Share

Chapter 17 - Can I be your dad?

Natulala si Anastasia habang nakatitig sa eleganteng gown na nasa kanyang harapan.

"Anastasia!"

Pinukaw ni Joyce ang lumilitaw niyang diwa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya makapagsuot ng ganito ka-eleganteng gown.

"Joyce, bakit?"

Tumaas ang isang kilay ni Joyce.

"Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig sa akin. Ano, hindi ka makapaniwala sa gown na nasa iyong harapan?"

Inismiran niya ito at ibinalik ang atensiyon sa gown na nasa kanyang harapan.

"Parang hindi ko kayang isuot 'to! Bakit ba siya gumasto nang malaki. Hay, nako naman talaga e!" humakbang si Anastasia patungo sa sofa at humilay roon saka muling natulala habang nakatitig sa gown na hinatid sa kanilang bahay. Gawa ito ng isa sa mga sikat na designer sa buong bansa, si Miss Andy Amorsolo.

Kinalabit na naman siya ni Joyce.

"Madam Anastasia, maghanda ka na po, dahil mayamaya darating na ang mag-aayos sa atin. Huwag mo nang isipin ang pera dahil wala lang iyan sa kalingkingan ng kayamanan ni Mr. Enriq
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status