Share

Kabanata 24. Cecily's POV

"I can hear the sound of water!" bulalas ko at tuwang-tuwa na hinila ko ang kamay ni Leon para tahakin ang daan na naalala ko sa aking panaginip. Hindi ako nadismaya ngayong umaga dahil paggising namin ay hindi ako nag-delay ng isang minuto at inaya agad siyang lumabas.

Natatawa na lang siyang nagpahila sa'kin at lumabas kami pagkatapos naming magpalit ng damit at kumain ng agahan.

Nang marinig ko na malapit na ang ingay ng tubig ay halos tumakbo na ako. Muntik pa akong matisod sa nakausling bato at kung hindi ako nahila ni Leon ay baka nangudngod na ako sa lupa. Humagikgik lang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Be careful," bigkas nito pero inignora ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may gilid ng tubig.

Kumislap ang mata ko nang makita ang malinaw na tubig ng ilog. Inilibot ko pa ang mata ko sa paligid at hindi nga ako nagkamali dahil maraming wild berries dito.

Ang lawak ng ngiting hinarap ko si Leon. "See! Hindi ako nagsinungaling na may ilog dito. Ang ganda pa ng paligid."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status