Share

Chapter 0011.1

“Pasensiya na kayo Mommy hindi ko sinasadya. Medyo sumama lang ang sikmura ko bigla.” paghingi niya rito ng paumanhin at pagkatapos ay nag-angat ng ulo.

Ngumiti ito ng bahagya. “Okay lang.” sagot nito at pagkatapos ay bahagyang imwinestra nito na maupo siya at nag-atubiling sumunod siya rito.

Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpunta nito roon pero nang mga oras na iyon ay masama na ang kutob niya at bahagyang kinakabahan na siya. Isa pa ay ang ikinakatakot niya ay baka tanungin siya nito tungkol sa kanyang pagsusuka, baka mamaya ay hindi ito maniwala sa idinahilan niya.

Ilang sandali pa ay nagsalita ito.

“Sigurado ka bang okay ka lang at ayaw mo bang magpadala sa ospital?” tanong nito sa kaniya.

Ito na nga ang sinasabi niya. Sa klase nito ay tiyak na mahihirapan siyang paniwalain ito ngunit gagawin niya pa rin ang lahat ng kanyang makakaya upang makalusot rito.

“Okay lang po ako Mommy huwag kayong mag-alala. Epekto lang siguro ito ng allergy ko dahil sa hindi ko sinasadyang pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhence Flores
pa unlock nman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status