Share

Chapter 23.💜 SPG

(Tyler pov)

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Maya. Pinagsasawa ko ang mga mata ko sa ganda niya. Kung ito ay mabilis na nakatulog, ako naman ay hindi, naghahalo kasi ang pananabik ko at tuwa ngayon. Simula ng ikasal kami ay isang beses pa lang kaming nagsiping. At oo, inaamin ko na nasasabik akong maulit iyon. Pero sa ngayon ay magkakasya muna ako sa ganitong set-up namin. Ayaw ko siyang biglain, o pilitin sa bagay na ako lang ang may gusto.

Pareho kaming nakatagilid ng higa at nakaharap sa isa't isa kaya nakikita ko ang kabuohan ng kanyang mukha. Kahit namumula ang pisngi at putok ang gilid ng labi ay hindi ito nakabawas sa ganda niya. Napatiim-bagang ako. Muling nabuhay ang galit ko para sa taong gumawa nito sa asawa ko. Sa oras na malaman ko kung sino ito ay magbabayad siya.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na haplusin ang kanyang mukha. Pangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Mamahalin ko din siya hanggang sa huli at hindi na magmamahal pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status