Share

Kabanata 7. Cecily's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lamang ako nang may pumaspas sa aking mukha na malamig na hangin. Umungol ako at magrereklamo sana kung bakit hindi naisara ni Nana ang bintana nang bigla akong mahimasmasan. Agarang bumalikwas ako at namumutlang tinignan ang paligid ko. Nasa isang lumang kuwarto ako at ang mga gamit ay natatakpan ng mga puting tela. Pero sa tagal na hindi bumalik ang may-ari para linisin ay may mga alikabok na ang tela. May agiw din ang bawat sulok at may mga spider pa. Nalalanghap ko pa ang lumang amoy ng bahay.

Kung gabi lamang ngayon ay mas creepy pa ang buong kuwarto. Mas nakakatakot at baka mahihimatay pa muli ako. Dahil sa totoo lang ay kinakain na ako ng labis na takot sa sandaling ito.

Nanginginig na agaran akong bumaba ng kama. Patakbong tinungo ko ang nakasarang pinto at binuksan ito. Hindi ko pinagkaabalahan tignan ang hitsura ng bahay at basta na lamang ako tumakbo sa mahabang pasilyo. Hindi ako baliw para mag-tour at humanga pa sa kagandahan ng mansion. Ang nasa isip ko ay ang makalabas at makaalis na ng bahay na 'to. Lalo pa at hindi ko alam kung sino ang nagbukas ng pinto kanina. Kung isang ligaw ba na kaluluwa o isang tao. Hindi ko na rin inisip pa kung paano ako nadala sa kuwartong kinagisnan ko. Sa dami ng kababalaghan na naranasan ko ay maiisip ko pang multo ang nagdala sa akin dito sa loob.

Tagaktak na ang pawis ko nang bigla akong mapahinto sa aking pagliko. Dead end na kasi ang nasa harapan ko at isang lumang pinto na gawa sa nara ang nakikita ko. Nang tignan kong mabuti iyon ay wala akong maalala na nakita ko ito sa panaginip ko. Sa katunayan ay nagsisimula nang tanggapin ng utak ko na ang panaginip ko ay nangyayari na mismo sa aking realidad. Bakit ko pa ikakaila na panaginip lahat ng ito kung alam kong gising na gising ang diwa ko ngayon.

I swallowed the lump in my throat. Dahan-dahang kumilos ako at nasa aktong pipihitin na ang lumang seradura nang nag-freeze ang kamay ko. Bigla akong kinilabutan at natakot. Paano kung biglang may multo akong makikita sa loob 'pag binuksan ko ang pintong 'to? Kung hindi naman ay baka masamang loob na ang nagtatago rito at gawan pa ako ng 'di maganda?

Nakatayo lamang ako at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba ang pinto nang may biglang nagsalita sa aking likuran. Animo natuka ako ng ahas na napasigaw at napatalon ako sa gulat. Pakiramdam ko ang humiwalay na ang aking kaluluwa sa aking katawan. Napalingon ako sa nagsalita na inihahanda ang sarili ko na baka multo ang boses. Pero nagulat ako nang makita ko si Makisig na may hawak na bottle ng tubig.

"M-Makisig?" naninigurong bigkas ko sa pangalan ng binata at tumango naman ito. Animo naalis ang maraming tinik sa dibdib ko at napahinga ng malalim.

"Ako nga po, binibini. Nakita kitang nakahandusay sa harap ng gate nang dumating ako rito para tignan ang mansyon kaya binuhat na kita at dinala rito sa loob," paliwanag nito. Ibinigay nito ang tubig sa kaniya. Tinanggap niya iyon dahil ramdam niyang nauuhaw na talaga siya. Pagkatapos ay ibinalik niya rito ang bottle.

"P-Pero nakita kong—" Napahinto siya at hindi naituloy ang sinasabi. Naumid ang dila niya at parang na-stock ang katagang sasabihin sana niya sa kaniyang lalamunan.

"Ano po ang nakita mo?" Naghihintay ito na itutuloy ko ang sinasabi ko.

Umiling ako at pilit na ngumiti. Kung sasabihin ko na kusang bumukas ang pinto kaya nahimatay ako ay hindi niya ako paniniwalaan. Baka sabihin pa na nababaliw na ako. Dahil minsan sa buhay ko ay may kaklase akong nagsabi nito sa akin. Iyon ay noong unang sinabi ko na may bangungot ako at tinatawag ako ng boses at parang sinundan ako sa realidad.

"Ang init kasi pagdating ko rito kaya nahimatay ako," pagsisinungaling ko na lang.

"Ganun ba? Maglilibot ka pa ba rito? Kasi uuwi na ako," turan nito at sumulyap sa pintong nasa likod ko. Pero walang kuryusidad sa mata nito na parang nakapasok na siya sa loob 'nun.

