Share

Ang Lalaki Sa Salamin
Ang Lalaki Sa Salamin
Author: Ced Emil

Kabanata 1. Cecily's POV

Pakiramdam ko ay naabot ko na ang langit sa sarap na aking nararamdaman. Pabiling-biling ang ulo ko sa aking unan habang may ungol na lumalabas sa aking lalamunan. Mahigpit ang kapit ko sa kobre kama habang nakapikit. Gusto kong imulat ang aking mata upang tignan ang taong nasa ibabaw ko at humahalik sa aking dibdib pero kahit titigan ko ng maigi ang lalaki ay hindi ko makita ang kaniyang mukha. Ang lalaking nasa pagitan ng nakabuka kong paa ay umiindayog kahit hindi naman niya ako tuluyang inaangkin. Nangunyapit ako sa batok ng estrangherong lalaki na kahit mukha ay hindi ko alam kung ano ang hitsura.

Nasa isang kuwarto kami pero napaka-plain at walang kahit anong muwebles o portraits na naka-display. The room was extremely boring. Ngunit hindi ito ang nasa atensyon ko kundi sa lalaki na malakas na umuungol.

Ikinawit ko ang aking nanginginig na dalawang binti sa baywang ng lalaki. Humalinghing ako at iginalaw din ang aking balakang para salubungin ang pag-indayog niya.

"Oh!" I groaned softly.

Sumubsob siya sa pagitan ng aking leeg at balikat at napadaing ako nang mariing kagatin niya ang aking leeg.

Ang sarap na kanina ko lang nalalasap ay unti-unting napapalitan. My mind swirled and a different scene instantly showed in my eyes. Nasa harap ako ng isang lumang mansion. The surrounding of the house was so eerily quiet. Even the chirping of the birds was terrifying. Umaabot iyon sa aking taynga at pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan sa takot.

The air is humid and the place was so spooky that every hairs on my body stood on end. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malapot subalit nang hawakan ko ang aking mukha ay wala akong makapa kahit isang butil man lang ng pawis. Lalo akong kinain ng matinding takot at nangatog ang aking kalamnan. My stomach churned as if I want to vomit because of fear.

Gusto kong tumakbo palayo. Umalis sa lugar na 'to. But it was as if I was deeply rooted in the ground. Parang may kadenang bakal ang nagtatali sa aking kaluluwa sa lugar na ito at hindi ako makaalis. Animo hindi ako pinapayagan ng nakatira sa mansion na makaalis ako rito. I clenched my hand into a fist and with a trembling voice I shouted for help.

"N-Nana Tacing!!" malakas kong tawag ngunit animo nilalamon ng katahimikan ng paligid ang aking boses. Tuluyan nang nalaglag ang luhang aking pinipigilan at napalinga-linga kung may makikita akong naligaw na tao rito. Baka may tutulong sa akin na makawala ako sa nakakatakot na pagkakakulong dito. Ngunit mag-isa lamang ako rito at kahit senyales na may tao ay wala akong maramdaman. Pero hindi ako sumuko at umikot pa rin ang mata ko sa nakakatakot na paligid ng mansion.

Sa pagdako ng aking mukha sa kaliwang bahagi ng mansion ay hinatakot na tumili ako dahilan para magsiliparan ang mga itim na ibon sa bubong ng bahay. Matulin na tumakbo ako na parang biglang nawala ang nagtatali sa aking paa. May nakita kasi akong isang estatwa na kumurap sa akin. It even smile at me creepily. Out even stretches its hand as if trying to catch me. Subalit sa halip na ang daan papunta sa kinakalawang na gate ang tutunguhin ng aking paa ay sa nakasara at inaamag na pinto ng bahay ang destinasyon ng aking paa.

"A-Anong nangyayari? Ayaw kong pumasok sa loob!" hysterical na sigaw ko pero animo may nagkokontrol sa akin na doon pa rin ako napadpad. Kahit ang isip ko ay tumututol at pilit minamanipula ang aking katawan na sa ibang direksyon ako pupunta ay wala pa ring silbi. Ang kamay ko ay parang may sariling isip at kusang itinulak ang pinto.

Lumangitngit ang lumang pinto at napaubo ako sa makapal na alikabok na galing sa loob. Kahit hindi pa man ako nakakapasok ay nalalanghap ko ang lumang amoy ng mga kagamitan sa loob. Pero hindi ko makita ang hitsura ng bahay dahil madilim sa loob. Para iyong abyss na 'pag humakbang ako papasok ay lalamunin nun ako ng tuluyan at wala nang chance pa na makalabas at makabalik sa sarili kong mundo. At ayaw kong mangyari ito. Ang lugar na 'to ay parang isang kulungan sa aking mata. It was a place of no return.

Nag-iisip pa ako ng paraan para makawala ako sa bagay na nagkokontrol sa akin pero namanhid ako at hindi ko maigalaw kahit ang aking daliri. Ni hindi ko magawang igalaw ang ulo ko para umiling o iiwas ang tingin sa loob ng bahay. Mas lalo tuloy akong nataranta at humikbi sa takot.

I was so scared and almost fainted when I heard a very deep and horrifying sigh inside. Parang maiihi na ako at nawawalan ng lakas ang aking katawan. Kung hindi lang kontrol ng boses ang katawan ko ay baka napasalampak ako ng upo sa kinatatayuan ko.

