Share

Kabanata 29. Cecily's POV

Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Dahil ang gusto pala nilang sabihin sa'kin ay isa lamang akong kaluluwa. Hindi ko alam kung nasaan ang totoong katawan ko at kung paanong naging kaluluwa lamang ako. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang ganito sa akin.

Humagulgol ako sa dibdib niya habang mahigpit naman na yakap niya ako. Sa oras na 'to ay halos ayaw kong humiwalay sa kaniya. Kahit pa malamig ang katawan niya ay hindi ko alintana ito. Ang gusto ko na lang ay makulong sa bisig niya at namnamin ang bawat oras na nandito ako sa tabi niya. Dahil hindi ko alam kung ilang oras ang natitira pa sa aming dalawa rito.

Humigpit ang kapit ko sa likod niya at paulit-ulit na tinawag ang kaniyang pangalan. "Leonides, I want to hold you," sambit ko sa nakikiusap na tinig.

Hindi siya sumagot at binuhat niya ako ng princess style. Humilig ako sa balikat niya at sinamyo ang natural niyang bango habang panay ang paglaglag ng mga luha sa aking mata.

Nang makara
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status