Share

Kabanata 35. Cecily's POV

"May hindi nabanggit ang Nana mo," singit ni Tiya na kanina pa pala nakikinig at nakatayo mula sa bukana ng kusina.

Napatingin ako sa kaniya at lumalim ang gatla sa aking noo. Ano pa ba ang hindi nasabi ni Nana na alam nito? May idadagdag pa siya?

"Siya lamang ang nag-iisang anak at apong lalaki ng pamilyang Nuevas. Ang anak ni Don Isagani Romualdo ay babae, si Lolita at napangasawa niya si Danilo Nuevas na isa ring mayamang angkan dito. Nagkaroon sila ng tatlong anak, dalawang babae at isang lalaki at iyon ay si Leonides. Siya ang panganay sa tatlo. Namatay si Don Isagani noong siya ay pitumpung taong gulang at edad trese naman si Leonides," salaysay ni Tiya.

"Nag-iisang lalaki sa pamilya Nuevas sa banda ni Don Isagani?" pagkokompirma ko.

"Si Danilo ay nag-iisa ring anak ng Nuevas kaya wala silang kamag-anak sa side niya. Ganoon din sa pamilyang Romualdo. Para bang itinadhana talaga na iisang lalaki ang ipapanganak sa kanilang henerasyon," dugtong niya. "Tama ba ako, Ate Tacing?"

Tum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status