"Ikaw ay matagal ko nang hinihintay, magandang binibini."

Napatakip ako sa aking taynga at napauklo sa labas ng pinto nang marinig ang paos at malalim na tinig nang sa wakas ay naramdaman kong may kontrol na ako sa aking katawan. Natatakot akong magtaas ng mukha dahil baka biglang nasa harapan ko na ang nagsasalita.

"Lumapit ka, binibini, ako ay iyong silayan at ikaw ay mabibighani sa akin," ang sabi ng tinig.

"No!!" sigaw ko at bigla akong napabalikwas ng bangon. Humihingal ako at malakas ang pagkabog ng aking dibdib. Animo pagod na pagod ako dahil sa pagtakbo ko ng sampung kilomitro ang layo. Pati ang paa ko ay wala na ring lakas.

Basang-basa ako ng pawis at dumidikit ang suot kong nighties sa aking katawan. Ngunit dahil nanginginig pa ako sa takot ay hindi ako bumaba ng kama para pumunta sa banyo at maligo. Sa halip ay hinila ko ang kumot at ibinalabal sa aking katawan.

Kahit gusto kong kalmahin ang aking sarili ay ito at labis pa rin ang pangangatog ko. Napaluha ako at sa nangangatal na boses ay tinawag ko ang aking Yaya na si Nana Tacing. Wala akong pakialam kung maririnig man niya ako o hindi. I was just trying to call someone so I can calm my chaotic mind.

Ang takot na naramdaman ko sa aking bangungot ay tumatagos iyon sa aking buto. Nang hindi ko na makayanan ang takot ay parang nababaliw na nagsisigaw ako. Namamalisbis din ang luha sa aking mata.

Bigla ay lumiwanag ang buong kuwarto ko at natatarantang tumakbo palapit si Nana Tacing sa akin. Umiiyak na yumakap ako sa kaniya at sumubsob sa kan'yang dibdib.

"Nana, natatakot ako!" nanginginig ang boses na sumbong ko. "Ayaw kong makulong sa nakakatakot na mansion na 'yon!!"

"Binangungot ka na naman ba uli, anak?" awang-awa na tanong nito at hinaplos ang aking likod.

Tumango ako at humikbi. "N-Nana, kinausap niya ako! Gusto niya akong lumapit sa kan'ya. Pero h-hindi ko siya kilala!" Halos hysterical na ang aking tinig.

I was haunted by this nightmare since I was fifteen. Ngayon ay eighteen na ako at halos tatlong taon na akong ginugulo ng lalaki sa bangungot ko. Pero kahit ni minsan ay hindi ko pa nakita ang mukha ng lalaki. Palaging blurred at tanging ang alam ko lang ay lumang kasuotan ang damit niya. Mahaba ang buhok na umabot sa baywang nito at namumutla ito.

Sa tuwing gusto kong kalimutan ang bangungot ko at aaktong mawawala rin ng kusa ay magpapakita na naman ito sa susunod na bangungot ko. Sa unang gabi na napanaginipan ko ang lalaki ay niyayakap at hinahalikan lang niya ako. Bumubulong sa aking taynga ng mga nakakakilig na salita. Kaya akala ko'y normal lamang na panaginip. Ngunit nang maglaon ay napapalitan na ito ng nakakatakot na scenario. Doon na nagsimula ang tuloy-tuloy na bangungot ko.

Minsan ko na nga itong sinabi sa magulang ko pero ang sabi nila ay kapapanood ko raw ng mga documentaries tungkol sa paranormal. Pero alam ko na hindi 'yon ang dahilan. Dahil bakit iisang lalaki lamang ang nagpapakita sa akin? 'Di ba pag panaginip ay iba-ibang scene ang makikita mo? Ang sa akin ay paulit-ulit lamang na scenario. Minsan pa nga ay naglalakad daw ako mag-isa sa isang daan na may nagkalat na mga manika. Na kung hindi buo ay walang ulo o kaya'y kamay at paa pero gumagalaw sila na animo normal na tao. Tapos kakausapin pa ako ng manika at luluha ng dugo dahilan para magsisigaw ako sa takot. Bigla lamang na magbabago ang paligid kung maririnig ko na naman ang himig ng mysteryosong lalaki. Malalaman ko na lamang na nasa harap na naman ako ng mansion at kusang bubukas ang pinto na kahit walang magbubukas nun. As if welcoming me from my arrival. Tapos makakarinig ako ng nanghahalinang tinig na parang nang-hihipnostismo. Inaakit ako na pumasok sa loob at samahan siya roon.

Gigising lamang ako sa realidad kung nasa harap na ako ng pinto at akmang papasok na sa loob.

"Matagal ka nang ginugulo ng bangungot mo, anak, baka may misyon kang dapat tapusin upang tumigil na 'yan," sabi ng aking Yaya.

Hindi ako sumagot at mahigpit na yumakap lamang sa kaniya. Ang nasa isip ko ay sa panahon ngayon ay wala nang maniniwala sa mga pamahiin. Kahit nga ang magulang ko ay hindi siniseryoso ang kalagayan ko. Ang sabihin pa kaya na may gustong iparating ang panaginip ko?

Impossible!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status