Share

Chapter 61.1

Dahil sa sinabi nito sa kaniya ay kaagad siyang sumunod rito. Nang makalabas sila pareho ay bigla na lamang huminto sa kanilang harapan ang inang kotse.

Nang makita ni Billy ang babaeng kasama ng kanyang boss ay hindi niya napigilang hindi makaramdam ng tuwa at pagkatapos ay kinindatan pa niya ang kanyang boss at ang gusto niyang iparating rito na mensahe ay napakabilis naman nito.

Ngunit sa halip na sagutin siya ay malamig lamang siya nitong sinulyapan. “Bukas na lamang natin ituloy ang mga dapat nating asikasuhin.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hindi na lamang siya sumagot.

Agad siyang napaayos mula sa kanyang kinauupuan at hinintay na lamang itong pumasok sa kotse.

NAPAtingin si Annie sa sasakyang nasa harapan niya at bigla siyang nailang nang makita niya ito dahil iyon ay isang mobile ng mga pulis.

“Magkakape lang tayo, baka naman pwedeng huwag na ito ang gamitin natin kasi parang ano…” sabi niya rito.

Tumango naman si Greg sa kaniya at pagkatapos ay sumang-ayon sa kaniya.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Esa Semblante Chavez
Maaiyak ako palagi nito masakit sa dibdib
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status