Sumakay kami sa tricyle pero malapit lang din pala ang pupuntahan namin.
Nandito kami ngayon sa Coron Plaza habang pinapanood ang mga batang naghahabulan, kaniya-kaniya sila ng laro at talagang mababakas sa mga mukha nila na sobrang enjoy na enjoy sila sa paglalaro.Simple lang ang Christmas Tree nila rito, mga pamaypay na gawa sa dahon ng anahaw ang nakasabit dito at mayroon ding mga dekorasyong poinsettia na gawa sa tela. Sigurado akong maganda itong pagmasdan kapag gabi kaso nasa kabilang dagat ang Queen Coron Resort kaya hindi ko rin makikitang umilaw ito."Natutunaw na iyong sorbetes mo oh. Tulala ka yata." Naramdaman ko na rin naman kanina na dumampi na ang tunaw na ice cream sa kanang kamay ko. Hindi ko lang pinansin dahil tinititigan ko pa ang Christmas tree."Hala, oo nga!" sambit ko at kunwaring nagulat pa. Ito kasi ang unang beses na hindi ko makakasama sila mommy at daddy sa Christmas at New Year's eve kaya ganoon nalang ako kung makatitig sa Christmas Tree kanina."Ayos ka lang ba?" Ramdam kong may pag-aalala sa boses niya. Kanina pa yata siya nakatingin sa akin."Oo naman." Nginitian ko siya nang sobrang tamis para hindi na siya mag-alala. "Ang sarap ng ice cream, hindi ba?" pag-iiba ko ng topic."Oo. Ang sarap nga ng sorbetes. Unang beses ko palang pumunta rito sa plasa at suwerteng may kasama ako. Suwerteng nakasama kita." Sa Christmas Tree niya na itinuon ang tingin niya matapos magsalita."Alam mo mabuti nga na nakilala kita kasi kahit papaano ay may nakasama ako ngayong araw." Malapit niya nang maubos ang ice cream niya samantalang ako ay hindi pa nangangalahati.Saglit siyang sumulyap sa akin bago tumingin sa mga batang naglalaro. "Anong ibig mong sabihin?""Wala kasi akong kasama nang pumunta ako rito sa Coron. Nag-iisa lang ako, ganern." Hindi ko na naman mapigilan ang pagiging informal ko magsalita. May pa-ganern pa akong nalalaman."Hindi nga pala natin napag-usapan iyan kahapon. Hindi mo pala nabanggit na wala kang kasama. Pero ang tapang mo na pumunta rito mag-isa." Napahanga ko na siya sa katapangan ko? Charot lang."Tapang-tapangan lang HAHA!" Naku, hindi ko napigilang humalakhak."Siguro nga pinagtagpo talaga tayo, ano?" Ayan na naman po siya sa pinagtagpo-pinagtagpo niya."Siguro?" Pinigilan ko lang matawa pero tawang-tawa na talaga ako sa ideyang baka pinagtagpo raw kami. "Basta ang mahalaga nakilala kita!" masigla kong sambit."Tama. Iyon ang mahalaga. Tapos ka na sa kolehiyo, tama ba?" Nagulat ako dahil bigla niyang tinanong kung graduate na raw ba ako. Bakit niya naman kaya natanong?"Tama ka at fresh graduate palang ako." Sa tantiya ko ay 25 years old na si Blue samantalang ako naman ay 22 years old palang."Tapos na rin ako sa kolehiyo at namamahala na sa negosyo ng pamilya ko. Kapag may libreng oras ay nagsusulat ako." Buti nalang nagkukuwento siya ngayon, ang awkward kasi kapag walang nagsasalita sa amin."Ang sipag mo namang magsulat! At ang dami mo nang naisulat. Parang hindi yata ako mauubusan ng nobela na babasahin!" Napatingin siya sa akin matapos kong magsalita. Para kasi akong bata na tuwang-tuwa."Ayos din ba ang nabasa mong nobela ko?" Ramdam kong gusto niyang malaman ang iniisip ko patungkol sa latest novel niya na nabasa ko."Ayos na ayos! Nakakakilig! Aabangan ko nga ang ending nun eh. Nakaka-curious din kung magkakatuluyan ba sila." Totoong curious ako sa magiging ending at hindi lang dahil sa kasama ko ang nagsusulat ng nobela na iyon."Salamat ah," sambit niya bago ngumiti."Alam mo, napaka-humble mo. Hindi ka naman dapat nagpapasalamat kasi nagsasabi lang ako ng totoo," pangiti-ngiti