Chapter 3
Pasado alas-dos na ng madaling araw nang makarating kami sa destinasyon. Giniginaw na rin ako dahil sa malayong byahe at wala pa akong dala-dalang jacket.
"Ma'am, welcome to Punto Sierra. Sigurado 'hong magugustuhan niyo rito, ma'am. Mababait ang mga tao rito at madali mong mahihingan ng tulong."
Tinulungan niya akong buhatin ang mga gamit ko. Napangiti ako nang makita si Buboy at Tasha na nakatulog sa sasakyan. Ginising naman kaagad ito ni Diego kaya naalimpungatan ang mga ito.
"Salamat po talaga ng marami, Diego. May alam po ba kayong pansamantalang matutuluyan ko rito?" usisa ko sa kanya.
It's dawn already and I don't want to disturb people in their sleep. Bukas na bukas rin ay maghahanap ako ng malilipatan para maghanap ng trabaho.
"Ay oo, ma'am! Kaso nandito kasi yung may-ari ma'am at ayaw po kasi nitong may babaeng kasama. Pero halika ma'am at subukan nating pakiusapan. Mabait naman si boss at matulungin." Diego said and lead the way.
Binaybay namin ang matarik na daan patungo sa lugar na sinasabi ni Diego. Kasama ko sa magkabilang gilid ko si Buboy at Sasha na mukhang antok na antok na rin.
"Yung sa boss niyo, Diego. Bakit ayaw niya ng babaeng may kasama? Hindi ba sila tumatanggap ng pa-upa?" I curiously asked.
"Hindi ma'am. Pa-upahan naman talaga ang bahay nila boss Wayde noon. Galing pa kasi sa lolo't lola niya ang bahay pero nung namatay na ang lola niya ay natigil na rin ang pa-upa sa bahay. Wala na kasing nag mo-monitor roon at nahuhulog na libre nalang sa mga umuupa noon kaya napagdesisyonan nalang na hindi na gawing pa-upahan."
Napatango-tango ako sa sinabi ni Diego. Sayang naman at hindi na nagawang pa-upahan yung bahay.
"Eh kayo? Saan po kayo nakatira?"
"Malapit lang sa bahay ni boss, ma'am. Timing naman at ako ang nakita ni boss at kapag nandun siya sa syudad ay kami muna nila Buboy ang nagbabantay sa bahay. Ayos lang po ba kayo ma'am? Huwag kayong mag-alala at malapit naman na tayo."
"Ayos lang naman ako, Salamat."
"Kung hindi niyo po mamasamain ma'am, bakit niyo po gustong pumunta rito sa Punto Sierra? nagbabakasyon ho ba kayo?" tumango ako sa tanong ni Diego.
"Nakita ko kasi na maganda ang lugar niyo kaya naisip kong magbakasyon rito. Puro usok nalang kasi ang nalalanghap ko sa Maynila," pabiro kong tugon sa kaniya.
Tumigil kami sa malaking gate at kaagad naman iyong binuksan ni Diego. Kinalma ko ang sarili at humugot ng hininga. This is it, Celestia.
"Diego, what are you doing here?" A baritone voice filled the place.
Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa amin. Naka-suot ito ng puting t-shirt at pinaresan iyon ng cotton short. Base sa hitsura niya ay mukhang hindi ito galing sa Punto Sierra.
He looks like someone who came from America.
"Ay boss! nandiyan lang po pala kayo. Ah, ano kasi… May kasama po kasi akong bagong salta rito sa ating probinsya at hindi pa alam kung saan mangungupahan. Nagbabaka-sakali lang po kaming na makituloy siya rito at ng bukas ay makahanap siya ng matitirhan."
Napasulyap ang lalaki sa'kin at sinuyod ang hitsura ko. As if they were lasers in his eyes and I am wearing something harmful. His thick eyebrows furrowed and looked at his wrist watch. Ang maamo nitong mukha ay naging istrikto na.
I swallowed hard.
"You know that I don't accept girls here, Diego," his voice is cold and distant. He was intimidating and the only thing that I could is to hope that he would let me stay in his house for quite some time.
Sasagot pa sana si Diego nang magsalita ako.
"Just give me time and I'll find a new house to rent. Kahit magbayad ako. Ten thousand per night, would it be okay for you?" I negotiated. I'm willing to double the price if he wants too. Wala akong problema sa iaalok niyang presyo.
Ang gusto ko lang ay merong matutuluyan.
"I don't need money and I don't want a girl lurking in my property. Umuwi na kayo ng mga bata, Diego. Malalim na ang gabi." He averted his gaze to Diego.