Gusto kong sabihin na uuwi na rin ako pero nangibabaw ang kuryusidad ko. Maliwanag pa naman sa labas kaya kahit natatakot ako ay kaya ko pa naman. Kung tama si Nana na may dahilan ang bangungot ko ay tatagan ko na ang loob ko. Ang mansion ang nasa panaginip ko kaya baka dito ko rin makikita ang sagot sa mga tanong ko. Baka 'pag na-explore ko ang bahay ay makakakita ako ng senyalis na magtatapos sa bangungot ko. Kung gusto kong matahimik na ako at bumalik sa normal ang buhay ko ay kailangan kong kainin ang lahat ng takot ko. Ayaw kong isipin ng magulang ko na kahit nagbakasyon ako rito at bumalik ako ay nagpapapansin pa rin ako sa kanila.

"M-Mauuna ka nang umuwi at maglilibot ako rito," wika ko.

"Sige, mag-ingat ka," saad nito at tumalikod. Naglakad na ito palayo at nang mawala siya paningin ko ay bigla akong napatapik sa aking noo. Nakalimutan kong tanungin sa kan'ya kung paano niya nabuksan ang pinto.

Huminga ako ng malalim at hinarap muli ang pinto. Kinain ko ang lahat ng takot at binuksan ang pinto. Pikit matang pumasok ako at hinayaang nakabukas ang pinto. Binuksan ko ang isa kong mata at sumilip at nang makitang normal pa ang loob ng kuwarto ay binuksan ko na rin ang isa kong mata.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kuwarto at nakita ko na natatakpan din ng puting tela ang lahat ng kagamitan dito. Walang nakakatakot akong nakita rito kaya nakahinga ako ng maluwag. Naagaw ng pansin ko ang lumang bedside table na nalaglag ang telang nakatakip doon. Lumapit ako roon at pinadaanan ng aking daliri ang kahoy at nang tignan ko ang daliri ko ay maitim iyon. Pagkatapos ay hinawakan ko ang handle ng drawer at natanto ko na hindi naka-lock ito. Binuksan ko ito at tinignan ang mga laman. Maya lamang ay biglang natutok ang mata ko sa isang lumang album na nasa may ilalim ng mga lumang papel.

Kinuha ko ito pinagpag dahil puno ito ng mga agiw. Hinipan ko pa at napaubo ako. Naupo ako sa kama at binuklat ang album. Ang unang litrato ay kumukupas na pero mahuhulaan ko na isang babae ang nasa larawan. Nang buklatin ko ang sumunod na pahina ay ganun din, kupas na rin ang litrato at hindi ko na mabibistahan ang mukha ng taong nasa litrato. Hanggang sa ang huling picture ay hindi ko makita ang mukha ng mga larawan. Ngunit nahuhulaan ko na ang album ay litrato ng isang buong pamilya.

Muli kong tinignan ang drawer at kinuha ang isa pang album na mas makapal sa unang tinignan ko. Pagbukas ko sa unang pahina ay napatuwid ako ng upo. Hindi pala ito isang album kundi mga sketches. Pero dahil sa kalumaan ay nabura na ang ibang parte ng mga drawings at ang iba ay napunit. Pero maingat na tinignan ko pa rin iyon.

Hindi tao ang sketches kundi mga tanawin. Mukhang lapis lang ang ginamit na pangguhit dito. Ang isang pahina ay may sign pa ng nag-drawing pero hindi ko mabasa. Napangiti ako dahil kahit kupas na ang guhit ay makikita ko pa rin na maganda ang ito. Kung sana ay hindi nabura ang ibang parte ay baka mas maganda pa ang mga ito.

Naengganyo akong tignan ang mga drawings at nakalimutan ko pa ang takot nang biglang kumidlat kasabay ng pagbuhos ng ulan at pagkulimlim ng buong paligid. Nataranta ako at mabilis na ibinalik ang album at sketch pad sa drawer. Sa pagmamadali ko na makalabas ay 'di ko sinasadyang nahila ang puting tela na nagtatakip sa isang bagay malapit sa pinto. Napaungol pa ako sa inis.

Unti-unting naalis ang tela at ang gayon na lamang ang pagkagitla ko nang lumantad ang tinatakpan ng tela. Pinanlamigan ako at nanlalaki ang matang nakatitig ako sa bagay na nasa harapan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa gulat. Animo huminto rin sa pag-inog ang mundo ko at nahindik. Parang binudburan siya ng suka at asin dahil sa pagkaputla.

Ang nasa harap ko ngayon ay isang lumang salamin na halos kasingtangkad ko. Kahit saang anggulo ay kapareho ito ng nasa panaginip ko. Ang mga carvings sa gilid ay pareho. Ganun din ang kalumaan na halatang noong sinaunabg panahon pa nila ginawa.

"H-How could this be?" mahinang bulalas ko at napatutop sa aking bibig.

Biglang kumidlat muli ng malakas ay nag-flash ang salamin. Saka lamang ako nagising sa pagkakatulala at napaiktad palayo.

The mirror formed a mist and then dissipate instantly as if nothing happened. But to my horror a shadow is slowly emerging inside of it. I wanted to run but as if the shadow had already predicted my next move.

The shadow controlled me and I'm starting to panic. Gusto kong kontrolin ang sarili ko at gumalaw para ihakbang ang paa ko pero mas malakas ito.

And then for the next moment I heard a very deep and familiar voice that made me trembled all over. Lahat ng mga buhok sa katawan ko ay tumayo na rin sa takot.

"Sa wakas ay abot kamay na kita, mahal ko!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status