Share

Chapter 0012.2

Sumasakit na rin ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil niya ng kanyang emosyon. Napatawa siya na parang baliw pilit na pinagtatakpan ang sakit na lumulukob sa buong pagkatao niya.

“Ano hindi ka makaimik hindi ba? Wala kang maisagot kasi totoo.” sabi niya at tumigil na sa pagtawa.

Ngayon niya napatunayan na napakagaling na niyang magtago ng totoong nararamdaman niya dahil kayang-kaya na niyang maging malakas sa harap nito kahit na durog na durog na siya.

“So-sorry…” mahinang sabi nito at pagkatapos lumambot ang ekspresyon.

“Sorry?” tanong niya rito na may halong panunuya.

Sorry lang ba ang alam nitong sabihin sa lahat ng sakit na ipinaramdam nito? Sorry lang ba ang katapat ng lahat? Magagamot ba ng sorry nito ang lahat-lahat? Hindi lahat ng sugat ay nagagamot ng simpleng sorry lang lalo na kung malalim ito.

Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Higit pa sa salitang sobra ngunit bigla siyang napayuko nang maramdaman niya ang mainit na likido na tumutulo sa pagitan ng kanyang mga hita ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Elvira
Ganda po next
goodnovel comment avatar
Florence Alijid
sobrang Ganda po next
goodnovel comment avatar
Maryanne Galo
sobrang ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status