Share

Chapter 2

Hindi niya pa alam kung ano ang dahilan ng paghingi ni Divine ng tawad sa kaniya. Hindi niya na rin kasi naitanong. Kinakabahan man siya ngayon ay kailangan niyang umuwi agad. Alam niyang pagagalitan siya ngayon dahil hindi siya umuwi kagabi. She's already 20 but still mahigpit pa rin ang pamilya niya sa kaniya. Hindi siya tulad nina Divine na may kalayaang gawin ang gusto. They're born in a liberated family, while she's not.

Tahimik ang sala not until her father rush on the sala. Nakasunod ang Mama niya.

“Bernard, please. Stop it, let her explain first,”awat ng Mama niya na halos patakbo nang sumunod sa ama-amahan niya.

Nanlilisik ang mata ni Bernard na deretsong nakatingin sa kaniya. Para itong lion na nakawala sa kulungan nito at handang manakit ng kahit na sinong makakasalubong nito. Kabado at wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan ang ama-amahan na paparating sa kinaroroonan niya.

Lumagapak ang isang malakas na sampal sa pisngi niya. Parang papanawan siya ng ulirat dahil sa sampal na iyon. Agad pumagitna ang Mama niya para hindi na siya bigyan pa ng panibagong sampal.

“Umalis ka diyan.” Mahihimigan ang pagbabanta sa boses ni Bernard. Ang ina niya ang pinatutungkulan ng sinabi nito pero nanatili ang mata nito sa kaniya.

“You can teach her a lesson without hurting her, Bernard. You don't need to-”

“Kaya lumaking sutil itong anak mo dahil kinukunsinti mo!”

Dahil sa malakas na sigaw ni Bernard ay muntik pang mapatalon sa gulat ang kaniyang Mama.

“Tama bang sumama sa isang lalaki habang may fiancee na? Kaya siguro ganiyan iyan ay dahil nagmana sa'yo, Esmeralda. Ganiyan ka rin dati kaya naiintindihan mo siya, di ba? Kung hindi kita pinulot noon, saan kaya kayo pupulutin ngayon?”

Agad bumakas ang kirot sa mga mata ni Esmeralda gayong binalikan na naman nito ang nakaraan.

“Bakit napasok na naman sa usapan ang nakaraan ko, Bernard? Tungkol ito sa anak ko. Anong kuneksyon nito sa nakaraan e tapos na iyon!”

Dinuro ni Bernard ang Mama niya. Gusto niyang humarang para sa Mama niya pero pigil siya ng ina.

“Kung wala ako paniguradong matagal nang lumubog ang kompanya ng ama mo, Esmeralda. Nagdala ka pa ng anak mo sa labas. Pinakasalan kita para pagtakpan ang kahihiyang dala mo. Ito na lang ang tanging magiging kabayaran sa lahat ng sakripisyo ko sa inyo. Ito na lang, for fúck sake!”

Nagtawag ang Mama niya ng katulong para samahan siya sa taas. Ayaw niyang iwan ang ina pero baka siya naman ang mapagalitan ng ina niya kapag sinuway niya ito.

Narinig niya ang pagkabasag ng gamit sa sala. Siguro ay nagwala na naman ang ama. Doon sa mga gamit ibinunton ang galit nito sa kanila ng Mama niya. Kaya siyang saktan ni Bernard pero hindi nito kayang saktan ang ina niya.

.....

“Hindi ka pwedeng lumabas ngayon.” May lamig sa mga mata ng ina niya nang magtungo ito sa silid niya.

Maiintindihan niya kung ito ang magiging parusa sa kaniya. Sa totoo lang ay ini-expect niya na rin ito. Dahil sa galit ng ama niya kahapon ay napakaimposible na kung hahayaan pa rin siya nito sa ano mang gustuhin niya.

“Opo, naiintindihan ko. Sa kusina lang po ako-”

“Kahit sa kusina o sa sala o sa kahit saan. Hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto,”putol ng ina niya sa kaniya.

Pumasok ang dalawang katulong. Nagtungo agad ang mga ito sa canvas niya. Maging ang mga paintbrush niya ay kinumpiska ng mga katulong.

“M-Ma, b-bakit pati...”

Hindi naman kinukuha noon ng Mama niya ang mga gamit niya. Kinukulong lang naman siya sa mansion noon kapag may kasalanan siya. At parati iyong nangyayari that's why she discovered painting portraits. Kaya nga nagulat siya ngayon. Bakit pati na ang pagpipinta niya ay pinapakialaman na ngayon?

“Dahil sa ginawa mo, mapipilitan akong pagbigyan ang ama mo sa kagustuhan niya. He wanted to thought you how to run the company noon pa man at ngayon ko siya mapagbibigyan. No more painting starting today.” May awturidad sa boses ng ina niya.

