Hindi ko na alam kung ilang mata na ang nagagawi sa kinaroronan namin ni Sandro. Wala naman kaming ginawang kakaiba. Nakaupo lang talaga kami.Nakikipagtawanan si Sandro sa mga kakilala niya habang ako naman ay nakikinig sa usapan nila. Wala namang nagtangkang magtanong kung anong meron sa amin.Pero dahil nakakainom na si Sandro, minsan ang kamay niya ay nagagawi sa hita ko, o di kaya sa bewang o sa balikat.At kapag ginagawa niya yun, napapasunod ng tingin ang lahat sa kamay niya.Binigyan ako ni ate Lucille ng isang baso ng alak. Sumunod ang mata ni Sandro sa basong hawak ko. Rinig ng lahat ang pagtikhim niya.“One glass only?” he asked.Ramdam ko na naman ang mainit na titig ng karamihan. Napapikit ako at marahang tumango. By the way, nasa isang resort house kami at kami lang ang narito."I don't want you drunk," lasing na buong niya. “Yeah. One glass only.” Mariing sabi ko.Alam kong nagkatinginan ang lahat. Hindi ko alam kung awkward ba sila sa amin ni Sandro. Hindi naman kami c
Nakakahiya. Iyon ang nakatanim sa isipan ko matapos kong tignan ang mga tao na nasa paligid. Lahat sila nakatingin sa amin ni Sandro, habang si Sandro ay wala namang pake.Naka-bikini na ang lahat habang ako ay nakabikini nga pero may suot namang malaking tshirt.“Huwag mong tanggalin,” sabi ni Sandro at dumiretso sa mga kaibigan niya habang ako naman ay naglakad palapit kay ate Lucille na may kakaibang tingin.Nagbihis ako ng bikini kanina, paglabas ko pa lang ng CR, agad na niyang sinuot sa akin ang tshirt niya. Hindi naman niya ako pinagbawalan pero hindi rin hinayaan.Nang makatabi ako kay ate Lucille, agad niya akong kinurot.“Naglaplapan pala kayo ni Sandro sa loob?”Agad akong namula sa sinabi niyang laplapan. “Grabe ka naman ate sa laplapan.” Saad ko at sumimangot.“Ay, hindi ba laplapan ang ginawa niyo?” tanong niya. “Ano pala? French kiss na may kasamang supsupan ng dila?”Parang umusok ang tenga ko sa sinabi niya.Inirapan ko siya at tumingin sa mg aka batch niyang babae na
“Bakit nandito ka?” tanong niya at pinasadahan ang mga kasamahan ko. Tumayo si ate Lucille para humaIik sa pisngi niya.“Hi tito,”“You’re here too, Lucille?”“May reunion po kasi kami tito,”Tumango si tito. “Ah okay. Si Lucinne?”“Hindi po siya nakasama. Grounded po kasi siya.”“Ah kaya pala. Oh siya, maiwan ko muna kayo sandali. I need to roam around dahil titignan ko kung bibilhin ko ba iyong rest house malapit dito o hindi.”Nanlaki ang mata ko. “Wow. Talaga tito? You’re going buy a rest house?”“Yeah.” Natatawang sabi niya.“A gift for my wife.” Aniya.Nagkatinginan kami ni ate at napangiti. Tito Shawn’s wife—si ate Liezel was such the kindest person we’ve met.Nagpaalam na kami kay tito na babalik na kami. Madilim na rin kaya gumawa na ng bonfire ang mga boys. Sumusulyap ako kay Sandro, nakikipagtawanan na siya sa mga kasamahan niya pero hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin kahit isang beses.Tahimik lang ako sa tabi ni ate Lucille. Maingay na naman ang lahat at nag-iinuman.
Nanlaki ang mata ko at agad na natigilan. Kahit si ate Lucille sa tabi ay napainom ng tubig.Pero si tito Shawn, biglang humagalpak ng tawa. Sabay sabing, “akala ko ba walang pumo-porma?” tanong niya.Tumingin siya sa gawi namin ni ate Lucille. Lagot kami.Hindi na ako nakakilos o nakagalaw. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Sandro sa kamay ko, tipong hindi niya ako bibitawan kahit na anong mangyari.“Kaya pala kahit hindi mo reunion e pumunta ka,” saad ni tito sa akin. Nagulat ako ng bigla siyang may tinawagan.“Axcl, yeah… May kinikita nga si Sua dito.”Nanlaki ang mata ko. Napasinghap at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan.“I’m sorry princess but your dad wants me to confirm something.”Tumingin si tito kay Sandro.“You will come with me, young man.” Sabi ni tito dito. Bigla akong umabante para itago si Sandro sa kaniya. Rinig na rinig ko na nga ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Halos hindi na ako humihinga ng tama.Gusto ko ng umiyak na hindi ko malaman.“Tito
“Bukas na tayo mag-usap,” saad ni papa at umalis na at umakyat na sa kwarto niya. Tumingin ako kay mama at nakita ko siyang kinindatan ako tapos sumunod kay papa.Nang tumingin ako kay tito Shawn, nakangiti na siya sa akin at naka thumbs up.Si ate Lucille naman ay agad na tumalon talon sa tuwa habang nakaipit ang boses, takot na mabulabog niya ang mga tulog na.“Sua! I’m so happy!” Sabi niya at niyakap ako kaagad. Hindi ko na rin napigilan ang pagngiti ko. Tumalon na rin ako sa labis na kasiyahan.Approve na ba sa kanila? Hindi na ba sila magagalit? Ayos na ba ang lahat?Tumingin ako kay tito Shawn. “You did a good move na pinakilala mo itong crush mo sa papa. Inilapit mo siya kahit na hindi pa nila ito nakikila sa personal. At maganda rin ang ginawa ni Sandro kanina. Nang magbaba ka ng tingin dahil hinaIikan siya no’ng kasamahan niyo, tumayo na siya agad para klaruhin na ikaw ang gusto niya.”Lumapat ang ngiti sa labi ko.“I’m impressed. Pasok siya sa akin. Ganoon dapat ang lalaki.