kong sambit."Hayaan mo na akong magpasalamat. Kapag naubos mo na iyang ice cream mo ay pupunta na tayo sa simbahan.""Simbahan agad?!" Anong klaseng tanong ba iyon, self? Nagmukha ka tuloy nagulat na pusa."Bakit pala kung sa simbahan tayo pupunta, may problema ba?" Mukhang nag-alala pa yata siya dahil sa tanong kong bunga ng kung anu-anong naiisip ko."A, e, i, o, u. Wala-wala. Nabigla lang ako," sagot ko sa kaniya bago ngumiti. Akala ko kasi ikakasal na kami sa simbahan. Weird ko talaga mag-isip kahit kailan."Ah, akala ko may problema. Akala ko bawal ka pumunta sa simbahan.""Hindi naman ako aswang," sambit ko bago bahagyang tumawa nang mahina. "Bibilisan ko nalang ubusin 'to tutal tunaw na rin.""Sige," maikli niyang sagot."Pero puwede na rin tayong maglakad pupunta sa simbahan habang inuubos ko 'to." Ang bagal-bagal ko kasi eh, daig ko pa ang bungi. Nakakahiya tuloy sa kaniya."Hindi, ayos lang. Ubusin mo na muna. Kaya ko namang maghintay." Naku, linyahang hintay-hintay na iyan! Hindi ko dapat kalimutan na manunulat ang kasama ko. Baka mamaya mahulog ang puso ng saging dahil sa mga linyahan niya. Mabilis pa naman mapapaniwala ang mga babae sa mga matatamis na salita, sa true lang.Binilisan ko nalang ang pag-ubos sa ice cream ko na siya mismo ang bumili at nanlibre. Ang saya kapag libre lang tapos galing pa sa kaniya. "Ayos na. Naubos ko na. Tayo na sa simbahan.""Magsimula na tayong maglakad para marating na natin agad ang simbahan."Hindi man lang ako pinawisan sa paglalakad dahil sobrang lapit lang ng simbahan sa plasa, mga ilang hakbang lang talaga.Maraming mga tricycle sa kalsada na iba-iba ang kulay at may iilan ding taong nakasakay. Tatawid muna kami bago tuluyang makarating sa simbahan pero hindi naman mahirap tumawid dahil hindi naman maluwang ang kalsada. Tulad lang din ng pagtawid sa isang relasyon bago kayo makarating sa simbahan, maraming pagsubok at hindi magiging madali ang lahat. Pero hindi tulad ng kalsadang ito na hindi malawak dahil sa relasyon ay sobrang malawak ang kailangan niyong tawirin at dapat mapagtagumpayan nang magkasama.Naku, tatawid nalang e naiisipan ko pa ng hugot!Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan ni Blue ang kanang kamay ko at napasunod niya nalang ako hanggang sa nakatawid na kami. Hindi ko naisip na itatawid niya pala ako dahil parang wala akong balak na tumawid."Pasok na tayo sa loob," sambit niya bago binitawan ang kamay ko."Sige-sige." Pinauna ko muna siyang pumasok bago ako sumunod sa kaniya.Dapat talaga sa susunod e ayusin ko na ang sarili ko sa mga pagkakataon na ganito. Dapat hindi na ako nagpapabigat sa kaniya. Ako na nga lang ang isinama tapos ako pa ang nakakaperwisyo.Nakatunganga pa ako at patingin-tingin sa kalsada matapos naming makatawid nang biglang may humawak sa kanang kamay ko. "Tara na sa loob," mahina niyang sambit. Akala ko nauna na siya. Naaliw kasi ako sa mga tricycle na may iba't-ibang kulay na nasa kalsada kaya hindi ko na napansin si Blue kani-kanina lang. Ang engot ko talaga."Bakit mo pa ako binalikan? Susunod naman ako sa'yo." Pero na-appreciate ko talaga na binalikan niya pa ako. "Baka kasi mawala ka kapag hindi kita binalikan." Naku, hindi naman ako mawawala dahil hindi naman kalakihan itong lugar. "Asus, malabong mangyari iyan. Pero tara na nga sa loob." Ako na ang naunang naglakad habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Para tuloy kaming couple na nagho-holding hands nito. Hays, ayos na ako sa ganito. Puwede niya ngang hawakan nalang forever ang kamay ko. Charot!"Upo na tayo rito," sambit niya nang marating na namin ang pinaka-unang upuan sa harap ng altar. "Sige." Umupo na ako at saktong binitawan niya na rin ang k
Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang mga pagkain at talagang nakakatakam! Act normal pa rin kahit gustong-gusto ko na kamayin ang mga iyon! Nakakahiya namang magmukhang isip-bata sa harap niya. "Kumain na tayo." Ang hudyat niya talaga na iyon ang hinihintay ko! Sa wakas matitikman ko na talaga kayo! More foods to come! More foods to eat with you... "Supar eksayted na ako!" sambit ko bago tusukin ang isang pirasong siomai bago isinawsaw sa kalamansi at toyo. "Huwaw! Ang sarap!" Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil ang sarap pala talaga ng siomai! "Ito kaya masarap din?" mahinang tanong ko habang nakaturo ang barbeque stick na hawak ko sa kikiam. Alam kong nakikinig at tinitignan lang ako ni Blue na tila ba pinipigilan lang na matawa sa ka-elyenan ko. "Masarap iyang kikiam. Tikman mo na." Hindi pa siya kumakain, para bang natutuwa pa siyang panoorin kung paano ako kumain. Naku, hindi pa naman ako pino kung kumilos. "Ikaw, kumain ka na rin. Huwag mo na akong pansinin." Tinus
"May mga natutunan ako sa iyo, iba talaga kapag manunulat ang nakakausap ko." Malumanay lang ang pagkakasabi ko kahit ang totoo ay talagang hangang-hanga na ako sa kaniya... sa lahat ng tungkol sa kaniya. Ang labis na galak sa aking puso ay gustong-gustong kumawala mula sa aking dibdib pero hindi ko ito hinayang maisatinig nang maayos. Kailangan ko pa ring magmukhang hindi sobrang aliw na aliw sa bawat salitang binibitawan niya at sa bawat kilos na ipinapakita niya. Hindi niya puwedeng maramdaman na may nararamdaman na akong paghanga sa kaniya kahit na hindi ko pa siya lubusang nakikilala. Pakiramdam ko ang rupok ko. Hindi tama pero bigla ko nalang kasing naramdaman. "Tara na?" tanong ko habang nagpipigil na titigan siya. Matitigan ko lang siya ay mapapangiti na talaga ako, parang auto-smile pagdating sa kaniya. "Magpatunaw muna tayo rito. Mukhang kakaunti na rin naman ang dumarating na bibili sa kainang ito. Alis lang tayo kapag may mangangailangan na ng puwestong ito. Pero sa nga
"Hindi naman ako magaling talaga. Hanggang ngayon inaaral ko pa rin ang mga bagay-bagay sa pagsusulat." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago pilit na ngumiti. "May rason kung bakit ako nagsusulat. May rason kung bakit ako nagsulat.""Talaga?! Ano? Magkuwento ka naman! Dali. Alam mo bang gusto ko talagang malaman ang rason na iyon. Magkaibigan na rin naman tayo kaya baka puwede mo na ikuwento sa akin! Makikinig ako, promise. Tapos baka makapag-advice pa ako sa iyo!" Ang mga sinambit ko ay puno ng pagkamangha at pag-u-usisa na tila ba hindi ko na naisip na baka hindi kanais-nais ang rason na tinutukoy niya. Tila nakalimutan ko rin na hindi lang kami ang tao sa loob ng kainan. Lumapat nalang bigla ang palad ko sa aking mga labi na tila ba pinipilit ko itong takpan. May mga tao ring nakatitig sa akin. Ang ingay ko kasi! Nakakahiya ang bibig ko. "Sorry, nabigla lang," pagbawi ko sa mga salitang binitiwan ko matapos kong tanggalin ang kanang kamay ko na pinangtakip ko sa bibig ko. P
