Share

Chapter 36

Pinigilan ni Axis ang matawa nang makita ang hitsura ni Abigail habang naglalakad sila pauwi. Nakita niya na pilit pinapalakas ng dalaga ang tuhod nito. Pero halatang titiklop na iyon at parang mahihiga na ito sa dinadaanan nila. Mukhang nahihiya itong ipakita sa mga kasama nila na para na itong pagong dahil sa pagod. Kaya naman pinipilit nitong sabayan pa rin ang mabilis na paglalakad nila Andrea na hindi man lang kababakasan ng pagod. Namumula na rin ang pisngi nito at tumutulo ang pawis mula sa noo padausdos sa leeg nito. At sa tuwina ay ginagamit nito ang likod ng kamay nito para punasan iyon.

Naliligo na ito sa pawis. Ultimo buhok nito ay parang katatapos lamang nitong naligo dahil basang basa iyon.

Nang maramdaman nito ang tingin niya ay lumingon ito at pinandilatan siya. Nang ngitian niya ito ay umismid ito at nagbawi na ng tingin. Kung silang dalawa lang siguro ang naglalakad ngayon ay baka nakiusap na ito na magpahinga sila. Pero sa nakikita niya ay ayaw nitong gawin iyon dah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status