Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa'kin. Ang malala pa ay bakit walang hangin akong maramdaman? Napakatahimik at kahit gabi na ay wala akong maririnig na huni ng mga kulisap o insecto. Nang ilibot ko ang aking tingin ay napasinghap ako. Kaya pala wala akong ma-sense na presensya ng mga living creatures ay dahil very barren ang lugar. It was lifeless and bleak. Ang mga dahon at puno ay natuyo na.Maraming katanungan ang agad pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa lugar na 'to? At bakit pakiramdam ko ay napakapamilyar sa'kin? Nagsimula akong maglakad habang hindi makapaniwalang tinignan ang bitak-bitak na daan.Hanggang sa may isang pamilyar na bahay akong nakita. Ito ang bahay ni Lolo dito sa probinsya. "W-What the hell is going on?" tanong ko at lumapit sa bahay pero pagbukas ko ng pinto ay napatutop ako sa aking bibig. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok na bagay sa loob. Gusto kong sumuka pero walang lumalabas sa bibig ko.Tutop ang ilong at bibig ay pumasok ako. Hinanap ko
Hindi ko alam pero sa oras na 'to ay parang biglang nawala ang takot ko at nagawa kong suntukin pa ang salamin. Lahat ng galit at pagkayamot ko mula ng magkaroon ako ng bangungot dahil sa lalaki ay ibinuhos ko rito. Minura ko pa nga ang salamin ng paulit-ulit. Kahit anong paghampas ko sa salamin ay hindi na muling nag-appear si Leonides. Na parang wala siyang pakialam sa outburst ko. Sa dami ng kasalanan ng demonyong ito ay parang wala itong pakialam. Namumula na nga ang kamay ko pero hindi pa rin nagparamdam ang binata. Naiinis na lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Kinuha ko ang isa pang antique na vase na nakita ko at muli akong umakyat. Ito ang malakas na inihampas ko sa salamin at ito pa ang nabasag sa halip na ang salamin. Dumaing ako at nabitawan ang basag na vase dahil nasugatan ang daliri ko. Mabilis na tinignan ko ito at ngumiwi. May kalakihan ang hiwa nito at maraming dugo. Kung ako iyong taong takot sa dugo ay siguradong nahimatay na ako pagkakita rito. Mabuti na lamang at h
Para pigilan ang sariling makatulog ay inilabas ko ang laptop ko at naisipang manood. Ngayon ay may silbi na ang mga na-download ko tungkol sa mga archeologist na nakahanap ng mummified na nilalang. Plano ko na huwag matulog ng buong gabi dahil natatakot na dalawin muli ni Leonides. Umabot na hanggang sa space ang takot ko pagkatapos ng nangyari kanina. After I went out of control with my body I felt like I had been shot in my head. I almost jumped out of my skin in fright when I was snapped out of my trance. Ang sinubukan akong akitin pagkatapos na makita ko ang taong anyo niya ay obvious na gusto na niyang hilahin ako sa loob ng salamin. Kung hindi dahil sa kidlat ay baka hindi na ako nakauwi rito. Baka maglalaho na lamang akong parang bula sa mundong ito. At kahit pa hanapin nila ako ay hindi nila matutuklasan kung ano ang nangyari sa akin.Kung maglalaro sa utak ko ang senaryo na makukulong ako sa loob ng salamin at hindi makalabas ay nangangaligkig ako sa takot. Lahat ng balahibo
This afternoon I was just sitting idly in the living room. Wala akong maisip na puwede kong gawin at nababato na ako. I wriggled my feet in boredom as I sighed constantly. Gusto man na manood muli ay masakit at pagod na ang mata ko. 'Pag ipipilit kong magbabad sa harap ng laptop ay baka sasakit pa ang ulo ko. Ito pa naman ang pinaka-ayaw sa lahat. Hindi ko kayang tiisin kung ang ulo ko ang masakit.Tinatamad na nahiga ako sa sofa at tagos ang tingin ko sa ceiling. Nagdedebati ang utak at puso ko kung lalabas na lang ba ako o hindi. Maganda naman ang panahon ngayon. Hindi ako lalayo at pupunta sa mansyon. Kahit sa malapit sa ilog lang. Naalala ko na binalaan ako ni Leonides na huwag pumunta 'run at nakuryos ako.Muli akong naupo at isinuot ang tsinelas. Ibinalabal ko lang ang shawl sa balikat ko at lumabas ng bahay. Nang makalabas ako ng hanggang baywang na gate ay isinara ko rin. Buo ang loob ko na pumunta pa rin sa ilog sapagkat wala akong tiwala sa sinabi ni Leonides sa akin sa akin
