All the cells in my body are screaming of pain when I regain my consciousness. Nagsimula kong alalahanin ang nangyari sa'kin kagabi at napadaing ako. Kung may laban lamang ako ay sinunog ko na ang manika. It kept on scaring me since I entered the mirror. Hindi lang 'yon, pati sa bangungot ko ay siya ang palaging humahabol sa'kin. At ngayon nga ay ito na ang pinaka worst dahil nasaktan na ako ng pisikal. Nang hawakan ko ang ulo ko ay may benda sa aking noo at kumikirot pa. Ibinaba ko na ang aking kamay at huminga ng malalim.Napangiwi ako at sinubukan na bumangon nang may mga kamay na agad umalalay sa'kin. Pagtingin ko sa may-ari 'nun ay ang seryosong mukha ni Leon ang nakita ko. Mariing nakalapat ang labi nito na parang hindi maganda ang mood nito. Kumibot ang aking labi."Why did you get out last night?" hindi tumitingin sa'kin na tanong niya nang makaupo ako at makasandal sa headboard.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya nanatiling tikom ang aking bibig. Nagbaba ako ng tingin
"My name is Leonides... Nuevas."Hindi nga ako nagkamali. Siya iyong binatilyo sa larawan na nakita ko sa album. Kahit kumupas iyon nahulaan kong isa siya sa pamilyang Nuevas na nagmamay-ari ng mansyon. Hindi ko naman ito naisip 'nung una pero nang makita ko ang mga tanawin na pininta niya ay nagkaroon ako ng sapantaha kung ano ang totoong identity ng binata.Pero sa tingin ko ay nakalimutan nito kung sino siya noong nabubuhay pa siya. Nakita ko kasi ang pagkalito na dumaan sa mukha niya."I knew it!"Ngumiti siya pero puno ng uncertainty ang mata niya. Parang hindi pa rin sigurado kung iyon nga ang apelyido niya. Napahawak pa kasi ito sa sentido at biglang nagsalubong ang kilay. Tapos ilang minuto lang muli itong napatango-tango."Yeah, that's my real name. Leonides Nuevas," Tinignan niya ako kaya nabura agad ang simpatya sa mukha ko at napalitan ng ngiti. "I'm so old that I forgot everything, even my name."Bigla akong natawa at pinasadahan siya ng tingin. Kahit saang anggulo tignan
It was like the world inside the mirror bloomed dramatically after our first time together. Biglang nagkaroon ng buhay ang buong paligid ng mansyon. Pagkagising ko kasi kinaumagahan ay nagulat ako nang makita ang lively atmosphere ng mansyon. May naamoy pa ako na bango ng bulaklak kaya sinundan ko ang pinanggalingan 'nun. Animo itinulos ako sa kinatatayuan ko pagkakita sa hardin. Ang mga bulaklak na nakikita ko ay puro rosas at namumukadkad pa. The conspicuous things I instantly saw were the thorns and petals of the rose. The petals were crimson red like blood and the thorns were not the normal thorns of a rose.It was so fragrant that I seemed to be enchanted by it. Lumapit ako 'run at hinaplos ang bulaklak pero napapiksi ako nang matusok ako sa tinik. Isinubo ko ang aking daliri na hindi inaalis ang tingin ko sa bulaklak. Napakaganda kasing tignan ang kulay ng bulaklak.“What the hell is happening?” nalilitong usisa ni Leon na lumabas 'din galing sa loob. Iniwan ko kasi siya natutul
Katatapos ko lang nag-shower at ang suot ko ay ang oversized na shirt ni Leon. Wala akong pamalit kaya ito ang binigay niya sa akin kanina. Simula nang makita ko ang labas ng mansyon kanina ay down na down ang pakiramdam ko. Leon tried to coax me and did everything he could but it was futile. Hindi pa rin ako mapangiti ng binata. Inalok pa niya ako na maging model niya pero tinanggihan ko. Nagkulong lang ako ng kuwarto at tulalang nakahiga lamang sa kama.Nang sumapit ang lunch ay hindi ako kimain pati ang dinner ay hindi na sana ako kakain pero dinala na mismo ni Leon ang pagkain dito. Kahit matamlay ang lasa ko sa pagkain ay kumain ako dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala.Niyuko ko ang lantad na hita ko bago sinulyapan si Leon na may kinakalkal sa cabinet. Habang nakatingin ako sa likod niya ay may umilaw na kapilyahan sa utak ko. Naupo ako sa edge ng kama at sinadyang bumukaka ng kunti. Bahagya pa akong yumuko at kunwa ay hinahaplos ang aking tuhod.Kaya naman ng lumingon siya
