Share

A Night With A Billionaire
A Night With A Billionaire
Author: noowege

Chapter 1

“A-Ayos ka lang ba? Sorry talaga,”ani Divine sa kabilang linya. “P-Puntahan kita diyan. Sorry talaga, Serrie.”

Nagtataka siya kung bakit ganito magsalita si Divine. Bakit ito magso-sorry? May nagawa ba itong kasalanan? Bumalik sa realidad ang isipan niya nang maalalang nagising siya dito sa silid na hindi sa kaniya. Katabi niya kanina ang lalaking hindi niya kilala. Agad siyang bumalikwas ng bangon nang malaman ang sitwasyon at dali-dali na nagtago sa banyo.

Nagpatangay lang naman siya kay Divine sa club kagabi dahil sinabi nitong magpapa-dispidida ito dahil tutungo na ito ng Spain sa Linggo. Hindi niya forte ang clubbing pero dahil sa kaibigan pinatos niya ang imbitasyon nito.

At sa isang kurap ay matatagpuan niya ang sariling nagtatago na sa sa banyo ng hotel. Yakap-yakap niya lang ang kumot. Hindi niya na nagawa pang kunin ang mga gamit niya dahil sa pagmamadali. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.

“T-Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin, Divine.” Nagpalinga-linga siya. Nablangko siya at hindi na alam kung saan tutungo.

“Gising na ba ang lalaki? Gwapo ba-este, nandiyan pa ba?”

“Nasa kama at natutulog pa. Anong gagawin ko? Nandoon ang damit ko sa labas. Baka magising kapag lumabas ako.” Nakagat niya ang kuko sa daliri dahil sa tensyon.

“Oh my gosh. Okay, sige, ganito na lang,”bumuntong hininga ito sa kabilang linya. “Wala na tayong magagawa. Kailangan mong lumabas diyan ngayon. Harapin mo siya. Wala namang nawala sa kaniya. E sa'yo, mayroon. Ang problema lang diyan ay baka may GF na iyang lalaking iyan.”

“Naku, Divine. Mas lalo mo akong tinakot!” Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya.

“Kaya lumabas ka na diyan bago ka pa maabutan no'ng girl.”

Napatango siya na parang nasa harapan niya si Divine. Lumunok siya at kumuyom ang kamao niya na siyang pinanghawak niya sa kumot. Tama si Divine. Kailangang niyang magpakatapang ngayon.

Akmang pipihitin niya ang door knob nang mapaurong siya ulit. Hindi niya talaga kaya. Naiisip niya pa lang na magkakaharap sila ng lalaking nakauna sa kaniya ay abot langit na ang hiya niya. Virgin siya, lumaki siya sa conservative na pamilya.

“Divine, hindi ko kaya.” Nangangatal siyang sumandal sa pader ng banyo.

“O sige pumili ka. Haharapin mo siya o masasabunutan ka ng girlfriend niya?”

Agad siyang kumilos at agad pinihit ang door ng knob ng walang pag-alilangan. Mas takot siya sa GF no'ng lalaki. Mas lalong hindi niya kaya iyon.

Saktong pagbukas niya ay bumungad sa kaniya ang naka-boxer at topless na binata. Nakatuko ang siko nito sa gilid ng pinto at hawak sa kabilang kamay ang damit niya.

Namilog ang mata niya at muntik pang matumba sa kinatatayuan. The guy's jaw clenched. Tinaas nito ang damit niya sa kaniya.

“Your clothes,”anito sa seryosong boses.

Kaya agad niyang kinuha iyon at nagsara agad ng pinto. Mabilis siyang nagbihis at napangiwi nang maramdaman ang kirot sa gitnang bahagi ng hita.

Parang sinisilaban ang mukha niya nang makalabas ng banyo. Naabutan niyang may kausap sa phone ang lalaki.

“I don't care about his reasons. Kunin niyo na ang lupa niya gaya ng napagkasunduan. Hindi ka na rin dapat nanghihingi pa ng permiso ko. Alam mo naman ang trabaho mo.” Umugong ang seryoso at barituno nitong boses.

Nakapagbihis na rin ito ng three-fourth sleeve shirt at trouser pambaba. Nilipat nito sa bluetooth earbuds ang tawag upang ayusin ang pagkakalagay ng mamahaling relo sa bisig. Ang malapad nitong likod at malalaking braso ang nagbigay dito ng dominanteng awra.

