Share

Kabanata 34. Cecily's POV

Pagsapit pa lamang ng bukang liwayway ay nagpaalam na ako kay Leonides na uuwi para kausapin si Nana. Hindi ko sinabi na ang dalawang binanggit niya ay kilala ko. Basta ang sinabi ko lamang ay hahanapin ko sila para kausapin. Hindi naman niya ako pinigilan kaya agad na akong lumabas ng mansyon.

Kinakabahan at excited ako na hindi ko mawari. I'm not sure kung sasagutin ni Tiya at Nana ang mga tanong ko. At hindi ko alam kung hanggang saan ang pagkakakilala nila sa pamilya Nuevas.

Nang pumasok ako sa bakuran ng bahay ni Lolo ay nakabukas ang ilaw sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang humakbang hanggang sa nasa harapan ako ng pinto. Napalunok ako at mahinang kumatok. Hindi ko alam kung bakit kumatok pa ako gayong puwede ko namang kusang buksan iyon.

Nakarinig ako ng kaluskos sa loob at ilang minuto lamang ay bumukas ang pinto. Pareho pa kaming nagulat ni Nana nang magkatitigan kami. Hindi ko inaasahan na siya ang magbubukas at mukhang siya rin ay 'di niya inaasahan na ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status