Share

Kabanata 39. Cecily's POV

Napamulagat ako at biglang uminit ang aking pisngi. Lahat ng eksenang nangyari sa amin sa salamin ay nag-play sa utak ko at parang gusto kong matunaw sa hiya. Napasulyap pa ako kay Leonides na nasa salamin at nakamasid sa nangyayari rito.

Nagkatinginan kaming dalawa at parang nagkahiyaan kami na mabilis ding nagbawi.

Napatingin muli ako kay Darlin na hinaharangan si Amalia sa tuwing gusto niya akong sugurin. Para silang nagpapatentiro na dalawa.

"Gusto ko na ring magpahinga at makalaya sa sumpang 'to kaya gusto kitang tulungan, Cecily. Ilang taon na akong nagdurusa at pagod na akong makipaghabulan at makipagtaguan kay Amalia. Tutulungan kitang makapasok muli sa salamin —"

"P-Pero may nangyari na sa aming dalawa!" bulalas ko.

"Iyon ba ang aktwal mong katawan? Hindi ba at kaluluwa ka lamang nang makulong ka rin sa loob? Kaya ang naging kinalabasan ay nabuhay ang paboritong bulaklak ni Amalia na rosas at nagkaroon din ng buhay ang mundo sa salamin pero hindi naputol ang sumpa," paliwanag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status