“Pull out his share. Hindi siya malaking kawalan. Maraming naka-line up na willing na mag-invest sa kompanya. Don't stick to those lame investors. Our company is not a charity.”

Namamangha siya sa tuno ng boses nito. How did he have such a manly voice? Napasinghap siya nang humarap ito sa kaniya. May dilim sa mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Umigting ang panga nito nang ibaba ang tawag.

“A-Ano...”nakagat niya ang ibabang labi. “Tungkol kagabi...”

“How much?”putol nito.

Gulat at pagtataka ang rumihestro sa mukha niya.

“Ha?”

Nanatili ang blangkong ekspresyon sa mukha ng binata. May dinukot itong card mula sa pitaka at nilagay lang sa side table. Hindi na ito nag-abalang iabot iyon sa kaniya.

“Call my secretary kapag nakapag-isip ka na kung magkano,”anito sa pormal na boses.

Dinampot nito ang business suit na nakalapag sa kama. Panay ang tingin nito sa relo. Tila wala itong pakialam sa mga nangyari sa kanila kagabi. Siya lang naman yata itong may issue sa nangyari kagabi. Kalaunan ay tahimik na lamang siya nang sundan ng tingin ang malapad na likod ng binata na palabas na ng hotel room. Nang maglaho ito sa pinto ay saka siya dumungaw sa calling card na iniwan nito sa table.

Hidan Aries Alijer. Iyon ang buong pangalan nito. Iyon ang pangalang nakalagay doon.

That guy is just like her step-father. Walang oras sa pamilya. Puros negosyo lamang ang parating inaatupag. Kung siya lang ang papipiliin, ayaw niyang mag-asawa ng businessman. Pero makakapili ba siya ng mapapangasawa? Gayong kontrolado ng step-father niya ang buhay niya.

“Nakalabas na ako ng hotel room. Nasaan kayo?”kausap niya sa kaibigan sa kabilang linya pagkalabas niya.

Nagmamadali ang mga kilos niya. Hindi maitago ang pamumula ng kaniyang pisngi habang binabagtas ang hallway ng hotel. At tutungo na siya ng elevator para bumaba.

“What the!”bulalas ng babaeng nakabunggo niya. Hindi niya man lang ito namalayan kanina dahil sa pagmamadali.

Matangkad at pamilyar ang babaeng ito. Kalaunan ay nakilala niya ito. Ito ang co-model ni Coby ilang beses niya itong nakita sa set tuwing may shoot si Coby kaya paniguradong kilalang-kilala nito ang fiance niya. Umahon ang takot sa dibdib niya. Kita niyang nagulat din ang babae nang makilala siya nito.

Kalaunan ay pinanliitan siya nito ng mata.“Well, well, nakita ko kung sino ang lumabas sa pintong iyan kanina. At nakakapagtataka na diyan ka rin lumabas ngayon.”

Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi niya lubos akalaing nakita nito kung saan siya nanggaling.

“Ah, ano...” Hindi niya na alam kung anong sasabihin.

“Did you do something stúpid behind Coby's back?”

Natulala na lang siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Dahil totoo naman ang sinabi nito. May ginawa nga siyang hindi dapat. Gusto niyang magpaliwanag pero pakiramdam niya inaalisan siya nito ng karapatang magsalita.

“Babe, bakit nauna kang umalis? Hindi mo man lang ako hinintay.” Isang boses ng lalaki ang narinig nila sa likuran.

Yumakap agad ito sa babae galing sa likod. Ayos lang sana kung maglambingan ang mga ito kung normal na magnobyo at nobya lang, kaya lang kilala niya ang lalaki.

“Coby?”mahina niyang sambit sa pangalan ng lalaking kakarating lang.

Gulat na bumaling ang lalaki sa kaniya. Maging ang babaeng co-model na si Trixie ay medyo natataranta na rin. Kung kanina siya ang takot, ngayon naman ay si Trixie. Looks like the table turned upside down. Anong ginagawa ng dalawa sa hotel?

At babe? Tinawag na 'babe' ni Coby si Trixie? Sa ilang beses na nahuli niya si Coby na nambabae hindi pa rin siya nasasanay. Nagugulat pa rin siya tuwing nakikita sa mismong harap ang mga kabulastugan nito.

