Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko."Are you nervous?"Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
We had a solemn expression on our face as we stood in front of our grandparents' tombstone. Magkatabi nga talaga ang dalawang libingan at may litratong nakalagay sa lapida nila. Sa paglipas ng panahon ay luma na ang mga larawan pero mabibistahan pa rin ang wangis nila. Saka ko natanto na halos magkamukha sina Don Isagani at Leonides. Mas mestiso lamang ang Don at mas obvious ang pagiging lahing kastila nito.Kami lamang na dalawa ni Leonides ang pumarito. At tahimik na nagsindi ng kandila. Habang nakatitig ako sa libingan ni Lola Amalia ay naalala ko ang sinabi ni Papa.'Ang ritwal na ginawa ni Tita Amalia ay sagrado at bawal. She used her blood and soul so she can't redeem herself. Her soul scattered and she has no chance to be born again. I feel pity for her. Kung sana ay kinompronta at kinausap niya si Don Isagani at ang kaibigan niyang si Senya, siguro ay hindi siya nabalot ng matinding pagkapoot. Hindi sana umabot iyon sa ganito. Huwag mong tularan ang mali na nagawa niya, Cecily
Pakiramdam ko ay naabot ko na ang langit sa sarap na aking nararamdaman. Pabiling-biling ang ulo ko sa aking unan habang may ungol na lumalabas sa aking lalamunan. Mahigpit ang kapit ko sa kobre kama habang nakapikit. Gusto kong imulat ang aking mata upang tignan ang taong nasa ibabaw ko at humahalik sa aking dibdib pero kahit titigan ko ng maigi ang lalaki ay hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ang lalaking nasa pagitan ng nakabuka kong paa ay umiindayog kahit hindi naman niya ako tuluyang inaangkin. Nangunyapit ako sa batok ng estrangherong lalaki na kahit mukha ay hindi ko alam kung ano ang hitsura.Nasa isang kuwarto kami pero napaka-plain at walang kahit anong muwebles o portraits na naka-display. The room was extremely boring. Ngunit hindi ito ang nasa atensyon ko kundi sa lalaki na malakas na umuungol.Ikinawit ko ang aking nanginginig na dalawang binti sa baywang ng lalaki. Humalinghing ako at iginalaw din ang aking balakang para salubungin ang pag-indayog niya."Oh!" I groane
Namumugto ang aking mata nang tignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halata rin sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Pero hindi ako puwedeng matulog ngayong umaga dahil may final exam kami ngayong week at magsisimula ngayong araw. Ito ang huling exam namin ngayon bago ang bakasyon at sa suaunod na pasukan ay grade 12 na ako. Sa katunayan ay simula junior high school ay ako na ang top one sa klase at hindi naging hadlang ang bangungot ko upang bumaba ako sa rank. Ngunit nang matuntong ko ang grade 11 at tumindi na ang mga panaginip ko ay nagsimulang bumaba ang mga grado ko.Hindi na ako makapag-concentrate at pinipilit ko na lamang na manatili kahit sa rank three man lang. Idagdag pa na parang walang pakialam ang magulang ko kung nakakapasa ba ako o hindi. They provide everything I need, money, gadgets, except for their love and affection. I always longed for their attention. Pero dalaga na ako ay hindi ko man lang naranasan. Busy sila sa trabaho at wala silang time sa akin. Palagi pa
