Share

Chapter 31.💜

[Maya]

MAS naging maasikaso at maalaga si Tyler simula ng magdalantao ako. Halos hindi na ito pumapasok para lang ibigay ang lahat ng gusto kong kainin o samahan ako sa pagpapacheck up ko. Kahit sa pagbabanyo ko nga ay nakaalalay siya sa takot na baka mawalan ako ng balanse at mapahamak kami ni baby.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya simula ng malaman kong buntis ako sa magiging anak namin ni Tyler. Oo, marami pa akong pangarap, pero kaya kong isantabi ang mga iyon para sa magiging anak namin. Pinapangako ko na magiging mabuting ina din ako katulad ni nanay, at syempre ay magiging mabuting asawa din ako kay Tyler.

Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan habang hinihintay si Tyler dito sa parking lot ng Supermarket. Galing kami ng department store para mamili ng mga gamit ng anak namin na si Trevor— yes, lalaki ang magiging anak namin. Tuwang-tuwa nga si Tyler dahil nakalalaki daw siya agad sa panganay namin. Pitong buwan na akong buntis ngayon, kaunting panahon na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status