“I saw her. Lumabas silang dalawa ng lalaki kanina sa room na 'yon.” Biglang singit ni Trixie na halatang gusto siyang ibaligtad para mapagtakpan ang kababuyan na ginawa ng mga ito.

Napakurap-kurap siya. Agad niyang nakita ang bumalatay na iritasyon sa mata ni Coby. Lumayo ito kay Trixie para humakbang palapit sa kaniya. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya sa mariin na paraan. Napangiwi siya nang makaramdam ng kirot doon.

“Is it true?” Namula ang mata ng fiance.

“C-Coby...”mahina niyang banggit.

“She's just playing damsel and destress. I knew it, Coby. Matagal ka nang niloloko niyang fiancee mo!”sulsol ni Trixie.

Sunod-sunod ang pag-iling niya. Hindi iyon totoo. Hindi niya iyon sinasadya. Gusto niyang isatinig na wala siyang ginawang masama. Pero parang ayaw makipag-cooperate ng bibig niya para sabihin iyon at kinakain na ng pagkakataranta ang sistema niya.

Binitiwan siya ni Coby pero halos patulak pa. Dahilan para mapasalampak siya sa sahig ng hotel. Napaigik siya nang masaktan ang pang-upo niya.

“Fúck you. Pinagtiisan kita dahil partners sa company ang mga parents na'tin. Tapos ganito lang ang igaganti mo? Sinisira mo ang pagkalalaki ko at ang pangalan ko!” Nag-angat ito ng palad at akma siyang sasampalin.

Napapikit siya. Hindi niya gustong makita ang sampal na iyon. Abot hanggang langit ang kaba niya. Hinintay niya lang na dumapo sa pisngi ang sampal na iyon ngunit dumaan ang ilang segundo at hindi pa rin iyon nangyayari. Bakit? Nagbago ba ang isipan ni Coby? Kaya't dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki.

Napansin niyang natigilan si Coby pero ngayo'y may iba nang nakatayo sa likuran nito. Hindi si Trixie kundi lalaki rin. Nang gumilid si Coby ay saka niya nakita kung sino ang lalaki. Si Hidan Alijer.

Bakit bumalik pa ito?

“You call yourself a man when you can easily hurt a lady like this. Really, huh?” a smug smirk plastered on Hidan's face.

“Who the fúck are you?!”singhal ni Coby.

Hawak nito ang pulsuhan ni Coby na siyang tatama sana sa kaniya kanina. Pero napigilan iyon ng lalaking ito. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o matatakot. Ayaw niyang mapahamak si Hidan lalo pa at alam niya kung gaano kabayolente si Coby.

Akmang hihilain ni Coby ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit hindi nito mabawi ang kamay mula dito. Mahigpit ang hawak ni Hidan doon na kahit ang lakas ni Coby ay hindi makapantay man lang doon.

“You àsshole. Alisin mo ang kamay mo ngayon. Or I'll sue you.” Nanlilisik ang mga mata ni Coby habang nanatiling blangko ang ekspresyon sa mata ni Hidan.

Sumenyas si Hidan sa tauhan. At sumulpot sa likuran ang lalaking naka-all black uniform.

“Kunin mo rin ang sapatos niya,”utos nito sa tauhan saka bumaling sa paa niya.

Napatingin din tuloy siya sa paa. Doon niya namalayang hindi man lang pala siya nakapagsuot ng sapatos dahil sa pagmamadali kanina.

Nang bumalik ang tauhan ay may bitbit na itong laptop. Naiwan iyon ni Hidan sa hotel room na siyang binalikan nito. Sa kabilang kamay naman ng tauhan ay ang maliit niyang sapatos. Pinasa ng tauhan nito ang sapatos kay Hidan.

Patulak na binitiwan ni Hidan si Coby kaya't napaatras ito. Bumakas ang takot sa mata ni Coby habang hawak ang nasaktang pulsuhan. Tapos ay lumapit si Hidan sa kaniya bitbit ang sapatos niya.

Napasinghap siya nang kunin nito ang paa niya at ito mismo ang nagsuot ng sapatos sa kaniya. Maingat ang mga kamay nito habang sinusoutan siya ng sapatos.

“You're coming with me. Ihahatid kita sa inyo,”anito sa baritunong boses.

