Share

Chapter 12 - Blazing Phoenix Gang

Tinulungan ng isang tauhan ni Douglas si Arman habang ang tatlo naman ay galit na pinagmasdan si Luke, determinadong gulpihin siya ng mga ito.

"Ang lakas naman ng loob mo bata! Hindi mo ba kilala kung sino kami?" sambit ng isa sa tatlo at tumalikod pa ito nang bahagya para ipakita ang tattoo sa kanyang batok.

"Hah! Marahil ay naghahanap ng kapahamakan ang isang 'yan. Sisiguraduhin kong makakamit mo ang hinahangad mo bata." ani naman ng isa pa habang pinapalagutok ang kanyang mga buto sa daliri.

"Tama. Pero siguraduhin niyong 'wag niyo 'yang tutuluyan. Dadalhin ko 'yan mamaya sa dog farm upang tadtarin nang buhay at ipakain kay Bruno." sambit naman ng isa pa na ang tinutukoy ay ang alaga nilang malaking Pitbull na sinundan ng malademonyong halakhak.

Hindi umimik si Luke sa halip ay siya mismo ang unang sumugod sa tatlo. Dahil sa hindi napaghandaan ng tatlo ang pag-atake ni Luke ay saglit lang nakahandusay na ang mga ito at mga wala na ring malay tulad ni Arman. Ang liksi at presisyon na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status