Share

Chapter 35

"Gusto ko rin subukan magtanim ng palay," excited na sabi ni Abigail sa binata na inaayos ang mga pagkain na baon ng mga binayaran nitong magtatanim ng palay. Kanina ay maaga itong nagising para lang magluto. At kahit siya ay gumising din at pinanood ito. Tinulungan na rin niya ito para agad na itong matapos.

Huminto si Axis at nilinga si Abigail na nakaupo sa silya. Halos sumingkit na ang mata nito sa pagngiti nito. "Walang magrereklamo mamaya kung sasakit ang likod at binti mo. Nandun si Andrea, sa kaniya ka magpaturo mamaya. Pagsasaka na ang naging trabaho niya noon pa man kaya magaling iyon sa pagtatanim."

"Ikaw?" tanong nito. "Puwede naman na ikaw na ang magturo sa akin at nakakahiya naman kay Andrea. Maiistorbo ko pa sila sa trabaho nila."

"Kami ang kukuha ng binhi na itatanim nila," tugon niya. "At huwag mong isipin ang bagay na iyan dahil mabait sila."

"'Di iyon na lang ang gagawin ko," agad na hayag nito at nag-puppy eyes sa kaniya. "Gusto ko iyong kasama kita, eh!"

"Akala ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lolita C. Lusanta
unlock.pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status