Hindi na siya nakasagot. Nanatili ang mata niya sa maugat nitong kamay at sa paraan ng pagsusuot niton ng sapatos sa kaniya. He looks elegant yet powerful. To kneel in front of her like this, isn't suitable for his character.

Saka inilahad nito ang kamay sa kaniya. Nanatili ang lamig sa mga mata nito habang nag-o-offer ng tulong sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggap ang kamay nito. Ngalingali na binalingan niya sina Coby. Kitang kita sa mga mata ni Coby ang iritasyon at hindi makapaniwala sa nakikita. At si Trixie naman ay tulala na nakatitig kay Hidan.

“Let's go,”anito sabay hila sa kaniya.

“That's my fiancee. Bakit ka nakikialam?!” Umalingawngaw ang boses ni Coby sa hallway. Tila ayaw pa rin paawat.

Natigilan silang dalawa ni Hidan. Hindi niya na magawang balingan pa si Coby sa pagkakataong ito. Pero nilingon ito ni Hidan. Bakas ang pang-iinsulto sa mga mata ng lalaki na nakipagtagisan ng tingin kay Coby.

“Fiancee? When? After you cheat?” Nagbitiw ito ng sarkastikong ngisi.

Napakuyom ang kamao niya. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtatanggol ng lalaking ito. Pero nagpapasalamat siya dahil nagagawa nitong isatinig ang lahat ng gusto niyang sabihin na hindi niya magawang isatinig.

“Serrie, you'll pay for this. I swear!”bulalas ni Coby.

Mariin siyang napapikit. Nagsisimula na naman siyang kabahan. Baka bumalik na naman siya bigla kay Coby dahil lang natakot siya sa mga banta nito. Pero sa pagkakataong ito gusto niya munang piliin ang gusto niya. At gusto niyang lumayo muna dito.

Napasinghap siya nang hawakan siya ni Hidan sa baywang at kinabig para magsimula nang maglakad. Agad siyang nagpatangay dito. Tila nakahinga siya ng maluwag dahil naiintindihan nito ang sitwasyon niya.

“Give me your address. Ihahatid ka ng driver ko.” Kaswal na lang itong nakipag-usap sa kaniya pagkababa nila.

Lumayo na rin ito sa kaniya nang makarating sila sa lobby ng hotel. Yeah, now she get it. It's just a show. Sinalba lamang siya nito sa kahihiyan. And she's still thankful for that.

“Thank you pero nandiyan na ang mga kaibigan ko,”aniya sabay tanaw sa lobby ng hotel.

“I see,”anito at seryosong nakatanaw sa mga paparating. “I have to go.”

At hindi pa man nakakarating sina Divine ay umalis na si Hidan. Makakasalubong nito sina Divine. Kapansin-pansin ang pagkatulala ng dalawang kaibigan nang mapagmasdan si Hidan Alijer. Wala sa sarili at nakanganga pa ang dalawa hanggang sa nakalapit na ito sa kaniya.

“Oh my gosh! Iyon na ba iyong lalaki? Artista ba 'yon? Model? Sobrang hot niya!” Gigil na kinurot ni Divine si Jules. Ang bakla nilang kaibigan.

“Ayaw mo ba doon, Serrie? Akin na lang, gusto mo?”dagdag naman ni Jules na tila wala rin sa sarili.

Bahagya lang siyang ngumiti sa dalawa. Ipinakita niya ang card na binigay ng lalaki kanina sa kaniya. Nagkagulo agad ang dalawa at nag-unahan pa sa pagtingin sa calling card.

“Uwi na tayo?”mahina niyang sambit sa dalawa.

Samantalang namimilog pa ang mata ng dalawa na nag-angat ng tingin sa kaniya.

“CEO ng kilalang construction company ang lalaking iyon!”bulalas ni Jules.

“Hidan Aries Alijer ang buo niyang pangalan. Gosh! Pangalan pa lang parang gusto ko nang maghubad agad ng panty. Come here, baby!” Nag-hand gesture pa si Divine na animo inaanyayahan ang kung sino sa maharot na paraan.

“Tapos ano'ng sabi?”si Jules na kumikinang ang mga mata.

“Sabi niya how much.” Alanganin siyang sumagot.

Natigilan ang dalawa. At nagkatinginan.

“Aba't iniisip niya bang bayaran ka?!” Biglang naghurumentado si Divine.

Napanganga na lang siya. Iyon pala ang ibig sabihin no'n?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status