"Ah... Iyon ba? Hindi ko alam eh. Tara nalang siguro," nahihiya niyang turan at nauna nang naglakad. Hindi niya siguro alam na ang sweet niya kaya. Sabagay, baka iba ang interpretation ko sa salitang sweet at iba rin ang kaniya. "Tara!" mahina pero may galak kong sambit. Sumunod nalang ako sa kaniya hanggang sa sinabayan niya rin ako sa paglalakad. Ang awkward din pala minsan kapag ganito ang eksena. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness. Malamang dahil ito sa paghanga ko sa kaniya. Pakiramdam ko ayaw kong ma-turn off siya sa akin sa tuwing kikilos ako. Normal lang ito. Alam kong normal lang ito. Hindi rin naman pala malayo ang Lualhati Park mula sa plasa. Malawak ito at may mga upuan din na puwedeng gawing tambayan. Sa pagkakaalam ko, mga puno ng balete ang nasa bandang kanan ng park. Hindi iyong mga balete na creepy ang datingan dahil katamtaman palang ang laki at taas ng mga ito. May mga halaman din na puti ang kulay ng bulaklak sa paligid na puwedeng-puwendeng maging
"Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo ako?" Ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito? Nasanay pa naman ako kay Benny na walang patumpik-tumpik kong magsalita. Ratatat iyong bakletang iyon eh. Pero bago pa man siya makasagot ay may narinig akong dalawang lalaking nag-u-usap na dumaan sa gilid namin na edad trese siguro. Pareho silang mukhang masaya dahil todo sila ngiti sa isa't isa. "Ang astig talaga dito sa boulevard, p're!" sabi ng medyo payat pero matangkad. "Lualhati Park ito, tongeks!" saad naman ng medyo pandak pero mataba. "Timang ka pala e. Halos lahat ng tao sa Coron boulevard ang tawag sa lugar na 'to.""Ay, ewan sa'yo..."Hindi ko napigilang pakinggan ang usapan nila pero agad din bumalik ang atensiyon ko kay Blue nang magsimula na siyang magsalita. "Ikaw na mismo ang nagsabi na medyo mahina ka sa Ingles. Bilang kaya ko naman na gumawa ng paraan para mas maintindihan mo ako ay susubukan kong ibigay ang makakaya ko para magkaintindihan tayong dalawa. Bukas din a
"Alam kong may tiwala ka sa akin. Hindi ka naman siguro sasama kung hindi ka nagtitiwala," dagdag pa niya na ikinangiti ko nalang. Akala ko nadama na niya na humahanga ako sa kaniya. "May pagdududa noong una pero mukha ka namang hindi gagawa ng masama kaya pinagkatiwalaan na kita kaagad," pagpapaliwanag ko bago tuluyang pinakawalan ang isang ngiti."Normal lang naman na magdu"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang cellphone niya na agad naman niyang kinuha mula sa bag niya. Biglang napuno ng pagtataka ang isipan ko kung sino ang tumatawag hanggang sa... "Bakit ho, Mang Driel?" wika ni Blue matapos sagutin ang tawag. There must be something. Tumango-tango lang si Blue habang nagsasalita si Mang Driel. Hindi naka-loud speaker kaya hindi ko rin gaanong maintindihan kung ano talaga ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin intensiyon na makinig sa usapan nila kaya lumayo na muna ako matapos niyang sagutin ang tawag at nang matapos kong malaman na si Mang Driel
"Hindi po kami magkasintahan, manong. Magkaibigan lang po kami," nakangiting paliwanag ko sa kaniya na tila naman nagulat sa mga sinabi ko. "Naku, akala ko pa naman kasintahan mo siya. Hayaan mo't doon naman na rin papunta iyon," biro niya kaya bahagyang napahagikgik ako. Si manong talaga oh. Si Blue naman ay pangiti-ngiti lang. "Mauna na ho kami, manong!" pagpapaalam ni Blue, dahilan para hindi na ako muling makasagot sa sinabi ni manong. "O sige. Mag-iingat kayong dalawa.""Kayo rin po!" sabay naming sabi ni Blue at nagsimula na lumakad papalayo kay manong. "Biruin mo iyon napagkamalan pa tayong magkasintahan," pabirong sabi ni Blue. Akala ko nainis siya kanina. "Kaya nga e. Teka... May girlfriend ka na ba?" lakas loob kong tanong. Mas better iyong aware ka sa relationship status ng taong nakakausap at nakakasama mo para hindi ka magsisi sa huli. Sa huli kung kailan nahulog ka na. "Oo... dati." Paligoy-ligoy naman kung sumagot. "Ah...""Ikaw?" Gulat akong napatingin sa kaniya