Bumaling ako kay Diego at tumango. I also bid my goodbye for Buboy and Sasha. Nag-aalangan silang umalis pero sinabi kong kaya ko na ang sarili ko.
When they left, kaagad akong bumaling sa lalaking nagmamay-ari ng bahay.
"Aren't you afraid that I will do something bad to you?" May tonong pagkamangha sa boses niya. Na parang ine-examine niya ako base sa mga katanungan niya.
To be honest, hindi man lang sumagi sa isip ko iyon sa kagustuhang makalayo sa bahay. Now that he said that, I can't help it but to think about it. Hindi ko pa kabisado ang lugar at kung anong klaseng mga tao ang naririto. Kailangan kong maging maingat at humanap ng mga taong pagkakatiwalaan.
Damn.
"Bakit? gagawan mo ba ako ng masama?" I learned martial arts ever since and a black belter, pero hindi ko pa 'rin masisiguro na ligtas na ako sa kapahamakan.
However, I smell no harm with this guy in front of me. Sort of.
"No. Pero paano kung magtiwala ka kaagad sa isang tao at gawan ka ng masama? By the looks of you, you are the type of person who could easily get fooled." He said flatly while folding his arms.
He got a point. Ako ang tipo na madaling magtiwala sa kung sino.
"It would be on me if that happens. Please, just let me stay here for some time until I could find a house to rent. Bukas na bukas rin ay maghahanap ako ng trabaho." I pleaded. Desperate as I can be pero saka ko na lulunukin ang kahihiyan ko bukas.
Pagod na pagod pa ako dahil sa biyahe at gusto ko nalang ihiga ang sarili sa kama. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. I was startled when I saw him looking at me also.
"Hindi ikaw ang tipo na titira sa gan'tong klaseng lugar. Why are you here?" His voice is commanding.
Gusto ko ng matulog pero pilit kong nilalabanan iyon dahil sa kakatanong nito. Ako ang humingi ng pabor, but it looks like I'm a short tempered lady.
"I got married to a stranger and I want to get away with it. Got the answer already?" I blurted out honestly.
Mukhang nabigla naman siya sa deritsong pagkasabi ko. I'm really sleepy right now and I don't know if I could take hold it any longer. Masyado akong napagod sa biyahe kanina.
"Fine." My face lightened with what he said. "Take the second floor, first room and used it. Ang ayaw ko sa lahat ay gumagalaw ng gamit ng iba at nangingialam ng walang permiso. Understood?" walang pagdadalawang isip akong tumango.
Bumaling ako sa sinasabi niyang pansamantala kong titirahan at palihim na napangiwi. Nagdadalawang isip ako sa paghakbang nang makita ang itsura ng bahay. Gawa sa molave ang bahay at halatang sa Espanyol na era pa ito ginawa.
Dahil sa alikabok at lawa ng mga gagamba ay nagmistula itong horror house.
That thought made me stop. Napalunok ako at unti-unting bumaling sa kanya.
"What? Don't tell me that you're afraid of ghosts?" masungit niya akong pinagtaasan ng kilay at sinulyapan ang bahay nito na kung saan ako papatuluyin.
"Pwede ba na... sa kalapit lang na kwarto mo ako manuluyan?" napakagat ako ng ibabang labi. With the age that I have now, I'm really afraid of those creatures.
Not only that, I grew up with no one beside me whenever I'm afraid of the dark kaya mas nakadagdag iyon ng phobia ko.
"And why would I do you a favor?" he asked flatly.
"I-I'm afraid with ghosts. At t-takot din ako sa madilim," I blurted out honestly."
I could still remember the night when it's raining and thunder. I was alone in my room and my nanny was sleeping at that time. Umiiyak ako magdamag habang yakap-yakap ko ang paborito kong teddy bear.
It was the only comfort zone that I had. I have no choice, actually.
Mukhang wala na siyang nagawa at nagpati-una ng maglakad habang ako naman ay nakasunod sa kaniya.
"Let's go."
Nababalutan man ng mga alikabok ay alam kong maganda ang hitsura ng bahay. Nasa harapan ang hardin nila at sa kaharap naman ng hardin ay ang napakagandang tanawin.
It would be surely beautiful if the sun would start to rise. My eyes diverted to the exterior of the house. Nagmumukha lang itong luma sa labas pero napakaganda sa loob niyon.
High-tech na ang sa loob niyon at napaka-aliwas pagmasdan. It looks like our house but located in the province area. Is he the only one staying here?
"Take the first room. Magkatabi lang ang kwarto natin kaya kung may kailangan ka ay katukin mo lang ako sa kwarto ko. Just don't disturb me when I'm asleep." I nodded at him.
