"Fuck! Talagang sinasagad nila ang pasensya ko." Napatalon ang puso ni Mahana sa gulat matapos marinig ang di inaasahang pagsuntok ni Luis sa pader ng kanilang likod bahay. Kinabahan siya ng sobra noong makita ang kabuuan ng lalaki na nag-aalburuto ito sa galit."Luis, kumalma ka." Kinakabahan na usal ni Mahana. Sinusubukan niyang pakalmahin si Luis dahil natatakot siya sa pwede nitong gawin.Hinarap siya ng lalaki, nasindak siya sa binigay na titig ni Luis. "Tangina! Iniipit nila tayo, Hana. Ginagawa nila lahat para hindi matuloy yong annulment natin.""E, hi-hindi naman tayo sigurado kung sila yong may kapakanan sa pagkamatay ni Jade e. Ayon naman kay Kenneth, under investigation pa, wala pang suspek." Depensa ni Mahana, nanginginig ang bawat sulok ng kanyang labi habang nagsasalita. Hinihimas nito ang kanyang mga palad at ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng mga iyon dala ng kaba."Tsk! Sino pa ba ang aasahan natin na gagawa non kay Jade? Hana, alam ni Jade kung sino ang may ka
"Sanay na sanay na ah." Tinugon ni Luis ang apir ni Mahana sa ere saka iniabot ang bottled water na binili nito. Katatapos lang ng raket nila bilang dispatcher sa terminal ng jeep. Habol nila parehas ang kanilang hininga at naliligo sila sa sarili nilang mga pawis."Konti nalang e. Damn! Ang init." Napatango-tango si Mahana saka iniiwas ang tingin sa lalaki. Itinuon nalang niya ang pansin sa bottled water na hawak dahil uhaw na uhaw na siya. Pinihit niya ito para mabuksan pero sobrang higpit ng pagkakalock non kaya nakaramdam siya ng inis. Nakailang subok siya na buksan ito pero namaga na lahat at sumakit ang kanyang palad ay wala pa rin."Ponyeta! Ba't ayaw mabuksan?" Bulong niya pero rinig na rinig ni Luis dahilan para mapalingon ito sa gawi ng babae. Nasa kalagitnaan siya ng pagpihit sa takip ng bottled water para makainom na siya noong biglang umeksena si Luis. Inagaw niya ng marahan may Mahana iyong bote saka walang kahirap-hirap na binuksan ito para sa babae."Here.." iniabot
"Mang! Ang daya mo naman e. Bakit hindi ka manlang nagsabi?"Umiiyak na hawak-hawak ni Mahana ang kamay ng kanyang Mamang na nakahiga sa may hospital bed na walang malay. Kaaalis lamang ng doctor na tumingin sa kanya at ipinaalam ang kalagayan nito. Hindi normal ang pagdaloy ng dugo nito sa buong katawan niya dahilan para manghina siya't unti-unting naubos ang kanyang lakas. Itinago niya iyon kina Mahana dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito."She's going to be fine, Hana." Pagpapakalma ni Luis sa kanya. Hinahaplos-haplos ni Luis ang kanyang likuran, dinadamayan siya nito.Kahit gusto niyang pumunta sa bayan upang maghanap ng raket, hindi kakayanin ng konsensya ni Luis na iwan si Mahana at ng Mamang nito. Siya ang kasama ni Mahana sa pagbabantay, umaga hanggang gabi. Nakita niya kung paano nalungkot si Mahana sa loob ng ilang araw. Hindi niya ito makausap ng maayos. Nag-aalala siya ng sobra. Gayunpaman, sinisikap na lamang ni Luis na huwag ipahalata ang kaba at takot niya sa babae.
"Sasabihin mo ang totoo o tutuluyan kong sirain yang bungo mo, ha?"Mabilis na pinigilan ni Mahana si Luis na akmang susugurin na naman ang nakarambulan niya noong ipinagtanggol niya si Megan laban sa pambabastos ng mga ito."Kap, siya naman po talaga kasi ang nauna e. Hinusgahan niya po ako kaya ko po siya naisipang suntukin." Pagmamakaawa effect ng nakasapakan nito. "Aba! Sinabihan ka lang naman ng may mas gwapo sa'yo, napikon ka na?" Tawa-tawang usal ni Luis. Nakatanggap tuloy siya ng hampas mula kay Mahana. "Mawalang galang na po ah, kaya lang naman po ako nakipagsuntukan sa mga yan dahil below the belt po yong pambabastos nila kay Megan. Kung ano-anong mga hindi malunok na salita ang binitawan ng mga pangit na yan. Kahit naman po siguro kayo gagawin yong ginawa ko para lang maipagtanggol si Megan e. Kung hindi po sila sisitahin, malamang, mas marami pa silang mabubully dyan sa gawain nila. At isa pa, wala po silang karapatan para bastusin ang sister in law ko." Sa kuwadradong s
Breath in....Breath out....Breath in....Breath out....Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa pan
LUIS'S POV"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami. College life is one of the worst part of my life as a student.
"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettl
"Tangina ka! Legal 'to, pre.."Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko."Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin."Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa