Share

Chapter 36: Hero

"Mang! Ang daya mo naman e. Bakit hindi ka manlang nagsabi?"

Umiiyak na hawak-hawak ni Mahana ang kamay ng kanyang Mamang na nakahiga sa may hospital bed na walang malay. Kaaalis lamang ng doctor na tumingin sa kanya at ipinaalam ang kalagayan nito. Hindi normal ang pagdaloy ng dugo nito sa buong katawan niya dahilan para manghina siya't unti-unting naubos ang kanyang lakas. Itinago niya iyon kina Mahana dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

"She's going to be fine, Hana." Pagpapakalma ni Luis sa kanya. Hinahaplos-haplos ni Luis ang kanyang likuran, dinadamayan siya nito.

Kahit gusto niyang pumunta sa bayan upang maghanap ng raket, hindi kakayanin ng konsensya ni Luis na iwan si Mahana at ng Mamang nito. Siya ang kasama ni Mahana sa pagbabantay, umaga hanggang gabi. Nakita niya kung paano nalungkot si Mahana sa loob ng ilang araw. Hindi niya ito makausap ng maayos. Nag-aalala siya ng sobra. Gayunpaman, sinisikap na lamang ni Luis na huwag ipahalata ang kaba at takot niya sa babae.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status