Kumakain kami ngayon ng tanghalian at tahimik lang ako. Randam ko ang tensyon sa hapag dahil sa palaging sumusulyap ang aking mama sa akin. Ang aking ama naman ay animo wala itong pakialam sa kanila dahil tahimik lang din itong kumakain.Nang hindi na makapagpigil ang aking ina ay ibinaba na nito ang kutsara at tumingin sa akin. Kita ang disappointment sa mata nito kaya naman nagyuko na lang ako ng aking ulo. Ayaw kong salubungin ang mata niya dahil mas lalo lamang akong makakaramdam ng sakit at hinagpis. Dahil sa mata niya ay wala akong makitang pagmamahal doon."Ano na naman ba ang ginawa mo at sinabi ng kasambahay natin na nagbasag ka ng salamin? If you're trying to seek attention then go to the plaza and play dead. Araw-araw mo na kaming binibigyan mg kunsumisyon!" galit na sita niya sa'kin. Mariing kinagat ko ang aking mga labi para pigilan ang mapaiyak. Dapat ay immune na ako sa mga lumalabas sa bibig niya pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing inuulit niya iyon.Hindi rin ako sum
Isang linggo pagkatapos ng exam namin at inanunsiyo ng guro na bakasyon na namin ay agad ipinaayos ni Mama ang mga gamit ko. Hindi naman labag sa aking kalooban ang pagpunta ko sa probinsya ni Lolo. Masaya pa nga ako dahil doon ay makaka-relax ako. Iniisip ko rin na baka 'pag pumunta ako run ay tigilan na ako ng bangungot ko. Kung malayo siguro ako sa kabihasnan at tumira sa mas tahimik na lugar ay hindi na ako masusundan pa ng boses. Kaya naman may ngiti sa labing inilagay ko sa may kalakihang maleta ang mga personal kong gamit. Pati na rin ang laptop ko ay dinala ko. Marami na akong na-download na series kaya may pagkakaabalahan din ako roon. Kung tatamarin akong lumabas ay magkukulong ako sa kuwarto at manonood.Ang sabi ni Mama doon muna ako hanggang sa magsisimula na muli ang klase. Meaning, dalawang buwan ako sa probinsya. Siguro naman ay mapapasyalan ko ang buong probinsya hindi katulad noong dumalaw kami na apat na araw lang kami roon.May matandang katiwala ang bahay ni Lolo
Fresh na fresh ang pakiramdam ko dahil naging mahimbing ang tulog ko. Gusto kong magpasalamat na naisipan ng aking Mama na magbakasyon ako rito. Wala pa akong isang araw dito ay relaxed agad ang utak at katawan ko. Ang dark circles sa ilalim ng mata ko na itinatago ko sa pamamagitan ng concealer ay wala na. Kumikislap din ang aking mata na hindi katulad noong palagi akong binabangungot na nangangalumata at walang kabuhay-buhay. Palagi pa akong inaantok pero dahil natatakot ako na matulog ay pilit kong dinidilat ang aking mata. Ngunit sa tuwina ay hinihila pa rin ako sa kadiliman ng aking panaginip.Pero ngayon ay hindi ako natakot matulog dahil ito at hindi ako dinalaw ng panaginip ko. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang umaga at kusa akong nagising sa tilaok ng manok. Pakiramdam ko nga ay wala akong napanaginipan dahil wala akong maalala. Kaya naman humihimig pa ako na bumaba ng hagdan at napapangiti. Maliksing tumalon pa ako mula sa huling baitang ng hagdan. Kung may makakakita lam
'Hindi ako makahinga!' Sigaw ng utak ko nang lalo pa akong hinila ng malakas na daloy ng tubig. May mga tubig na ang pumasok sa ilong at taynga ko kaya lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung bakit bigla akong narito sa ilog gayong natutulog lang ako sa kuwarto ko. Pagmulat ko nalang ng mata ko ay nasa gitna na ako ng ilog. Sinubukan kong kumawag pero kahit anong gawin ko ay lalo akong nahihila pailalim.Parang may kamay na nakahawak sa aking paa dahil hindi ko ito maigalaw ng maayos. Pakiramdam ko rin ay namamanhid ang mga kamay ko.Bakit biglang ganito ang panaginip ko? Hindi man ito katulad ng dati na nasa isang lumang bahay ako. Pero parang pinapatay naman ako dahil sa nilulunod ako ng panaginip ko sa tubig. Alam kong binabangungot ako pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi ako magising? Parang isang mundo na ang subconscious mind ko sa tuwing nananaginip ako. Animo may sarili akong mundo rito dahil parang realidad lahat ang nangyayari sa akin. Pati na ang takot ko ay tinutupok