Share

Kabanata 31. Cecily's POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang gumising ako at matantong nasa pribadong kuwarto ako ng isang hospital. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako dahil ang bangungot ko ay parang isang naging napakagandang panaginip. Nakasama ko raw ang guwapong binata na hindi ko matandaan ang pangalan na nakakulong sa isang mundo sa salamin.

Pakiramdam ko ay nangyari talaga ang panaginip ko pero nang magmulat ako ay nalito ako. Kaya ito at palagi akong tulala dahil 'di ko na masabi kung ano ang reyalidad at hindi. Naging tahimik pa ako at kahit anong tanong o kausap ng magulang ko ay tikom ang bibig ko.

Ayaw ko na 'pag nagsimula akong mag-usisa ay sasamantalahin na naman nila at pagsasabihan ako. Na kasalanan ko kung ano ang nangyari sa akin at napurhuwesyo ko na naman sila. Nadistorbo sa trabaho para ako ang asikasuhin nila. Alam ko ang ugali ng mga magulang ko at kung ano ang trato nila sa akin. Kaya mas minabuti ko na tumahimik na lamang at sarilinin kung ano ang napanaginipan ko habang comato
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status