Share

CHAPTER 55

Napakurap si Leandro mula sa pagkakatitig sa tinakbuhang banda ni Yolly. May bigla kasing tumikhim mula sa likuran niya, at nang lingunin niya ay si Cindy pala iyon.

Nakangising nakatingin sa kanya ang dalaga habang nakahalukipkip. "What happened?" tapos ay pangkontrabidang tanong nito.

Napapikit si Leandro at napamaywang. Ngayon siya nagsisisi kung bakit nagpademonyo siya sa babaeng kaharap niya ngayon. Nakagawa tuloy siya ng ikakagulo na naman ng lahat.

"What's wrong?" pilyang tanong pa ni Cindy.

Tiningnan ni Leandro ng masama si Cindy.

"Oh, why? What kind of look is that? May ginawa ba akong mali?"

"Puwede ba, Cindy! Tantanan mo na si Yolly!"

Sarkastikong natawa si Cindy. "Wait lang, ha? Ano bang ginawa ko? Wala naman, 'di ba? Ikaw nga yata itong may ginawa riyan, eh, kaya nagwalk-out ang panget na iyon na umiiyak."

Napatiim-bagang si Leandro. Kundi lang babae si Cindy ay baka nakwelyuhan na niya ang dalaga ng wala sa oras or worse ay nasuntok pa dahil naningkit talaga ang mga mata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status