Matamang nakatitig pa rin ako sa lumang litrato habang nakahiga sa kama. Sa dami ng katanungan na dere-deretsong naglalaro sa utak ko ay hindi ko alam kung saan ako pupulot ng sagot sa mga ito. I even doubted my eyes if I'm just seeing myself in it. Isa pa sa katanungan na pinagtataka ko ay kung bakit paulit-ulit na binabanggit ng manikang 'yon na kailangan kong ma-realize ang isang bagay. Pero kahit anong pagkalikot ko sa aking utak ay clueless pa rin ako kung ano ang tinutukoy niya.Humugot ako ng malalim na hininga at inilapag ang litrato sa bedside table. Tumingin ako sa kawalan at muling inalala ang gabing naaksidente ako hanggang sa unang gabi namin ni Leon. At kinabukasan ay may mga bulaklak na sa hardin. Isa pa ito na nagbigay ng puzzlement sa akin. Kung ang pagkakakulong ko rito ay dahil sa dugo ko noong gabing 'yon, paano naman ang rosas na biglang nabuhay?Nagsalubong ang aking kilay at frustrated na napasabunot sa buhok ko. Bakit blangko ang utak ko at hindi ako makapag-is
"Can you carry me? My feet is short and I can't keep up with your pace. Can you at least help this venerable me?" nagrereklamong tawag ng manika na halos isang metro ang layo sa amin. Tumakbo man ito ay hindi pa rin niya kami maabutan. At sa totoo lang naiirita na ako dahil ilang beses itong humirit na magpahinga kami kahit sandali lang. Nasayang tuloy ang isang oras na sana ay nakarating na kami sa ilog kanina pa. Feeling ko ay sinasadya niya ito to delay us from going to the river.A low mocking laughter came out from my lips. "You just effortlessly kicked that lock open but you can't even run after us? Why don't you dismember yourself and roll around like a ball until we reach the river.""You're always provoking her, Cecily," saway sa'kin ni Leon bago nilinga ang manika na masama na ang tingin sa akin. "Malapit na tayo."Umatungal ito na halos mabingi na ako. Tinakpan ko ang taynga ko at pinaikot ang aking mata. Nang hindi ito tumigil sa pagngawa ay malalaki ang hakbang na binalik
Pagkabalik na pagkabalik namin ng mansyon ay parang may pakpak na tumakbo si Amalia at bago ko pa siya mahabol ay nawala na siya sa aking paningin. Umuusok ang aking ilong sa inis na nakamata ako sa kung saan ito tumakbo. Hindi ko man lang kasi napaghandaan ang biglang pagpalag nito kaya wala sa loob na nabitawan ko ang pekeng buhok niya dahilan para matakbuhan niya ako.Ilang segundo ang nagdaan ay nakangusong nilinga ko si Leon na tahimik lang sa tabi ko. Aggrieved, I stomped my feet and said, "kahit ilang taon na siyang nabuhay bilang manika ay na-retain pa rin niya ang ugali ng isang tao. Why didn't she even get dumb as the years passes by?"Mahinang natawa ang binata at pinisil ang aking pisngi bago ako hinalikan sa labi ko. "Do you want me to seize her?" malambing na tanong niya.Nagningning ang aking mata at kumapit sa kaniyang braso. Paulit-ulit pa akong tumango. "Sure sure!! Habulin mo siya at dalhin mo siya sa'kin. 'Pag 'di siya nagsalita ay kakalbuhin ko siya."Lumamlam ang
Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Dahil ang gusto pala nilang sabihin sa'kin ay isa lamang akong kaluluwa. Hindi ko alam kung nasaan ang totoong katawan ko at kung paanong naging kaluluwa lamang ako. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang ganito sa akin.Humagulgol ako sa dibdib niya habang mahigpit naman na yakap niya ako. Sa oras na 'to ay halos ayaw kong humiwalay sa kaniya. Kahit pa malamig ang katawan niya ay hindi ko alintana ito. Ang gusto ko na lang ay makulong sa bisig niya at namnamin ang bawat oras na nandito ako sa tabi niya. Dahil hindi ko alam kung ilang oras ang natitira pa sa aming dalawa rito.Humigpit ang kapit ko sa likod niya at paulit-ulit na tinawag ang kaniyang pangalan. "Leonides, I want to hold you," sambit ko sa nakikiusap na tinig.Hindi siya sumagot at binuhat niya ako ng princess style. Humilig ako sa balikat niya at sinamyo ang natural niyang bango habang panay ang paglaglag ng mga luha sa aking mata.Nang makara
