Share

Chapter 44.💜

[Maya/Fiona pov]

"Seven months lang si Trevor ng ipanganak siya ni Maya bago siya pumanaw. Ang akala naming lahat ay hindi siya mabubuhay dahil bukod sa kulang siya sa buwan ay talagang mahina siya noong sanggol pa lamang siya. Halos limang buwan na naka-incubator ang batang 'yan. Tandang-tanda ko pa kung paano lumuhod si sir Tyler sa simbahan upang ipagdasal na mabuhay si Trevor."

Natigil ako sa pag inom ng juice, tumingin ako kay Trevor. Kung titingnan ito ngayon ay malayong-malayo ito sa mahinang bata na nilalarawan ni ate Mae.

"Mahal na mahal ni sir Tyler si Trevor, kaya hindi namin maintindihan kung bakit malamig ang trato niya rito gayong alam namin na sobra niya itong mahal. Si Trevor ang kaisa-isang alaala na iniwan ni Maya sa kanya... kaya naisip ko na baka sa tuwing makikita niya ang anak niya ay naaalala niya si Maya."

"Sa tuwing magkukwento kayo ay parang kilalang-kilala niyo si Maya ni aling Berta. Kaano-ano niyo po siya?" Tanong ko kay ate Mae. Napipilan ako ng makita ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status