Share

CHAPTER 85 : ANG TUNAY NA INIIBIG

Hindi inasahan ni Sophie ang biglang pagdating ni Senyor Gaspar, na umabala sa seryosong pag-uusap nila ni Victor. Nasa harap na ito ng main door ng kanilang bahay, sa ikatlong baitang ng hagdan patungo sa sala kung saan sila naroon ni Victor, nang ito ay kanyang mapansin.

“Tumuloy po kayo, Sir,” pagpapatuloy ni Sophie sa Senyor, “hindi po ba kayo nagkita nina papa at Ma’m Amanda?”

“Nandito si Amanda?” Masaya, may ningning sa mga matang naitanong ng Senyor.

Na si Victor ang agad na sumagot.

“Opo, nasa hardin po siya kasama si Sir. Gener.”

Nagdalawang isip ito kung pupuntahan ba muna si Amanda o uunahin ang pakikipag-usap kay Sophie.

“Puwede n’yo po siyang puntahan do’n,” ani Sophie, “siguradong matutuwa silang dalawa ni papa kapag nakita kayo.”

“Sige, sige, pupuntahan ko sila!” Pagdedesisyon na niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status