"Hindi ko alam kung maaawa ba 'ko sa'yo o matatawa." Idinampi ng dahan-dahan ni Mahana ang basang bimpo na inilublob nito sa palanggana na may laman na tubig at alcohol. Inaapoy sa lagnat si Luis kinagabihan dahil sa pagligo nito sa ulanan. Napalitan ang excitement nito ng sakit ng katawan kaya hindi alam ni Mahana ang gagawin."Tsk! Alagaan mo nalang ako pwede? Dont laugh at me, hindi ko naman alam na ganito ang consequences sa pagligo ko sa ulan e." Naubo pa ng bahagya si Luis at halatang nanghihina ito na parang lantang gulay.Buong magdamag syang inalagaan ni Mahana, kahit papaano, nakakaramdam pa rin siya ng kaba sa kalagayan ng lalaki. Napapansin na rin niya ang bahagyang pagpayat ni Luis mula nong namalagi sila sa probinsiya. Dala na rin siguro iyon ng pagtatrabaho nito araw-araw at hindi sapat na pagtulog tuwing gabi."Kumain ka na muna para lumakas ka. Dahan-dahan at mainit ang sabaw na 'to."Ibinaba niya muna sa side table iyong dala ni Mahana na mangkok na may laman na sab
"Ano itong sinusumbong ni Luis sa akin na para ka raw kakatayin na baboy sa lakas ng pag-iyak mo kagabi, Hana?"Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng umagahan nong araw na iyon. Kumpleto sila dahil maagang nakauwi si Megan mula sa kanyang trabaho at si Mamang naman ay sinadya na magising ng maaga dahil may lakad siya. Sa kabilang dako, hindi naman nakatulog si Luis kakaisip sa naging kalagayan ni Mahana kagabi. Para siyang lantang gulay nang magising kasabay non ang pagsakit ng kanyang ulo."Naku! Mang, kung narinig nyo lang kagabi, iisipin niyo talaga na kinakatay siya sa sobrang lakas ng hagulgol niya." Pagsusumbong ni Luis, abala siya na nagtitimpla ng kape.Napakamot si Mahana sa kanyang ulo at napapahiyang ngumiti. "Ay malakas ba? Sorry, nanonood kasi ako ng kdrama kagabi e. Sobrang intense ng episode kagabi kaya hindi ko na napigilan pa ang luha ko." Paliwanag ni Mahana saka siya naupo sa tabi ni Luis."Sigurado ka?" Hindi kumbinsidong tanong ni Luis."Oo.." mabilis ba depensa ni
"Kung makasabi ka ng sorry sa'kin kahapon akala mo naman may ginawa ka sa'kin na ikakaguho ng mundo ko. Yon pala nagsosorry ka sa mga pagpapahirap na ginawa mo sa'kin lately. Aba! Kahit papaano, deserve ko yong sorry mo."Natawa silang dalawa dahil sa nangyari kagabi na paghingi ni Mahana ng sorry. Inamin ni Luis na nakaramdam siya ng kakaiba nong binitawan ni Mahana ang salitang iyon. Kaya naman pinagtawanan siya ng malala ni Mahana."Sira! Tungkol man yon pagpapahirap ko sayo o hindi, parehas pa din na gumuho ang mundo mo." Depensa ni Mahana. "Tsaka, para kang natatae sa sobrang kaba mo kagabi." Nagpakawala pa siya ng tawa."Aba! Malamang, sinong 'di kakabahan sa eksena natin kagabi. Hello! Umiiyak ka kaya, sa tingin mo anong iisipin ko nong mga oras na yon, aber?" Patutsada ni Luis at talaga pinangatawan niyang kinabahan siya ng malala sa pagtutuos nila ni Mahana."Kakainom mo yan ng kape, uy!" Usal ni Mahana kaya nakatanggap siya ng pisil sa pisngi mula kay Luis. "Nga pala, magbi
Breath in....Breath out....Breath in....Breath out....Hindi mabilang na buntong-hininga ang nagawa ko matapos buksan ang bagong dating na papel sa akin na ngayon ay hawak-hawak ko na nagiging dahilan para manginig ang kamay ko sa kaba.Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko itong punitin pero naubusan ako ng lakas. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang salita na alam kong makakapagpabago sa buhay ko.Sinusubukan kong iproseso ng maayos kung tama ba ang pagkakabasa ko sa dalawang salita na malalaki na nakasulat sa pinakaitaas ng papel. Marunong naman ako magbasa pero bakit nabobo ako bigla sa papel na ito? Bakit biglang hindi gumana ang utak ko?Sa isang iglap, hindi ko akalain na biglang magbabago ang buhay ko. Isang gabi na puno ng saya pero nabahiran nito ang nananahimik kong buhay ng kaba at pangamba.Paano ko haharapin ito? Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Wala pa ito sa plano ko pero dumating ito sa pan
LUIS'S POV"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami. College life is one of the worst part of my life as a student.
"Luis, fix yourself na dahil sasama ka meeting namin with Mr. Choi para sa business natin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na para incase ibigay na namin sa iyo ang negosyo ay alam mo na ang gagawin mo."Napatakip ako ng unan sa teinga ko dahil tanghaling tapat ay nandito na si Mama sa kwarto, nanenermon. Laking pagsisisi ko tuloy na umuwi dito dahil sa pagiging bungangera niya. Mas mainam pa sa condo, wala akong sermon na maririnig mula kay Mama."Bumangon ka na diyan." Hinila niya iyong kumot na nakatakip sa akin. "Saan ka na naman ba nagpunta kagabi at tinanghali ka na naman ng gising?""Ma, sa bar lang.." walang gana na sagot ko."Jusko, Luis, araw-araw na 'yang paglabas mo ng gabi para makipag-inuman ha. Imbes na 'yan ang atupagin mo, bakit hindi 'yang pag-aasawa mo ang asikasuhin mo.""Si Mama naman, kakagraduate ko pa lang, gusto mo na 'ko agad mag-asawa." Napakamot ako sa aking sentido."Aba! Kung puro barkada ang aatupagin mo, hindi ka magkakaroon ng inspiration na magsettl
"Tangina ka! Legal 'to, pre.."Pinagpapasa-pasahan nina Kenneth, Chris, at Rhaiven 'yong marriage contract upang makita nila ito at mahawakan. Hindi ako nag-aksaya ng oras para tawagan sila para makahingi ng tulong. Akala nila nong una ay nakikipagbiruan lang ako sa kanila hanggang sa nagpakita ako ng proof ay nagsitakbukhan na sila papunta dito sa condo ko."Sabi sa inyo e, ayaw nyo pang maniwala kanina." Tugon ko at inilapag 'yong mga bote ng alak sa center table dito sa may sala para may mapagsaluhan naman kami. Hindi ko nakalimutan syempre 'yong pulutan namin."Aba! Malay ba natin kung nantritrip ka lang? Kilala ka pa naman namin." Patutsada ni Chris at kinuha iyong iniabot kong bote ng alak matapos kong alisin ang takip nito.Isa-isa ko rin na inabutan sina Kenneth at Rhaiven ng bote ng alak na noon ay sinusuri pa rin 'yong marriage contract. Nakakatuwa dahil sa wakas naisama nila si Rhaiven.Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang mga iinumin, naupo na ako sa pang-isahang sofa
“Welcome to our family, Mahana…” Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili. “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.“Hi there, son..” Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at