"Thank you so much! I would really take note of the rules that you had said a while ago. I'm Celestia, and you are?" pakikipagkilala ko sa kanya. It's better to get to know him rather than being in an awkward situation.
"Wayde. Don't thank me, sisingilin rin kita kapag nakahanap kana ng ibang ma-uupahan." Wayde casually said,
Wala akong problema sa pagbabayad sa kanya, I still have some cash here but I still need to save some of it.
"How much ba? Is it okay for me to pay you ten thousand per day? I don't have work at the moment kaya maghahanap muna ako ng trabaho at ng maka-bayad ako sa'yo." My eyebrows furrowed when I heard him chuckled lightly. He bobbed his head towards the ceiling, looks like stopping himself to laugh more.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Chapter 4"Do you think really think that a stay per day would cost ten thousand? It's just too much, Celestia. I assumed that you are born with a silver spoon your whole life. Kung nasa ibang tao ka ay baka pinagsamantalahan na ang mga sinabi mo."Naglalaro sa mga mata niya ang pagkamangha marahil ay dahil sa sinabi ko. He folded his arms while looking at me intently. What’s with his stare? Tila ba kinikilatis niya ang pagkatao ko."Sorry. This is my first time to actually do this kind of thing." Hindi pa ako nakaka-isang araw rito pero ramdam ko na ang hirap sa pag-intindi ng mga bagay-bagay. And I need to get used to it, slowly."I was trained to not care about those material things. Hindi kasi ako pinapayagang umalis ng basta-basta. Bantay-sarado ako ng daddy ko," I bit my lower lip to stop myself from crying. Naiiyak ako kapag binabalikan ang parteng iyon. I'm always the kind of person who gets easily emotional. I always cry for the smallest things."Hush, you don't have to say
Chapter 5“You’re not kidding me, aren’t you? Hindi naman siguro tayo sasakay diyan?” tanong ko kay Wayde habang tinuturo ang motorbike nito.“I’m not kidding, Celestia. This is the only way we could get there. Sanayin mo na ang sarili mo na puro mga motor lang ang masasakyan mo kung saan ka pumunta rito sa Punto Sierra. It’s either you take it or leave it.” He mumbled and shrugged his shoulders.Wayde leaned on his motorbike while he waited for my decision. Tinignan ko siya nang may pagdududa.“Hindi mo naman siguro ako ihuhulog di 'ba?” naniniguradong tanong ko. Hindi pa ako nakakasakay ng isang motor, honestly. It looks like one wrong turn and you fall. Tapos dagdagan pa at matarik ang daraanan namin patungong bayan.“Wala naman akong rason para ihulog ka di’ba? Don’t worry, sigurado akong mawiwili ka sa pagtingin sa mga paligid. It would be a fun experience if you’d try.” Napatango-tango ako.“Just be careful when you’re driving, matatakutin ako sa mga ganyan.” “Well… I can’t pro
Chapter 6- Friends “Ay ma’am para po yan sa paglalaba. Kapag po nahihirapan kayong magkusot ay pwede niyo po itong gamiting alternatibo.” Oh. So that’s why. Naglalaba ako pero palaging washing machine ang gamit ko. Mukhang marami pa akong kailangang sauluhin at alamin kung ano ang mga gamit ng mga bagay-bagay. “Sige po, pabili po ng dalawa.” I would give the other one to Wayde if ever. Gusto kong matutunan kahit papaano ang mga gawaing bahay. Growing under lavish lifestyle was fulfilling, yes. Pero iba pa rin ang maging responsable sa mga bagay na meron ka. And it made me somehow ignorant for not knowing a lot of things about simple works. Whenever I went to different stalls, I always find something cute or likely souvenir. Hindi ko rin maiwasang bilhin ang mga 'yun kahit kailangan kong magtipid ng pera. Gosh, brace yourself, Celestia. Marami na rin akong plastic na dala-dala at tapos ko na rin bilhin ang mga nasa listahan ko. My eyes immediately went to the crowd and find Wayde
Chapter 7It’s already noon time when we got back at the house. Niyakag na rin ni Wayde ang mga pinamiling pagkain habang ako ay inaayos ang pinaka-unang kwarto na tutulugan ko sana kahapon.I’m busy brooming the floor and getting rid of the dust in every corner. Hindi naman madami ang lilinisan ko dahi ginawa na iyon ni Wayde kahapon.Which I’m thankful of.Binuksan ko ang mga binatana para pumasok ang malamig na hangin sa kwarto. Napatigil pa ako ng bahagya nang makita ang tanawin sa harap ng kwarto ko. Tirik na tirik ang araw at sinasayaw ng hangin ang mga nagbeberdehang mga puno.What a sight to see.***Daddy, look! I already know how to used the broom. Manang Glenda taught me!” magiliw na aniya ng isang bata habang nakatingin sa ama niya. Kinuha ito ng ama at pinugpog ng halik sa mukha. The child can’t help but to giggle. “Wow! I’m proud of my princess. Show daddy how you do it?”“First, you need to listen very carefully, okay?” kumuha ito ng isa pang walis at inilahad iyon sa
