sa wall clock. Alas cuatro pa lang pala ng madaling araw.Napahawak siya sa impis pa niyang tiyan at kinausap iyon."Pasensiya ka na baby kung palaging umiiyak si mommy, huwag kang mag-alala mahal na mahal tayo ng daddy mo.. panaginip lang iyon." kausap niya sa sanggol na nasa kaniyang sinapupunan.Maya-maya ay napatayo siya at napagpasyahang tumungo sa garden para magpahangin, h
Thursday, araw ng birthday ni Ricks kaya todo prepare si Joy para i-surpresa ito. Nangako kasi ito na uuwi ito sa mismong araw ng birthday nito. Kanina pa niya hinahanap si Rhiya para magpatulong dito sa pag-aayos at pag-decorate ng mga banners para sa birthday ng kuya nito pero hindi niya ito makita, marahil ay tulog pa ito. Sobrang excited kasi siya sa pag-uwi ng nobyo kaya alas singko pa lang ng madaling araw ay naghahanda na siya. Hindi na siya makapaghintay na ipaalam dito ang pagdadalang tao niya. Pa kanta-kanta pa siya habang nagluluto ng paborito nitong ulam nang biglang tumunog ang cellphone niya.Si Ricks ang caller kaya kaagad na sinagot niya iyon."Hello babes? Happy birthday! Anong oras ka uuwi?" excited na bungad niya sa nobyo."Salamat babes.. pero bukas pa ako makakauwi dahil hindi kami nakaabot sa flight ng boss ko, may importante pa kasi siyang dinaanan kanina." malungkot na sabi nito."Ah.. ganoon ba babes.." biglang nakaramdam ng panlulumo si Joy. Nakapagluto pa
Napatanga si Joy nang huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant ang sinakyang taxi ni Rhiya. Pagbaba nito ay dire-diretcho itong pumasok doon.Alanganin namang sinundan ni Joy ang babae. Nahiya pa siyang pumasok sa loob dahil sa itsura niya. Nakasuot lang kasi siya ng simpleng bestida samantalang ang mga taong nakikita niya sa loob ng restaurant ay mga elegante tingnan. Naka bihis ng pormal ang mga ito samantalang siya ay para lang katulong 'pag dumikit sa mga ito."Do you have any reservations ma'am?" magalang na tanong ng waiter kay Joy nang makapasok siya sa bungad ng restaurant. Alanganing-ngiti ang sinukli niya sa waiter."Ah.. may hinahanap lang kasi akong isang tao." sagot niya habang palinga-linga sa paligid."May I know who is the person your looking?" tanong ulit nito."Ricks Gregorio." maikling sagot niya, hindi siya mapakali dahil hindi niya matanaw sa pwesto niya ang hinahanap."Yes, we have customer named Ricks Gregorio here, family member po ba kayo?" tanong ulit