Labag man sa kalooban ni Esmeralda na saktan ng ganito ang anak ay wala nang magagawa ang ginang sapagkat hawak sila sa leeg ni Bernard.

Tapos mailabas ng mga katulong ang mga gamit niya ay pinasok naman ng mga ito ang napakaraming libro na may kuneksyon sa business. Hindi magkandaugaga sa pagdala ng libro ang dalawang katulong at halos punuin niyon ang study table niya.

Natulala na lamang siya.

Hindi siya makapaniwalang ito ang gustong ipagawa ng ama niya sa kaniya. Matagal nang pinu-pursue ng ama niyang pag-aralan niya ang kompanya pero pagpipinta pa rin ang gusto niyang balikan. Doon ay kakampi niya ang ina niya. Tinulungan siya ng ina na hikayatin si Bernard na huwag nang ipilit sa kaniya ang business. At hayaan na lamang siya sa bagay na mahal niya–ang pagpipinta.

Pero ngayon, pati mama niya ay wala nang magagawa pa sa desisyon ni Bernard.

Sa umaga ay pilit siyang nagbabasa. Ganoon din sa gabi. Iyon na ang buong araw niyang pinagkakaabalahan. It's been two months noong ikulong siya sa silid niya. Papasok lamang ang mga katulong para dalhan siya ng pagkain at hindi man lamang siya kakausapin. Tanging mga libro lang ang pwede niyang makasama sa mga oras na iyon.

....

Umahon siya sa pagkakayukyok sa mesa. Nakabukas pa ang libro nang iangat ang ulo para balingan ang pinto. Akala niya ay nananaginip lang siya na may kumakatok sa labas. Pero mayroon naman pala talaga.

“Pasok.” Garalgal pa ang boses niya.

Nakatulog na pala siya sa mesa. Nakatulogan niya rin ang librong binabasa kagabi.

Ang katulong ang pumasok. Wala itong dalang pagkain. Nagtaka siya. Akala niya pa man din ay magdadala na ito ng agahan niya kaya itong nagtungo doon ngayon.

“Pinapatawag po kayo ni Sir. Pero bago raw po kayo bumaba. Suotin niyo muna ang damit na 'to,”ani katulong.

Sumulpot naman mula sa likuran ang katulong na kasama. May bitbit itong dalawang box.

Inilapag nito ang box sa kama. Doon niya lang nalamang damit iyon. Panglakad ang damit na iyon. Mas lalo siyang nagtaka. Tumalima rin agad siya para sundin ang gusto ng ama. Nakaayos na siya sa harap ng salamin nang makaramdam ng pagbaligtad ng sikmura.

Agad siyang napatakbo sa CR para dumuwal doon. Matapos ay nag-flush siya at may pagtataka na napatingin sa kawalan. Anong nangyayari sa kaniya? Hindi naman masakit ang tiyan niya pero parang kakaiba ang nararamdaman niya sa sikmura niya.

Napatingin siya sa lagayan niya ng napkin. Hindi iyon nabawasan. Dalawa't kalahating buwan na nga pala ang ang nakararaan. Pero hindi niya naalalang dinatnan siya no'n.

Tulala tuloy siyang lumabas at sumunod sa mga katulong na patungo sa sala. May problema ba sa katawan niya? May sakit na ba siya? Health conscious naman ang Mama niya kaya hindi siya masiyadong nakakakain ng mga non-healthy foods kaya imposibleng magkakaroon siya ng problema sa katawan.

“Magpasalamat ka at nadala namin sa pakikipag-ariglo ang pamilya ni Coby.” Iyon ang bungad ng ama niya sa kaniya.

Beside her father is her mom who obviously look uneasy. Tila hindi ito kumportable habang umiinom ng kape. Ngunit sa kabila niyon ay medyo gumaan ang pakiramdam niyang malaman na naayos na pala ang gusot na ito.

“But in exchange,”ani Ama niya dahilan para mapaangat ang tingin niya dito. “You have to marry Coby as soon as possible. Sabi nila gusto nilang next month but I said it's better to move the date by the end of the week.”

Namilog ang mata niya. Ibig sabihin ay pumapayag ang ama niya ng hindi tinatanong ang desisyon niya. Kung makapagsalita ito ay parang isa lamang siyang bagay na binibenta nito. Kailan nga ba siya nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa sarili niya? Simula bata pa siya'y pinapangunahan na siya sa lahat ng bagay.

Wala sa sarili na tumingin siya sa kawalan. Mapait siyang ngumiti. Kita ni Esmeralda ang sakit na nakabalatay sa mga mata ng anak. Pero walang ibang magawa ang Ginang kundi higpitan na lamang ang hawak sa hawakan ng tasa ng kape.

