Share

Chapter 48.💜

[Tyler pov]

Sa loob ng tatlong taon ay kinain ako ng lungkot, sakit, pangungulila. Hindi ko namalayan na napapabayaan at nababalewala ko na ang sarili kong anak. Palagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ni Maya.

Kung hindi ako naging pabaya ay baka hanggang ngayon ay buhay pa siya at kasama namin ni Trevor. Masaya sana kaming magkasama at buo ang pamilya namin.

Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko na sisihin si Trevor sa pagkawala ng mommy niya. Ang totoo ay hindi ko magawang harapin siya dahil pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ina. Kaya sinabi ko sa aking sarili na hangga't hindi nahahanap kung sino ang dahilan sa pagkawala ni Maya ay hindi ko kayang humarap sa kanya...

Subalit mali ako...

Dahil sa ginawa ko ay hindi ko na namamalayan na nasasaktan ko na pala ang kawawa naming anak ni Maya. ang tanga ko dahil hinayan ko na isipin at maramdaman niya na hindi ko siya mahal. Nang marinig ko ang sinabi ni Fiona sa akin ay saka lamang ako natauhan...

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status