Habang nakatingin ako sa bakanteng parte ng kama ay parang may kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa aking dibdib. Ang makita siyang unti-unting naglalaho sa aking bisig ay parang sa pangalawang pagkakataon ay namatay muli ako. At sa unang pagkakataon ay may mga luhang nalaglag sa aking mata pagkatapos kong makulong dito. Para akong bata na niyakap ang unan na ginagamit ni Cecily.Inamoy ko ito na parang may naiwang bakas ng kaniyang natural na bango. Pero alam ko na imposibli ito dahil isa lamang na kaluluwa ang dalaga ng makasama ko siya rito.Noong gabing nahulog siya ng hagdan ay puno ako ng takot at pag-aalala. Nang yakapin ko siya at akmang bubuhatin ay natanto ko na isa lamang siyang kaluluwa. Mas nadagdagan ang takot na naramdaman ko dahil ang akala ko ay patay na siya. Pero nang makita ko ang manika sa may punong hagdan at nakamasid sa amin ay matalim na tinignan ko siya. Ang lahat ng takot, galit at sakit na naipon sa puso ko ay sumabog ng gabing 'yon.I want to strangle an
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang gumising ako at matantong nasa pribadong kuwarto ako ng isang hospital. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako dahil ang bangungot ko ay parang isang naging napakagandang panaginip. Nakasama ko raw ang guwapong binata na hindi ko matandaan ang pangalan na nakakulong sa isang mundo sa salamin.Pakiramdam ko ay nangyari talaga ang panaginip ko pero nang magmulat ako ay nalito ako. Kaya ito at palagi akong tulala dahil 'di ko na masabi kung ano ang reyalidad at hindi. Naging tahimik pa ako at kahit anong tanong o kausap ng magulang ko ay tikom ang bibig ko.Ayaw ko na 'pag nagsimula akong mag-usisa ay sasamantalahin na naman nila at pagsasabihan ako. Na kasalanan ko kung ano ang nangyari sa akin at napurhuwesyo ko na naman sila. Nadistorbo sa trabaho para ako ang asikasuhin nila. Alam ko ang ugali ng mga magulang ko at kung ano ang trato nila sa akin. Kaya mas minabuti ko na tumahimik na lamang at sarilinin kung ano ang napanaginipan ko habang comato
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang dumating ang magulang ko pagkatapos na bumalik ang malay ni Nana. Alam ko kasi na hindi niya ako pipilitin na sumagot 'pag nagtanong siya. Kaya naman nang umuwi ito at naiwan sina Mama at Daddy ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.I can feel her probing gaze but I didn't turned to look at her.Nang sumara ang pinto ay nahiga ako ng patagilid, ang likod ko ay nakaharap sa mga magulang ko na nakaupo sa sofa. Hindi man nila ako masinsinang kinakausap 'pag narito sila maliban lamang sa palaging tinatanong nila kung maayos na ang pakiramdam ko. They didn't scold me, they just smiled at me. At hindi ko alam kung namamalikmata ba ako na parang may mga emosyon sa mata nila na kahit minsan ay 'di ko pa nakita sa kanila noon."Anak, ang sabi sa amin ng Nana mo ay halos 'di mo raw ginalaw ang pagkain mo. May gusto ka bang kainin?" ang tanong ni Mama."Wala po akong ganang kumain," matabang na tugon ko nang hindi humaharap sa kanila.Narini
Nakita ko ang pagtutol sa mukha ni Nana sa araw na magbibiyahe kami papunta sa probinsya. Hindi ko sinabi sa kaniya ang plano ko kaya nagulat na lamang ito ng sabihin ko na kailangan niyang ayusin ang dadalhin niyang gamit at ngayon na kami babalik sa province. Nakita ko pa na plano niyang kausapin ang magulang ko pero may pagsamong pinigilan ko siya. Lumuluhang nakiusap ako na hayaan niya ako. Alam ko naman kung ano ang ginagawa ko.Sa mukha pa lang ni Nana ay halata nang 'di siya aprobado sa disisyon ko pero dahil nagmatigas ako ay hindi na siya komontra. Nang nakasakay na kami sa sasakyan at tumatakbo na ito ay wala kaming imikan ni Nana kaya natulog na lamang ako. Ito pa ang ikinaiirita ko. Nagkatotoo ang sinabi ni Amalia na hindi na ako dinalaw ng bangungot ko. Kung noon ay halos isumpa ko na ang pagsapit ng gabi ay ngayon naman ay hindi ako makapaghintay na matulog. Umaasang mapanaginipan ko si Leonides katulad noon.Pero nabigo lang ako dahil kahit minsan ay hindi siya dumalaw