Tinignan ko ang aking daliri at kumurap ng ilang beses bago sinubukan na hawakan muli ang salamin. Sa pagkagulat ko ay katulad kanina na pumasok ang kamay ko 'dun. Inulit ko ito ng maraming beses at ganun pa rin. Maang na tinignan ko si Leonides na nakakunot noo sa'kin. Nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ko."M-My hand just passed through the mirror! Y-You're trying to pull me!" umaatras na bulalas ko. I raised my vigilance and squinted my eyes. Para 'pag nakita ko na gagawa siya ng hakbang ay makakatakbo agad ako."Wala akong ginagawa-"Bago ko pa matapos na marinig ang sinasabi nito ay parang may puwersang humila sa akin. Hintakot na sumigaw ako at naghanap ng makakapitan pero walang maabot ang mga kamay ko. Nagsisigaw ako ng tulong pero nahila pa rin ako. I close my eyes in despair as I let myself drag inside the mirror."You f*cking demon!" I yelled in horror.The next second I opened my eyes, I was standing in the middle of the road. The air is humid and cold. It was
Nang magmulat muli ako ng mata ay hindi agad ako bumangon at nakahiga lang ako. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi pa rin nag-sink in sa ulo ko kung nasaan ako. Pero nang marinig ko ang katok ay bumalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinangalingan ng ingay. Nang makita ko si si Leonides sa loob ng salamin ay saka ko naalala ang mga kaganapan kagabi. Nagsalubong ang kilay ko at inilibot ang tingin ko sa silid bago bumalik sa binata.Naalala ko na nahiga ako sa kama niya 'nung nasa salamin ako pero bakit bigla ay narito na ako sa totoong mundo ko? Paano ako nakalabas habang tulog ako? Bakit 'di ko naramdaman?Iwinagayway ni Leonides ang kamay na may hawak ng cellphone. Bumaba ako ng kama at lumapit sa salamin. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko pero nasaktan ang daliri ko dahil tumama ito sa matigas na salamin."Bakit?" puno ng kalituhang sambit ko. "Kagabi lang ay- anong nangyayari?""Hindi ko rin alam. Naengganyo ako sa paglalaro at nang lingunin kita ay wala ka na sa kama per
Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng lollipop at binuksan bago isinubo. Kahit napakanatural ang kilos ko ay alam kong nahihiya pa rin ako. Kung matuklasan lang nito na ang nasa isip ko ay ang ginagawa namin sa panaginip ko noon ay baka bibiruin pa niya ako. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa isa pang hawak kong lollipop at may eagerness sa mata nito. It was as if he also wants to taste it."Wait till I enter your world and I'll let you taste it," saad ko.Wala akong narinig na salita mula sa kan'ya. But I shivered abruptly when I felt a cold wind swept through my earlobe. It was as if a hand had just touched it. I locked my eyes to the man in the mirror who's not doing any moves. He's just staring at me deeply.The candy in my mouth was crushed loudly. Nanerbiyos ako sa paraan ng tingin niya na parang hinuhubaran niya ako. Parang tumatagos ang tingin niya sa suot kong damit at nakikita niya ang katawan ko."You— what are you looking at?" kinakabahang asik ko sa kaniya. To mask m
Hindi ko tinanong kung ano ang mangyayari sa manika pagkatapos niyang itali at iligpit iyon nang bumalik siya. Ni hindi ko alam kung saan niya dinala ang kawawang manika. Nang yakagin niya ako papunta sa kuwarto niya ay agad akong tumayo at binitbit ang bag. Katulad kagabi ay naroon ang mga basag na salamin at sirang manika. Ngunit hindi na sinubukan ng mga iyon na hawakan ako. I was still afraid of it so I grabbed Leonides' hand and followed him. As we entered the room I glanced back at the hallway and was terrified to see the broken doll earlier. Maayos na uli ang katawan nito pero ang luha nitong dugo ay natuyo na sa pisngi nito.I instantly pushed myself inside the room and closed it with a bang. I also locked it and inhaled sharply. Bakit pa ba ako nakaramdam ng awa sa demonyong manika kung kaya niyang makawala sa tali at muling ayusin ang kan'yang katawan?"Ugh! Damn it! That scared me to death!" I muttered under my heavy breath. I pressed my hand through my chest, trying to cal
