Share

Chapter 11 - The Waitress

Habang abala sa pag-order ang tatlo ay iginala naman ni Luke ang kanyang paningin. Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Luke sa bar.

Kahit na anak ng mayaman, simula pagkabata hanggang edad labing lima ay walang ibang ginawa si Luke kung hindi ang manatili sa Manor upang mag-aral at matuto ng iba't-ibang kaalaman mula sa iba't-ibang kilala at sikat na guro at eksperto, na nagmula sa iba't-ibang panig ng mundo.

Pagdating ng ikalabing anim na taong gulang ay isinabak siya sa gyera, na siyang kanyang ikatlong training. Dito ay naranasan ni Luke ang matinding hirap. Kung hindi dahil sa una't ikalawang training ay marahil nabigo siya sa ikatlo niyang training. Sa tulong din nito ay mas napabuti pa nang lubos ang kanyang pakikipaglaban, mapa long range combat man o hand-to-hand combat.

Sa loob ng isang taong 'war training', ay agad na sumabak siya sa kanyang ikaapat na training, ang tatlong taong 'poverty training'. Magmula sa gyera ay diretso agad siya sa pagiging pulubi na kung saan ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status