Nang makita ni Abigail ang taong bumungad sa pinto ng kusina ay nabura ang ngiti niya at pilit na itinago niya ang disgusto. Hindi niya inaasahang susulpot ito ngayon dito. Nagbaba siya ng tingin at hindi na muling sumulyap kay Odette na ramdam din niyang malalim ang tingin sa kaniya. Hindi talaga niya kayang itago ang disgusto niya rito pagkatapos nang away nila sa bahay ni Axis. Simula ng araw na 'yun ay naiinis na siya rito. Ang makasalubong pa nga ito sa daan ay iignorahin niya ito at ituturing itong hangin na parang hindi niya ito nakikita.Siguro ay kung hihingi ito ng tawad sa ginawa nitong panunulak sa kaniya ay baka mapatawad niya ito. Kasi siya iyong klase ng tao na 'pag siya ang nasa tama ay hindi siya ang magpakumbaba. Pero kung siya naman ang nagkamali ay marunong siyang tumanggap ng kaniyang pagkakamali. Even though she doesn't yield easily, she will still consider apologizing to them. Ang babae ang unang nambastos sa kaniya kaya bakit siya ang mauunang hihingi ng tawad
Inilapag ni Axis ang briefcase sa sofa at naupo roon kapagdaka. Kagagaling lang niya sa meeting nila ng investor laking gulat niya ng makita si Faith at ang asawa nito. Ito iyong lalaking naabutan niyang kasama nito noon sa pad ng babae. He's not affected after seeing them together. He already forgot how he feels about her. But the thing he was shocked about was that Mister Fernando also knew her. At lahat ng binanggit nito tungkol sa dalaga ay parang nabilog ang ulo niya.Katatapos lang nilang mag-usap about sa business at kasalukuyang kumakain sila nang makita nilang dumating ang dalawa. Nang makita pa siya ng magkapareha ay parang hindi siya kilala at nilampasan ang table nila. Napansin pa nga niya ang smug look sa mata ng lalaki na kahit saglit lang na tumingin sa kaniya ay nakita pa rin niya. Parang silang mga mayayaman lalo na si Faith sa hitsura nito. The clothes she wore, the way she walked with her head held up high, and everything she did was very refined and flawless. At it
Excited si Abigail na nagpatulong kay Mia na ihanda ang iluluto niyang pakbet at adobo. Dahil ang mga ito ang itinuro nito na mas madali at gustong inuulam ni Axis. At nalaman niya rin mismo kay Mia na hindi totoong adobo ang paborito ng binata kundi lahat ng pagkain ay gusto nito. At gusto niyang sabunutan ang Odette na 'yun dahil akala mo ay alam lahat pero hindi naman pala.Proud pa talaga itong sabihin na ang adobo ang favorite ulam ni Axis pero hindi pala. Kung nandito lang ang babae ay baka inarkuhan na niya ito ng kilay. Ipapamukha niya sa babae na nagmamarunong lang ito para lang sabihin sa kaniya na mas matagal nitong kilala ang lalaki.Hindi niya sure kung anong oras makakauwi si Axis pero gusto niya pa ring ihanda ang lulutuin. Dahil ayaw niyang ang unang pagkain na matitikman ni Axis na niluto niya ay palpak. She wants it to be perfect at makitang nagustuhan iyon ng lalaki. Dito na rin niya ito iluluto at pagkatapos ay ilalagay niya sa container at uuwi sa bahay ng binata.