I watch Cecily who is fast asleep beside me. I have a subtle expression while thinking of the past days. Deep within me I feel sorry for her. Palagi kong sinasabi sa panaginip niya na dadalhin ko siya sa mundo ko pero hindi sa ganitong paraan. Para sa'kin ay sapat na nakakasama ko siya sa tuwing sumasapit ang hating gabi. Hindi ako naghahangad ng mas malalim pa 'run. Pero pagkatapos niyang makulong at 'di makalabas ay may umusbong na kakaibang emosyon sa puso ko. Hindi ko maiwasang maging selfish at greedy na sana ay habang buhay na siya sa tabi ko. I want her to be trapped here and accompany me.In this lonely world where I spend my whole eighteen years as a ghost, trapped and have no possible means to escape was a torture. Para sa'kin ay impyerno ang lugar na 'to. Ni wala akong ideya kung paano ako nandito. Hindi ako nagsinungaling kay Cecily nang sabihin ko na hindi ko alam kung paanong nakulong ako rito. Basta't pagbukas ko ng mata ko isang umaga ay nakatayo na ako sa gitna ng wal
"I can hear the sound of water!" bulalas ko at tuwang-tuwa na hinila ko ang kamay ni Leon para tahakin ang daan na naalala ko sa aking panaginip. Hindi ako nadismaya ngayong umaga dahil paggising namin ay hindi ako nag-delay ng isang minuto at inaya agad siyang lumabas.Natatawa na lang siyang nagpahila sa'kin at lumabas kami pagkatapos naming magpalit ng damit at kumain ng agahan.Nang marinig ko na malapit na ang ingay ng tubig ay halos tumakbo na ako. Muntik pa akong matisod sa nakausling bato at kung hindi ako nahila ni Leon ay baka nangudngod na ako sa lupa. Humagikgik lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo."Be careful," bigkas nito pero inignora ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may gilid ng tubig.Kumislap ang mata ko nang makita ang malinaw na tubig ng ilog. Inilibot ko pa ang mata ko sa paligid at hindi nga ako nagkamali dahil maraming wild berries dito.Ang lawak ng ngiting hinarap ko si Leon. "See! Hindi ako nagsinungaling na may ilog dito. Ang ganda pa ng paligid."
Nakapamaywang ako sa harapan ng lumang baul na nakita ko sa storage room sa likod ng mansyon. Kanina ko pa pinipilit na buksan iyon pero kinalawang na ang padlock at mahirap na buksan. Iniwan ko si Leon sa basement na nagpipinta at nagpaalam ako na matutulog pero ang totoo ay gusto ko talagang magkalkal. Nagbabasakaling makahanap ako ng puwedeng makasagot sa mga tanong ko.At dito nga sa isang lumang storage room ako napadpad. Mga lumang cabinet at box ang nakita ko. Mga dalawang oras akong nagkalkal saka ko lang nakita itong baul sa may pinakailalim ng mga boxes. Ngunit ginawa ko na lahat ay 'di ko mabuksan ang baul. Tagaktak na nga ang pawis ko at basang-basa na ang suot kong damit.Nag-skwat muli ako. I fiddle the lock and tried to open it again using a wire. Nagsalubong ang kilay ko at mahinang napamura nang matusok ang daliri ko sa wire. Frustrated na ibinato ko ito at matalim na tinignan ang baul."Hindi mabubuksan 'yan kung tititigan mo lang," sarkastikong wika ng manika na nak
Matamang nakatitig pa rin ako sa lumang litrato habang nakahiga sa kama. Sa dami ng katanungan na dere-deretsong naglalaro sa utak ko ay hindi ko alam kung saan ako pupulot ng sagot sa mga ito. I even doubted my eyes if I'm just seeing myself in it. Isa pa sa katanungan na pinagtataka ko ay kung bakit paulit-ulit na binabanggit ng manikang 'yon na kailangan kong ma-realize ang isang bagay. Pero kahit anong pagkalikot ko sa aking utak ay clueless pa rin ako kung ano ang tinutukoy niya.Humugot ako ng malalim na hininga at inilapag ang litrato sa bedside table. Tumingin ako sa kawalan at muling inalala ang gabing naaksidente ako hanggang sa unang gabi namin ni Leon. At kinabukasan ay may mga bulaklak na sa hardin. Isa pa ito na nagbigay ng puzzlement sa akin. Kung ang pagkakakulong ko rito ay dahil sa dugo ko noong gabing 'yon, paano naman ang rosas na biglang nabuhay?Nagsalubong ang aking kilay at frustrated na napasabunot sa buhok ko. Bakit blangko ang utak ko at hindi ako makapag-is