Share

Kabanata 2. Cecily's POV

Namumugto ang aking mata nang tignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halata rin sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Pero hindi ako puwedeng matulog ngayong umaga dahil may final exam kami ngayong week at magsisimula ngayong araw. Ito ang huling exam namin ngayon bago ang bakasyon at sa suaunod na pasukan ay grade 12 na ako. Sa katunayan ay simula junior high school ay ako na ang top one sa klase at hindi naging hadlang ang bangungot ko upang bumaba ako sa rank. Ngunit nang matuntong ko ang grade 11 at tumindi na ang mga panaginip ko ay nagsimulang bumaba ang mga grado ko.

Hindi na ako makapag-concentrate at pinipilit ko na lamang na manatili kahit sa rank three man lang. Idagdag pa na parang walang pakialam ang magulang ko kung nakakapasa ba ako o hindi. They provide everything I need, money, gadgets, except for their love and affection. I always longed for their attention. Pero dalaga na ako ay hindi ko man lang naranasan. Busy sila sa trabaho at wala silang time sa akin. Palagi pa silang wala at nasa abroad para sa business nila. Tanging si Nana Tacing lamang ang kasama ko rito sa bahay at sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na dapat ay sa magulang ko nangagaling.

Sinusuklay ko ang buhok ko nang biglang naging misty ang salamin. Animo may mga fogs doon dahilan para mabitawan ang suklay. Pero nang tignan ko muli ang salamin ay napakalinis nun. Kinuskos ko ang aking mata at nagsalubong ang aking kilay. Sa kakulangan ko ng tulog ay namamalikmata na yata ako.

Pinulot ko ang suklay sa sahig at ibinalik iyon sa drawer ng dresser. Walang lakas ang aking katawan na kinuha ko ang backpack ko at isinukbit ito sa balikat ko. Kinuha ko ang review notes ko sa study table bago lumabas ng aking kuwarto na humihikab. Pumanaog ako at wala sanang balak na pumunta sa komedor para mag-agahan kung hindi lumabas si Yaya Tacing at pinigilan ako. Ayaw kasi nito na nalilipasan ako ng gutom. Kaya naman kumain ako kahit kaunti pagkatapos ay pumunta na ako sa school sakay ng kotseng minamaneho ni kuya hitler para ihatid ako.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad lumapit ang kaibigan kong si Tyra. Nang makita niya ang hitsura ko ay may simpatyang hinaplos niya ang ilalim ng aking mata.

"Binangungot ka na naman ba? Araw-araw yata ay pumapayat ka," puno ng pag-alala na sambit nito. Hindi kasi kaila sa kaibigan ko ang tungkol sa problema ko. Nagkaroon na nga ako ng insomnia dahil dun.

I smiled sadly. "Sinubukan kong pumunta sa psychologist para kumuha ng counseling at ilang beses akong nagkaroon ng session pero wala pa ring silbi. Tumigil na ako at at hindi na muling pumunta."

"Alam mo, beshy, kung sana ay nakikita mo ang mukha niya at guwapo siya. Baka hindi ka na makapaghintay na mapanaginipan mo muli siya," pabirong bigkas nito para pagaanin ang sitwasyon. "Alam mo 'yong parang sa nobela na binabasa ko. Isang devil at isang tao ang bida roon."

Pero hindi ako napangiti at kumibot lamang ang aking labi. Kahit kasi saang angulo tignan ay hindi pa rin okay sa akin ang ganito. Hindi normal ang magkaroon ng bangungot na iisang tao ang nagpapakita sa akin. Hindi lang 'yon, iniimbita pa niya ako na samahan ko siya sa mundo niya. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng demonyo siya tapos papayag ako? Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako pa ang ginugulo niya.

Pagkatapos ng exam ko ng araw na 'to ay hindi ko na hinintay si Tyra at agad akong nagpasundo. Nang umuwi ako ay dumeretso ako ng kuwarto at nagpalit ng damit. Agad akong dumapa ng kama para umidlip kahit sandali lang bago mag-review muli. Dahil sa puyat ay agad akong hinila ng antok.

Wala pang thirty minutos akong nakakatulog ay nahila na naman ang conscious mind ko sa isang bangungot.

Nakasandal na naman ako sa isang malaking puno na nasa gitna ng mga magagandang bulaklak. Naamoy ko pa ang natural na bango nun na dinadala ng hangin. Parang jelly ang tuhod ko na tumitiklop dahil may shadow na humahaplos sa aking katawan. Hindi ko masabi kung mainit o malamig ba ang kamay dahil mas nangingibaw ang nakakakiliting sensasyon na dulot nun sa'kin.