Chapter 8Simpleng pagpri-prito lang ng isda ay nahihirapan na akong lutuin. Pa'no pa kaya kung ibang mga putahe na ang lulutoin ko. My lips turned into grimaces when I saw the state of my swollen hands."You should get used to it. After you put the fish on the pan, you can already put back the lid for the oil not to bursts.” Pagpapaliwanag ni Wayde na kaagad ko namang sinunod.Umupo si Wayde sa mismong counter top at mukhang aliw na aliw pa habang tinignan akong natatalsikan ng mantika. Eh kung buhusan ko kaya siya ng kumukulong mantika?Tumalikod ako at umupo sa bar stool na nakahilera sa countertop. Suot-suot ko pa ang apron at hawak-hawak ang malaking sandok. If someone could see my state right now, panigurado ay pagtatawanan nila ako.Magulo ang buhok, mapupulang bahagi sa braso at busangot na mukha."What should I do next?" I glared at the frying pan when the oil started to burst violently. "Wait for it to be golden brown. Huwag mo muna galawin kaagad cause it might stick to
Chapter 9Di-kalayuan ay nakita ko si Buboy at Sasha na kumakaway sa akin. Magiliw nilang binuksan ang gate habang naka-uniporme pa. I waved back and smiled at them. They just came from school and eventually went here."Hi po ate Celestia! Kumusta yung araw niyo?" bungad sa kaniya ni Sasha.Kanina pa naka-alis si Wayde at ilang minuto ko na 'ring ginagalaw ang paa ko para hindi lumala. It's actually getting better now."Ayos naman. How's your school?" bungad ko sa kanila.Nilapag nila ang mga bag sa gilid at umupo sa damuhan. I also sat on the grass and followed them."Okay naman, ate Celestia. Etong mga boys kasi ang iingay, nagpa-long quiz tuloy si Sir Montebon." Parang bata na sumbong sa akin ni Sasha. Napakamot pa ito sa ulo at tinignan si Buboy. Sinamaan siya ng tingin ni Sasha na para bang ito ang salarin kung bakit sila may pa long quiz."Pasalamat nga tayo at matagal kakatalak si sir at naubos yung time niya na dapat quiz natin." Gatong naman ni Buboy.Napangiti ako sa dalawa
Chapter 10The only thing that I could see was those silhouettes from those people playing from a far and the shape of the trees that were dancing together with the wind.“Napakaganda ng paglubog ng araw, ate Celestia ‘no?” lumapit pala si Sasha at hindi ko man lang napansin ang presensya niya. I was busy looking at this beautiful scenery in front of me. It was truly captivating.“Napakaganda. Napakaganda ng paglubog ng araw na hindi mo maiwasang malungkot,” kumunot ang noo niya sa sinabi ko.“Bakit naman ate? Malungkot ka ba ngayon?”I smiled dryly, “Malungkot dahil… we always tend to remember memories in good moments like this. Maganda o masalimuot man ang mga alaala. Malungkot dahil napakabilis ng oras at sa isang iglap lang ay ang mga ginagawa natin ngayon ay maging isang alaala na lamang.”“Eh bakit po naging malungkot iyon?”“Cause we can’t go back to that certain moment to feel that pure bliss and happiness again. People come and leave to leave a memory. You might not appreciat
My eyes darted to my phone. Roseanna’s calling again. I rolled my eyes and tapped the decline button. Hindi ko siya gustong makausap ngayon pero kilala ko si Roseanna. She wouldn’t even stopped until she could haunt me down. How did she even manage to enter our life that easily? Simula nung dumating siya ay wala na siyang ginawang tama. And here’s my dad who’s blinded by that woman. I’m just tapping the screen of my phone while looking outside. Binalot ko ang sarili ng kumot at umupo sa sofa. Hindi man lang ako makaramdam ng antok. I saw Wayde outside, talking with someone over the phone. Tanging ang glass panel lang ang naghihiwalay sa amin kaya kitang-kita ko siya sa labas. Bumuntong-hininga ako at sinubukang ipikit ang mga mata. Ilang segundo palang ang lumipas nang marinig ko ulit ang pag-ring ng cellphone ko. I gritted my teeth and didn’t even glanced at the caller’s name. Dahil alam kong iisang tao lang naman ang gagawa nun. “Where the hell are you?!" Gusto kong i-rolyo ang