Nasasaktan si Esmeralda pero hindi niya kayang ipakita sa lahat. Sinasarili ng Ginang iyon. Wala na rin naman silang magagawa sa mga desisyon ni Bernard. Nakatira sila sa bahay ni Bernard, ang asawa ang nagpapakain sa kanila ng anak niyang si Serrie, maayos ang buhay nila dahil sa lalaki kaya't hindi niya magawang sumalungat sa mga desisyon nito.

“Pupunta tayo sa restaurant to meet them. This will be a family meeting. Ayusin mo ang sarili mo at huwag ka na ulit magbigay ng kahihiyan sa akin.” Mabigat ang boses ni Bernard. Agad naman itong tumayo para magtungo na sa labas.

Napatingin si Serrie sa ina niya. Agad din nag-iwas ng tingin ang kaniyang Mama at inilapag ang tasa para tumayo na rin. Tila hindi siya magawang tingnan nito ng matagal.

Tila may bikig sa lalamunan niya nang sumunod na rin siya sa magulang niya. Tahimik silang lahat sa loob ng mini van. Hanggang sa makarating sila sa magarbong restaurant. Mas nauna ang pamilya ni Coby sa pribadong kwarto ng restaurant.

Mrs. Reyes arch her brow when she catch a glimpse of her. Tiningnan din siya ng ginang mula ulo hanggang paa. Bakas ang pagkadisgusto sa mga mata nito. Samantalang dati-rati ay ang saya-saya nito kapag may ganitong family meeting. Tila pinapamukha nito sa kaniyang siya ang dahilan kung bakit masama ang timpla nito ngayon.

“You look stunning, Mrs. Reyes.” Pambobola ng Mama niya sa Ginang. Para naman maibsan ang tensyon sa paligid.

“Maliit na bagay, Esmeralda.” Umikot ang eyeball ni Mrs. Reyes na parang di masaya sa papuri ng kaniyang Mama dito.

Bakas ang yabang sa mukha Mr. Reyes na animo nababawasan na ang yaman nito sa pagdating nila. Kung tutuosin ay mas malaki ang share ng kaniyang pamilya kaysa sa mga Reyes. Naging investor lang naman nila ito noong naging successful ang isa sa malaking project ng kompanya nila. Wala naman talagang bilib ang mga Reyes sa credibility nila, kumapit lang noong may resulta na.

Ngumisi si Coby nang magtama ang mata nila. Kung makatingin ito ay parang nanalo ito sa sugal laban sa kaniya.

Tahimik siyang umupo kahilera ng pamilya niya. Hindi niya na pinansin ang mga nakakainsultong tingin ni Coby.

“Kasiraan ito sa image ng anak ko. He's a famous model, ayokong may issue behind him. Dapat alam iyon ng fiancee niya diyan.” Bulalas ni Mrs. Reyes sabay sulyap sa kaniya.

Hindi naman talaga ganoon kasikat si Coby. Hindi pa nito naabot ang level ng mga international models na may malalaking talent fee. At ang agency na may hawak sa binata ay hindi rin gaanong sikat.

“Don't worry. Na-settle na namin ang tungkol sa bagay na iyan, Mrs. Reyes,”ani Mama niya sa pormal na tuno.

Kahit maliit ang share ng pamilya Reyes ay malawak ang empluwensiya ng ama ni Mrs. Reyes na magagamit ng step-father niya sa negosyo. Isa sa dahilan kung bakit hindi mabitiwan ni Bernard ang mga Reyes kahit masiyadong ma-pride ang pamilyang ito.

“Dapat lang, Esmeralda.” Umangat ang kilay ni Mrs. Reyes.

“When in fact. Nalalapit na rin naman ang kasal nilang dalawa hindi ba?” Ngumiti ang mama niya sa ina ni Coby.

“Mapipilitan ang anak kong pakasalan iyang anak mo. Kailangan na'tin patayin ang issue tungkol sa pangangaliwa niya.” Iritado na naman siyang binalingan ni Mrs. Reyes.

Gustuhin man ni Serrie na itama ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Reyes sa issue ng pangangaliwa, ay hindi niya magawa. Malalagot na naman siya sa pamilya niya. Lalo pa at ginagawa ng kaniyang mga magulang ang lahat upang maayos ang gusot na ito. Kapag nagsalita pa siya ay baka magalit na naman sa kaniya ang pamilya Reyes. Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat.

“Kami na ang bahala sa wedding preparations. We can trust my wife's expertise for this. Marami siyang kilalang wedding coordinators.” Mahihimigan ang kasiguraduhan sa boses ng kaniyang step-father.

Napatingin siya kay Coby na kanina pa nakangisi. Kahit pa ikakasal na ito sa kaniya ay paniguradong gagawa pa rin ito ng kabulastugan. Napabuntong hininga siya. Hindi niya lubos akalaing ito ang magiging kahahantungan niya.

Ngunit wala siyang magagawa kundi ang tumayo bilang isang martyr na asawa sa tabi ni Coby. Katulad ng gusto ng pamilya niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status