Share

Chapter 18 - At the event

Huminga nang malalim si Anastasia ng tuluyang nakapasok sila sa venue. Bahagyang pinisil ni Vance ang kanyang kamay. Naging center of attention ang pagpasok nila sa bulwagan. Mayroong napaawang ang bibig dahil sa gulat. Marami ring bumati sa kanila na mga kilalang tao sa buong Pilipinas. Pinakilala naman siya ni Vance sa mga kausap nito na kasusyo sa negosyo. Maraming mga sikat na artista ang naroon lalo na ang mga naka-signed sa Eries Entertainment. Karamihan sa mga nakausap nila ay nagtatanong kung ano na nga ba ang estado nilang dalawa. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Isang pisil naman sa kanyang kamay ang ginagawa ni Vance sa tuwing ngumingiti siya sa mga lalaking kanilang nakakaharap.

"Huwag ka ngang masyadong ngumiti. Baka bago matapos ang gabi naagaw ka na nila sa akin, hmm?" bulong ni Vance sa kanya kapagkuwan.

Inirapan niya lang ito. Alangan naman sisimangot siya sa harap ng mga bisita nito. Napahinga siya nang malalim sa naiisip.

"Son!"

Kapwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status