Share

Chapter 27

"Abigail," tawag ni Mia sa dalaga na kagigising lang pero halatang hindi nakatulog dahil sa malaking eyebags nito. Namumungay rin ang mata niya na makikitang inaantok pa rin. Animo wala itong lakas na naglalakad at panay pa ang hikab.

Animo 'di pa gising ang diwa na nilingon niya si Mia.

"Ah?" blangko ang mukhang usal niya.

"H-Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" gulat na hayag ni Mia.

Tabingi ang ngiting tumango siya at laglag ang balikat na naupo siya sa silya. Pakiramdam niya ay wala siyang lakas kahit man lang ang tumayo.

Alas onse ng gabi siya pumasok at nahiga sa kama. Pero kahit na mariing ipikit niya ang mata ay 'di pa rin siya makatulog. At nang tuluyang agawin ng antok ang diwa niya ay tumitilaok na ang manok sa labas. Pero kaunting kaluskos lamang ay agad siyang nagising. At kahit subukan niyang ituloy matulog ay hindi na siya makatulog.

"Mamaya pagkatapos nating mag-agahan ay puwede ka namang umidlip," nakakaunawang saad nito at binigay ang hawak nitong cellphone. Nagtatakang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status