Papa is waiting sa isasagot ni Sandro. Kinakabahan ako na kapag banggitin ni Sandro ang last name ay mabago ang lahat. Na ang kasiyahang ito ay agad na mapawi.Ngunit bago pa masabi ni Sandro kung ano ang last name niya, biglang nag ring ang phone ni papa.“Excuse me,” sabi nito at tumayo.Para akong nakahinga ng maluwag. Si tito Shawn at mama naman ay napabaling kay papa. Kita ko ang panlalaki ng mata ni papa at bumaling sa amin.“Shawn,” tawag niya kay tito.Kinabahan ako bigla. Para bang may hindi magandang nangyayari. “Si grandpa Bilhem,” pagbanggit pa lang no’n ni papa, napasinghap na si mama at si tito ay agad na kumaripas ng takbo papuntang kwarto kung saan siya natulog. Naiwan niya doon ang phone niya at ilang gamit niya. “Axcl, anong nangyari?” tanong ni mama. Kita ko sa mukha ni mama na kabado siya. Ako rin ay nagtataka at kinakabahan.Alam kong hindi na maayos ang kalagayan ni lolo. Ilang ulit ng pinabalik balik ito sa hospital. Sana mali lang ang iniisip ko. Sana hindi t
Kinagabihan, nasa bahay na kami ni tito Shawn. Katabi ko si Blue at kapalitan ko naman ng text messages si Sandro.Sandro: Gumawa ako ng social media account. Confirm mo 'ko.Matapos niyang sabihin yun, agad kong binuksan ang fb ko, at naka add nga siya. Tapos ang profile picture pa niya ay picture ko no'ng entrance exam na kinuha niya ng palihim.Halatang kagagawa lang ng account niya dahil wala pa siyang friend. Haha.Hindi ba siya nag add ng iba? SA N DRO. Iyon ang pangalan niya sa FB. Matapos kong e accept ang friend request niya, bigla siyang nag chat."Hi miss,"Napangiti ako at nag reply sa kaniya. "Bakit? Taken na ako."Napatawa ako sa isipan ko habang hinihintay ang reply niya."Taken ka ba sa akin?"Kung sino sigurong makakita sa akin ngayon, aakalain siguro nilang nababaliw na ako. Gusto kong itago ang mukha ko at nagmumukha akong siraulo kapag kausap ko si Sandro. "Baliw ka!" Sabi ko nalang. Pero hindi niya agad sineen tapos halos sumabog ang notification ko dahil nilal
Balisa ako sa huling natitirang araw ko kasama nina mama. Lagi nila akong tinatanong kung ayos lang ba ako at lagi kong sinasabi na oo, ayos lang ako.“Nag-away ba kayo no’ng manliligaw mo?” iyon ang tanong ni papa ng pumasok siya sa kwarto ko para kunin ang maleta ko. Ihahatid nila ako sa airport ngayon. “Hindi po papa. Naghihintay na nga po siya sa akin doon. Susunduin niya ako.” Ang sabi ko.“So bakit ganiyan ang reaction mo?”“Nalulungkot lang ako syempre kasi aalis ako at babalik na. Mamimiss ko kayo.” Palusot ko.“Kung ganoon, magtransfer ka na dito.”“PA!” Natawa siya sa naging reaction ko.“Oh? Akala ko ba malulungkot ka?” sabi niya. "Iisipin ko talagang inaaway ka ng totoy na yun kung ganiyan ang mukha mo." “Ayaw niyo pa rin po ba kay Sandro, papa?” tanong ko.“It’s too early to decide,” aniya. “Patunayan niya munang karapat-dapat siya sa prinsesa ko.”“He will do that papa,” sabi ko na puno ng kumpyansa dahil kilala ko si Sandro. Ganoon siyang klase ng tao.Sinimangutan niy