Share

Extra 1. Cecily's POV

Pagsapit ng sabado ay sumama ang magulang ko at si Nana pabalik sa probinsya. Ayon kay Papa, pagkalipas ng maraming taon ay magagawa na rin daw niyang bumalik sa lugar kung saan siya isinilang. Nang pumanaw kasi si Lolo noon ay bumalik agad kami pagkatapos ng burol. Iyon pala ay may tinatakbuhan si Papa. Pero ngayon na tapos na ang sumpa ay nawala na raw ang malaking bato na nakadagan sa dibdib niya ng maraming taon.

Sa mansyon ng Nuevas kami dumeretso at hindi sa bahay ni Lolo. Naghihintay na ang pamilya ni Leonides sa harap ng mansyon nang makarating kami roon. Kinakain ako ng hiya nang mamataan ko sila pagpasok ng sasakyan sa bakuran. Ni hindi ko namalayan na kinukurot ko na pala ang binti ni Leonides. Hindi naman siya nagrereklamo pero hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil.

Bakas sa mukha ko ang kaba nang tumingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya at masuyong hinaplos ang pisngi ko.

"Are you nervous?"

Tumango ako at sumilip sa bintana. "I'm afraid they won't like me and will
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status