Share

Kabanata 3. Cecily's POV

Kumakain kami ngayon ng tanghalian at tahimik lang ako. Randam ko ang tensyon sa hapag dahil sa palaging sumusulyap ang aking mama sa akin. Ang aking ama naman ay animo wala itong pakialam sa kanila dahil tahimik lang din itong kumakain.

Nang hindi na makapagpigil ang aking ina ay ibinaba na nito ang kutsara at tumingin sa akin. Kita ang disappointment sa mata nito kaya naman nagyuko na lang ako ng aking ulo. Ayaw kong salubungin ang mata niya dahil mas lalo lamang akong makakaramdam ng sakit at hinagpis. Dahil sa mata niya ay wala akong makitang pagmamahal doon.

"Ano na naman ba ang ginawa mo at sinabi ng kasambahay natin na nagbasag ka ng salamin? If you're trying to seek attention then go to the plaza and play dead. Araw-araw mo na kaming binibigyan mg kunsumisyon!" galit na sita niya sa'kin. Mariing kinagat ko ang aking mga labi para pigilan ang mapaiyak. Dapat ay immune na ako sa mga lumalabas sa bibig niya pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing inuulit niya iyon.

Hindi rin ako sumagot at nagpaliwanag sa kaniya. Ilang beses ko nang sinubukan noon na ipaliwanag pero hindi ito nakikinig. Sinabi pa nito na mas importante ang business meeting nito kaysa ang makinig daw sa mga walang katuturan na bagay na lalabas sa bibig ko. Simula 'nun ay hindi ko na muli pang sinubukan na magsabi ng problema ko sa kanila. Wala rin naman silang pakialam kung nasasaktan man ako, nalulungkot o kaya ay nagkakasakit.

"Kumain na muna tayo at mamaya mo na sermonan ang anak mo," singit ng aking ama. At mas lalo akong nasaktan dahil sa malamig na tono ni Papa. Kahit na sigaw-sigawan ako ni Mama ay hindi man lang ito nagre-react at tahimik lang.

"Hindi puwede! Mamaya ay magkukulong na naman iyan sa kuwarto niya," giit ni Mama pagkatapos ay muling binalingan ako. "Pagkatapos ng exam ninyo ay sasabihan ko si Yaya Tacing na magbakasyon kayo sa probinsya ng Lolo mo. Baka 'pag pumunta ka roon ay ma-relax ang utak mo at hindi kung anu-ano ang naiisip mong gawin," she said in displeasure. "Bakit kasi hindi mo tularan ang ibang mga bata riyan na matured na mag-isip at hindi iyong gumagawa ka ng mga kalokohan."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. Hindi nsman kalokohan ang mga ginagawa ko. Hindi rin ako nagsisinungaling dahil totoo lahat ng mga nararanasan ko. Sino ba ang taong gusto ang nangyayari ng tulad sa akin?

"Naiintindihan mo ba ako, Cecily?" Nang hindi ako sumagot ay naiinis nang sita sa'kin ni Mama.

"O-Opo, Mama," mahinang tugon ko at itinago ang lungkot na nakaukit sa aking mga mata.

Alam ko ang probinsya ng Lolo ko na sinasabi ni Mama dahil minsan na rin akong pumasyal doon noong nabubuhay pa si Lolo. Pero bata pa lamang ako noon at nasa edad na sampu. Pero natatandaan ko pa rin na maraming mayayabong na puno ng mga prutas na gustong-gusto kong akyatin noon. May mga tanim pa si Lolo roon na kapag hindi nila nakikita ay pinipitas ko at niluluto 'pag naglalaro ako ng bahay-bahayan. Wala ring kapitbahay si Lolo dahil halos ilang metro ang layo ng mga bahay doon.

'Mabuti pa nga na pumasyal muna ako roon,' aniya ng maliit na tinig sa ulo ko.

"Pinasasakit mo lang lalo ang ulo ko," sambit ni Mama bago tinapos ang kinakain at narinig ko ang papalayong boses nito na tinatawag si Nana Tacing para siguro sabihin ang pagpunta namin sa probinsya.

Tinapos din ni Papa ang kinakain nito at iniwan akong mag-isa rito sa komedor.

Nang pumasok si Nana ilang minuto ang nakakalipas ay hindi pa ako tapos kumain. I was fiddling my fingers while thinking deeply. Bakit ba nakapalayo ng magulang ko sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang trato nila sa'kin. Feeling ko ay hindi nila ako tunay na anak.

"Anak, tapusin mo na iyang kinakain mo," masuyong sabi ni Nana.

May lambong ang mukhang ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at hinagod ang aking likod.

"May kinalaman ba ang bangungot mo sa salamin?" maingat na usisa niya sa'kin.

"Opo, Nana," hindi ako nag-aangat ng mukha na tugon ko sa kan'yang tanong. "May kamay na biglang lumabas sa salamin at hinihila ako papasok sa loob. Takot na takot talaga ako, Nana." Nabasag ang aking boses at muling may nalaglag na luha sa aking mga mata.

Bumuntong hininga si Nana at naupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Sinuklay niya ang magulo kong buhok gamit ang daliri nito.

"Alam mo ba na noon ay ginagamit nila ang salamin sa isang ritwal para makita ang kanilang soulmate? Noon ay may sumubok gawin iyon pero sa huli ay isang demonyo ang lumabas sa salamin. Anak, hindi mo ba minsan sinubukan na gawin iyon. Naalala ko na may pinanood kang documentary tungkol sa ritwal?" tanong niya.

Matigas akong umiling at sumagot, "nanonood ako ng ganun, Nana, pero hindi ako naniniwala sa ganung bagay. Kaya hindi ko minsan naisip na gayahin 'yon."

Naramdaman ko ang matiim niyang titig sa'kin kaya sinalubong ko ang mata niya. I resolutely said, "promise, Nana, hindi ko ginawa ang sinasabi mo. Fifteen ako noong napanood ko 'yon. At pagkatapos kong magkaroon ng bangungot ay hindi na muli ako nanonood ng ganung klaseng documentary."

Naniwala naman ito sa sinabi ko kaya niyakap niya ako. "Huwag kang mag-aalala, anak, titigilan ka rin ng bangungot mong 'yan at makakapamuhay ka ng tahimik."

"Sana nga po," mahinang turan ko at pumikit. Fresh pa rin sa utak ko ang nakita ko sa salamin kaya bahagyang nanginginig pa rin ako. Natatakot na rin akong matulog mamayang gabi. Ayaw kong dalawin na naman ako ng mysteryosong lalaki at pipiliting samahan siya.

"Manalig ka sa diyos, hija, hindi ka niya pababayaan. Ang kahit anong klaseng bangungot ay mawawala kapag humingi ka ng tulong sa kaniya," wika ni Nana.

Malalim ang pananalig ko sa diyos noon pa. At araw-araw akong nananalangin na sana ay tulungan niya ako. Nagsisimba rin ako tuwing linggo. Pero minsan ay nawawalan ako ng faith dahil patuloy pa rin akong dinadalaw ng aking bangungot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status