Share

Chapter 50.💜

[Maya/Fiona pov]

'SUZY'

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kumukulo ang dugo ko simula ng marinig ko ang pangalang iyon. Dahil siguro sa nalaman kong sinasaktan pala nito ang alaga ko.

Kumuyom ang aking kamao.

Hindi ako makakapayag na saktan pa nitong muli sinTrevor. Hangga't narito ako sa mansion na ito ay po-protektahan ko ito. Wala akong pakialam kung step-sister ito ni sir Tyler, sa oras na saktan niya si Trevor ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.

Akala ko ay sa mga palabas ko lamang maririnig ang mga ganitong senaryo, hindi pala. Hindi pala pagmamahal ng isang kapatid ang nais ni Suzy kay sir Tyler. Ayon kina aling Berta at ate Mae ay makailang ulit ng nagtangka ang Suzy na 'yon na pikutin ang amo namin, mabuti na lang at napipigilan iyon ng dalawa.

Habang hinihintay kong matapos sa paglangoy si Trevor kasama ang kanyang swimmer instructor ay nagpunta muna ako sa kwarto niya para ihanda ang tuwalya niya. Pagpasok ko ay naabutan ko si sir Tyler na nakatayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status