"Oh, please!" d***g ko at kumapit sa balikat ng lalaki na mahinang natawa.

Ngunit nanginig ako at bumakas ang takot sa aking mukha nang marinig ang pamilyar na tinig. Na parang nanggaling sa kailaliman ng lupa. His chilly voice sent a horrifying coldness inside my heart.

"Hindi ka ba makapaghintay, mahal ko? Dahil ako rin ay gusto na kitang makasama."

Naitulak ko ang lalaki at agad na nag-iba ang lugar kung nasaan ako. Nasa gitna ako ng kasukalan pero may makikita akong lumang daan na bitak-bitak na ang semento. May nagtataasang damo sa gilid ng daan. Iba ito sa daan na may mga sirang manika na lumuluha ng dugo at nagsasalita.

Pinagpapawisan na ako ng malapot. Sa nanginginig na tinig ay binagtas ko ang lumang daan. Nang may marinig akong kaluskos sa likuran ko ay namumutlang dahan-dahan akong lumingon. Ganun na lamang ang sindak ko nang makita ang ugat ng isang puno na gumagalaw patungo sa paa ko.

Malakas akong tumili at parang may pakpak ang aking paa na tumakbo ako. Halos hindi na ako makahinga sa kakatakbo pero dahil sinusundan pa rin ang ng ugat ay hindi ako huminto. Umiiyak pa nga ako at pumapatak iyon sa daan. I was so terrified when I saw my tears turned into a pool of blood. Halos umabot iyon sa baywang ko pero hindi naging hadlang para mabilis pa rin ako tumakbo.

"P-Please! T-Tantanan mo na ako!" hindi ko napigilang isigaw. Into this dreadful place I was like a prey running for my life. The terror I'm feeling right now was seeping into my bones.

Nang akala ko ay hindi na ako makakatakas sa pool ng dugo na 'to ay may nakita akong bahay. Tinungo ko iyon at saka ako makawala sa nakakasurang dugo nang nasa harap ako ng bahay. Sa tingin ko ay isang lumang kuwadra ito.

Umuklo ako at umaatungal na niyakap ko ang sarili ko.

"Tama na! Ayaw ko na ang ganito!" sigaw ko. "Pagod na pagod na ako!"

"Gusto ko lang ipakita sa'yo ang daan na tatahakin mo kung pupunta ka rito," sambit ng malalim na tinig.

Umiling ako at nagpatuloy sa pag-iyak. "Hindi ako pupunta sa'yo!"

Hindi ako baliw para pumayag na pumunta sa lugar na tinitirhan nito. Saan ka ba nakakita ng lugar na nagiging dugo ang aking luha?

"Tignan mo ako," wika ng tinig. At parang may hypnotismo ang tinig nito na unti-unti akong nagtaas ng ulo.

Muntik na akong mahimatay nang makita ko ang napakalumang salamin sa harapan ko sa halip na ang abandonadong kuwadra kanina. Sa tingin ko ay noong sinaunang panahon pa ang salamin sa harapan ko. Antique ito at may mga bulaklak na nakaukit sa frame nun.

Nanlaki ang aking mata nang biglang may bagay na nag-flash sa loob ng salamin. Napaatras ako at sinubukan lumayo roon. Nakakadalawang atras pa lamang ako nang may kamay na biglang lumabas sa salamin.

I cried in horror and want to run but that hand grab my arms. Hinihila nun ako palapit sa salamin.

Umalingawngaw sa buong kabahayan ang malas kong sigaw. I wailed in terror as I clutch my head. Para akong mababaliw na hindi alam kung ano ang gagawin ko. Hinihila ko ang buhok ko para ang sakit ang maramdaman ko at mabura sa balintataw ko ang kamay na humihila sa'kin pero paulit-ulit na nakikita ko pa rin sa utak ko ang senaryo.

Humagulgol ako at niyakap ang unan ko. Hindi ko alam kung hindi narinig ni Nana Tacing ang sigaw ko dahil hindi ito dumating.

Nang mag-angat ako ng mukha ilang minuto ang nakalipas. Ang mata ko ay 'di sinasadyang sa salamin ng dresser natutok. Sa nanginginig na katawan ay bumaba ako ng kama at kinuha ang figurine na display sa study table ko at malakas na inihampas sa salamin. Lumikha iyon ng malakas na ingay ng pagkabasag.

Ipapaalis ko na rin ang salamin sa banyo. Simula sa araw na 'to ay hindi ako titingin o gagamit ng salamin. Dahil sa tuwing nakikita ko ang bagay na 'to ay babalik ang bangungot ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status