Hapon na nang lumabas sila ng kuwarto. Saka lamang naalala ni Abigail ang mga niluto niya. Natatarantang binuksan niya ang bag at inilabas ang mga container at binuksan iyon isa isa. Nag-aalala siya na baka napanis na ang mga ito sapagkat mainit pa nang ilagay ni Mia sa container.Kung hindi ba naman dahil sa kalibogan nilang dalawa ay hindi ito mawawala sa isip niya."Ano ba ang mga iyan?" Sinilip ni Axis ang laman ng container at tumaas ang kilay niya nang makita ang laman ng mga iyon. Hindi niya inaasahan na mga pagkain pala ito."H-Hindi naman ito panis, 'di ba? Pinaghirapan kong iluto ito para sana matikman mo," kagat labing hayag nito. Nalungkot ito dahil masasayang ang effort nito kaninang umaga.Ngumisi siya at pinisil ang puwet ng dalaga sabay sabing, "ibang pagkain ang nauna mong pinakain sa akin, eh! Dapat kasi ito na muna ang pinatikim mo sa akin."Pilyang humagikgik ito at pabirong hinawakan ang pribadong katawan niya bago binawi agad iyon. Mapang-akit pa na kinagat nito
Pakiramdam ni Abigail ay mahahati sa dalawa ang utak niya nang gumising siya. She has an extreme headache that she can't bear it. At nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay parang mas lalong sumakit pa ang kaniyang ulo nang tumama ang liwanag sa mata niya. Kaya naman ilang segundo siyang pumikit muli bago nagmulat. Dahan-dahan siyang bumangon dahil matindi pa rin ang pagkirot ng ulo niya. At parang nababang-ag na tumingin siya sa dingding dahil hindi niya matandaan lahat ng mga nangyari kagabi.Ang tanging naalala niya lang ay ang pag-inom niya ng matamis na rice wine. At parang juice kung lagukin niya iyon. She even boosted to them na mataas ang tolerance niya sa alak. Pero hanggang doon lang 'yun. At ang mga sumunod pa na eksena ay blangko at 'di na niya matandaan. At kung pilitin naman niyang alalahanin ay parang sasabog na ang ulo niya kaya isinantabi na muna niya."F*ck sh*t!" mahinang mura niya nang maramdaman muli ang pagpintig ng sentido niya. Kahit gusto niyang humiga uli d
Abigail's breathing slowed and her beating heart stilled in her chest. Bakit nga ba siya nagkakaganito? Kahit na walang gusto si Axis sa kaniya ngayon ay pwede naman itong mahulog kung siya na mismo ang manliligaw dito, hindi ba? She will be the one to show motives and get closer to him. Maybe she has a chance. Dahil pumayag ito na maging casual friend sila kaya siguro ay magagawa niyang mapa-ibig ito. Hindi ba isang senyales na ang mga kilos nito, katulad ng yakap at halik nito. Kung talagang walang chance na makuha niya ito ng buo ay hindi ito ang unang gagawa ng hakbang. Kahit biro iyon sa una ay doon na sila nagsimula bago sila himantong sa ganitong relasyon.Huminga siya ng malalim at tumayo. Hinaplos niya ang kaniyang dibdib at mariing pumikit. "I will let him fall in love with me!" determinadong hayag niya sa sarili at nagmulat ng kaniyang mata. "I'm beautiful and hot so I'm sure I can do it! Nakuha ko na ang atensyon niya sa una pa lang kaya magagawa kung masungkit ang puso ni
"Gusto ko rin subukan magtanim ng palay," excited na sabi ni Abigail sa binata na inaayos ang mga pagkain na baon ng mga binayaran nitong magtatanim ng palay. Kanina ay maaga itong nagising para lang magluto. At kahit siya ay gumising din at pinanood ito. Tinulungan na rin niya ito para agad na itong matapos.Huminto si Axis at nilinga si Abigail na nakaupo sa silya. Halos sumingkit na ang mata nito sa pagngiti nito. "Walang magrereklamo mamaya kung sasakit ang likod at binti mo. Nandun si Andrea, sa kaniya ka magpaturo mamaya. Pagsasaka na ang naging trabaho niya noon pa man kaya magaling iyon sa pagtatanim.""Ikaw?" tanong nito. "Puwede naman na ikaw na ang magturo sa akin at nakakahiya naman kay Andrea. Maiistorbo ko pa sila sa trabaho nila.""Kami ang kukuha ng binhi na itatanim nila," tugon niya. "At huwag mong isipin ang bagay na iyan dahil mabait sila.""'Di iyon na lang ang gagawin ko," agad na hayag nito at nag-puppy eyes sa kaniya. "Gusto ko iyong kasama kita, eh!""Akala ko
Pinigilan ni Axis ang matawa nang makita ang hitsura ni Abigail habang naglalakad sila pauwi. Nakita niya na pilit pinapalakas ng dalaga ang tuhod nito. Pero halatang titiklop na iyon at parang mahihiga na ito sa dinadaanan nila. Mukhang nahihiya itong ipakita sa mga kasama nila na para na itong pagong dahil sa pagod. Kaya naman pinipilit nitong sabayan pa rin ang mabilis na paglalakad nila Andrea na hindi man lang kababakasan ng pagod. Namumula na rin ang pisngi nito at tumutulo ang pawis mula sa noo padausdos sa leeg nito. At sa tuwina ay ginagamit nito ang likod ng kamay nito para punasan iyon.Naliligo na ito sa pawis. Ultimo buhok nito ay parang katatapos lamang nitong naligo dahil basang basa iyon.Nang maramdaman nito ang tingin niya ay lumingon ito at pinandilatan siya. Nang ngitian niya ito ay umismid ito at nagbawi na ng tingin. Kung silang dalawa lang siguro ang naglalakad ngayon ay baka nakiusap na ito na magpahinga sila. Pero sa nakikita niya ay ayaw nitong gawin iyon dah