Share

14.1: Her Arrival

Nang matapos ang kasiyahan ay muling nakaramdam ng bigat ng kalooban si Bea dahil ang ibig sabihin lang niyon ay nalalapit na ang kanyang pag-alis.

Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga pinagkainan nila habang ang mga kapatid niya ay naglalatag nang banig para matulog dahil inabot na sila ng gabi. Ang nanay naman niya ay umakyat din para kunin ang mga record niya sa eskwela at ang birth certificate dahil naulinigan niyang hiningi iyon ng kanyang tiya habang kumakain sila. Samantalang nasa labas naman ang tiya at tatay niya habang nagkukwentuhan. Pagbaba ng nanay niya ay pinigilan siya nito sa ginagawa at iniabot sa kanya ang hawak nitong envelop.

“Ako na ang magtutuloy niyan. Naihanda mo na ba’ng mga kailangan mong dalhin? Kunin mo na at baka masyado na kayong gabihin sa daan, mahirap na,” sunud-sunod na sabi nito.

“Naayos ko na po kanina habang wala kayo ni tatay,” sagot niya habang kinukuha ang inaabot nitong envelop. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa bayong na nakalapag sa gil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status