Share

Arrange Marriage to the Nerd Billionaire
Arrange Marriage to the Nerd Billionaire
Author: imnotpsychopath

Prologue

Kathryn

Nag lalakad na ako dito sa hallway ng makita ko ang magaling kong asawa. May kaharutan na iba. Tignan mo nga naman ang nerd na ito. Kapal din ng mukha na mangharot pa ng iba eh may asawa naman na ito. At dito pa talaga sa school gagawa ng kabulastugan. 

Mainit ang ulo na agad akong lumapit sa mga ito. Pagigil na hinila ko ito papunta sa bakanteng classroom. Ramdam ko pa ang pagkabigla sa kanya. Pero hindi naman ito nag reklamo at sumunod na lang sa akin. 

Nang makarating kami sa room ay agad ko itong sinandal sa pinto at hinawakan ang collar ng suot nitong uniform. 

"Ano iyong kanina ha? Wala ka ba talagang kahihiyan at dito pa talaga sa loob ng school magkakalat?" Inis at may halong gigil na sabi ko dito. 

"Anong ibig mong sabihin? Wala akong maintindihan sa mga sinabi mo. Bigla mo na lang ako hinila dito sa classroom at nagsalita ka ng ganyan sa akin." Naguguluhang tanong naman nito. 

"Magkakaila kapa talaga na bwisit ka!!! Kitang kita ng dalawa kong mata ang pakikipag flirt mo sa malanding babaeng iyon. May pa hampas hampas pa talaga ha. Eh kung ihampas ko sa sahig ang mukha ng malanding iyon at ng mag tanda? Ano sa tingin mong nerd ka ha?" Galit na galit na turan ko dito. 

Huwag siya pa ganyan ganyan sa akin pag ganitong kanina pa mainit ang ulo ko sa kanya. Kahapon pa sya ha. 

"Di naman ako nakikipag flirt doon ah. Kaibigan ko kaya yon. Wala naman akong nakikitang masama na ginawa namin para magalit ka sa akin ng ganyan." Pangangatwiran naman nito sa akin. 

"Nangangatwiran ka pa talagang bwisit kang nerd ka. Kitang kita na ng dalawang mata ko. Tapos sasabihin mo na wala kayong ginagawang masama?" 

"Eh sa wala naman kasi. Tsaka bakit kaba nagagalit na lang basta dyan ha? Bakit nag seselos kaba?" Maya maya ay tanong nito sa akin saka ako tinitignan ng nanunuring tingin. 

Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Huwag mo ibahin ang usapan. Makita pa kita na nakipag landian dito sa school sinasabi ko talaga sayo na bwisit ka." Inis ko ng sabi dito. Bibitawan ko na sana ang pagkakahawak ko sa collar nito ng bigla nya na lang akong hinila palapit sa kanya. 

Amoy na amoy ko na tuloy ang pinag halo nitong pabango na syang nakapag pa kalma sa aking sistema ngayon. 

"Huwag ka ng magalit sa akin oh. Wala naman akong gusto sa mga iyon eh, dahil iisa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang asawa ko, at ikaw yun baby."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status