Tinignan ko ang aking daliri at kumurap ng ilang beses bago sinubukan na hawakan muli ang salamin. Sa pagkagulat ko ay katulad kanina na pumasok ang kamay ko 'dun. Inulit ko ito ng maraming beses at ganun pa rin. Maang na tinignan ko si Leonides na nakakunot noo sa'kin. Nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ko."M-My hand just passed through the mirror! Y-You're trying to pull me!" umaatras na bulalas ko. I raised my vigilance and squinted my eyes. Para 'pag nakita ko na gagawa siya ng hakbang ay makakatakbo agad ako."Wala akong ginagawa-"Bago ko pa matapos na marinig ang sinasabi nito ay parang may puwersang humila sa akin. Hintakot na sumigaw ako at naghanap ng makakapitan pero walang maabot ang mga kamay ko. Nagsisigaw ako ng tulong pero nahila pa rin ako. I close my eyes in despair as I let myself drag inside the mirror."You f*cking demon!" I yelled in horror.The next second I opened my eyes, I was standing in the middle of the road. The air is humid and cold. It was
Nang magmulat muli ako ng mata ay hindi agad ako bumangon at nakahiga lang ako. Nakatulala lang ako sa ceiling at hindi pa rin nag-sink in sa ulo ko kung nasaan ako. Pero nang marinig ko ang katok ay bumalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinangalingan ng ingay. Nang makita ko si si Leonides sa loob ng salamin ay saka ko naalala ang mga kaganapan kagabi. Nagsalubong ang kilay ko at inilibot ang tingin ko sa silid bago bumalik sa binata.Naalala ko na nahiga ako sa kama niya 'nung nasa salamin ako pero bakit bigla ay narito na ako sa totoong mundo ko? Paano ako nakalabas habang tulog ako? Bakit 'di ko naramdaman?Iwinagayway ni Leonides ang kamay na may hawak ng cellphone. Bumaba ako ng kama at lumapit sa salamin. Sinubukan kong ipasok ang kamay ko pero nasaktan ang daliri ko dahil tumama ito sa matigas na salamin."Bakit?" puno ng kalituhang sambit ko. "Kagabi lang ay- anong nangyayari?""Hindi ko rin alam. Naengganyo ako sa paglalaro at nang lingunin kita ay wala ka na sa kama per
Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng lollipop at binuksan bago isinubo. Kahit napakanatural ang kilos ko ay alam kong nahihiya pa rin ako. Kung matuklasan lang nito na ang nasa isip ko ay ang ginagawa namin sa panaginip ko noon ay baka bibiruin pa niya ako. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa isa pang hawak kong lollipop at may eagerness sa mata nito. It was as if he also wants to taste it."Wait till I enter your world and I'll let you taste it," saad ko.Wala akong narinig na salita mula sa kan'ya. But I shivered abruptly when I felt a cold wind swept through my earlobe. It was as if a hand had just touched it. I locked my eyes to the man in the mirror who's not doing any moves. He's just staring at me deeply.The candy in my mouth was crushed loudly. Nanerbiyos ako sa paraan ng tingin niya na parang hinuhubaran niya ako. Parang tumatagos ang tingin niya sa suot kong damit at nakikita niya ang katawan ko."You— what are you looking at?" kinakabahang asik ko sa kaniya. To mask m
Hindi ko tinanong kung ano ang mangyayari sa manika pagkatapos niyang itali at iligpit iyon nang bumalik siya. Ni hindi ko alam kung saan niya dinala ang kawawang manika. Nang yakagin niya ako papunta sa kuwarto niya ay agad akong tumayo at binitbit ang bag. Katulad kagabi ay naroon ang mga basag na salamin at sirang manika. Ngunit hindi na sinubukan ng mga iyon na hawakan ako. I was still afraid of it so I grabbed Leonides' hand and followed him. As we entered the room I glanced back at the hallway and was terrified to see the broken doll earlier. Maayos na uli ang katawan nito pero ang luha nitong dugo ay natuyo na sa pisngi nito.I instantly pushed myself inside the room and closed it with a bang. I also locked it and inhaled sharply. Bakit pa ba ako nakaramdam ng awa sa demonyong manika kung kaya niyang makawala sa tali at muling ayusin ang kan'yang katawan?"Ugh! Damn it! That scared me to death!" I muttered under my heavy breath. I pressed my hand through my chest, trying to cal