Because of embarrassment, I hid myself under the blanket and had no plans to get out. Kahit nang kalabitin niya ako upang samahan ko siyang pumili ng suaunod na panonoorin nito ay hindi ako tuminag. How could he tell me with a straight face that at the beginning of the movie my eyes were always locked on him? Kung alam lang kung paano makakalabas dito ay baka tumakbo na ako paalis dito. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos niyang ipamukha sa’kin na ito ang pinapanood ko at hindi ang palabas.Naririnig ko man ang ingay ng pinapanood niya ay hindi pa rin ako kumilos para alisin ang kumot. Hindi ko tuloy namalayan na dahil sa puwesto ko ay nakatulog na naman ako. Sa muli kong pagmullat ng mata ay labis ang panghihinayang ko nang sa kama sa mansyon ng Nuevas ako nakahiga. Gusto ko sanang alamin kung paano ako makakalabas dito pero ito at nakatulugan ko na naman.Ang naaalala ko kagabi ay hating gabi na ‘nung makapasok ako sa loob ng salamin. Ibig-sabihin ay sa ganung
Tahimik lamang na nakamasid ako kay Leon. Nasa harapan ako ng salamin habang ang binata ay nanonood sa laptop. Katulad kagabi ay patago na naman akong umalis nang tulog na si Tiya at Nana. Kung umaayon ba ang pagkakataon sa'kin dahil maagang natulog ang dalawa. Naiinip na nga ako kakahintay na gumabi na para pumunta ako rito.Hindi man ako kinakausap ng binata dahil nakatutok ang atensiyon niya sa pinapanood ay okay lang sa'kin. Kase sa totoo lang ay mas gusto ko siyang panoorin na tumawa at sumimangot 'pag may napanood itong hindi nito gusto sa palabas. Nasa magkabilang mundo man kaming dalawa sa oras na 'to ay animo magkasama pa rin kami. Isa pa ay 'pag sumapit na ang hating gabi, mapupuntahan ko na siya.Dapat ay matamlay ako ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Mama ngunit pagkatapos kong masilayan ang binata pagpunta ko rito ay biglang sumigla ako. Parang nabura ang mga hinanakit na nasa puso ko dahil sa ngiti niya. Kung noon ay halos tumakbo na ako para magtago dahil sa tako
All the cells in my body are screaming of pain when I regain my consciousness. Nagsimula kong alalahanin ang nangyari sa'kin kagabi at napadaing ako. Kung may laban lamang ako ay sinunog ko na ang manika. It kept on scaring me since I entered the mirror. Hindi lang 'yon, pati sa bangungot ko ay siya ang palaging humahabol sa'kin. At ngayon nga ay ito na ang pinaka worst dahil nasaktan na ako ng pisikal. Nang hawakan ko ang ulo ko ay may benda sa aking noo at kumikirot pa. Ibinaba ko na ang aking kamay at huminga ng malalim.Napangiwi ako at sinubukan na bumangon nang may mga kamay na agad umalalay sa'kin. Pagtingin ko sa may-ari 'nun ay ang seryosong mukha ni Leon ang nakita ko. Mariing nakalapat ang labi nito na parang hindi maganda ang mood nito. Kumibot ang aking labi."Why did you get out last night?" hindi tumitingin sa'kin na tanong niya nang makaupo ako at makasandal sa headboard.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatiling tikom ang aking bibig. Nagbaba ako ng tingin
"My name is Leonides... Nuevas."Hindi nga ako nagkamali. Siya iyong binatilyo sa larawan na nakita ko sa album. Kahit kumupas iyon nahulaan kong isa siya sa pamilyang Nuevas na nagmamay-ari ng mansyon. Hindi ko naman ito naisip 'nung una pero nang makita ko ang mga tanawin na pininta niya ay nagkaroon ako ng sapantaha kung ano ang totoong identity ng binata.Pero sa tingin ko ay nakalimutan nito kung sino siya noong nabubuhay pa siya. Nakita ko kasi ang pagkalito na dumaan sa mukha niya."I knew it!"Ngumiti siya pero puno ng uncertainty ang mata niya. Parang hindi pa rin sigurado kung iyon nga ang apelyido niya. Napahawak pa kasi ito sa sentido at biglang nagsalubong ang kilay. Tapos ilang minuto lang muli itong napatango-tango."Yeah, that's my real name. Leonides Nuevas," Tinignan niya ako kaya nabura agad ang simpatya sa mukha ko at napalitan ng ngiti. "I'm so old that I forgot everything, even my name."Bigla akong natawa at pinasadahan siya ng tingin. Kahit saang anggulo tignan