Share

Chapter 20

"AAAHHH!!!"

Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama.

"Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib.

"Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin.

"Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito.

"Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh."

"Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito.

"Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad."

"Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito.

"Galit ka eh!"

"Hindi nga!"

"Hindi ka pa galit niyan noh?"

"Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pakita ng hawak na gunting.

Nagpipigil naman si Silver ng tawa rito. Tila kompleto na ang araw niya dahil nainis na naman niya si Evie.

"Teka? Bakit ka ba narito? Fyi, hindi dito ang office mo."

"I came here just to deliver that." pagturo pa ni Silver sa isang box na nasa center table.

"Ano yan?"

"Christmas gift from my company."

"Wow ah? Special delivery mo pa? Hindi ba yan makapagintay mamaya at kailangan ikaw rin ang maghatid? Wala kang mautusan?" sarkastikong tugon pa ni Evie.

"Kaya ko naman saka -- para makita ka na rin." pagbabakasakali pa nito na kinabagsak naman ng balikat ni Evie at tingin sa kanya ng mas seryoso.

"Ang sabi ko tigilan mo na ko di ba? Kalimutan mo na lang ang lahat ng nangyari sa atin! Pati yung nakaraan natin, kalimutan mo na lang din."

"Sino ka para utusan ako? Saka hindi ko naman sinabing pumapayag ako sa pabor mo." tila pagmamatigas ni Silver na kinabigla ni Evie. Napanganga naman ito sa kanya.

"At bakit hindi? Para saan pa di ba? Tapos naman na! You have your own life, and I have mine. Let's keep it that way!"

"Ikaw ba kaya mong kalimutan na lang ang lahat?!" seryosong tanong ni Silver at saka naglakad papalapit kay Evie.

"Kung yun ang makakabuti para sa atin, para sa lahat. Gagawin ko." pagmamatigas rin ni Evie.

Napapahakbang paatras naman si Evie dahil napapalapit na sa kanya si Silver.

Nang mas makalapit si Silver kay Evie, pasimple ring umaatras naman ito sa kanya.

"Alam mo, kung kailangan man natin magkita o magkausap man, patungkol na lang sa trabaho yun. Wala naman ng dapat pang alalahanin."

"Wala naman akong inaalala. Baka ikaw? Nagaalala ka masyado malaman ni Benjamin ang tungkol sa atin di ba?"

"Hindi na importante yun! Ayoko lang na magusisa pa sila dahil masyadong masakit balikan pa ang bagay na yun."

"Tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan?!"

"Then, huwag na lang natin balikan di ba? Kalimutan na lang."

"So madali lang talaga sayong gawin yun?"

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!" halos mapaduro naman si Evie kay Silver.

"Hindi mo rin alam ang pinagdaanan ko!" pagdidiin ni Silver sa sinabi.

"Pero at least may nagalaga sayo?" at sarkastikong tugon pa ni Evie.

Tila nagkakasukatan naman sila ng tingin sa isa't isa. Nakakaramdam na naman ng kung anong kaba si Evie at gayun din si Silver. Parehong hindi nila malaman kung papaano ang tamang pagtugon nila sa bawat isa.

"Let's just forget about it okay? We might know each other now only because of work. Client namin kayo --"

"Soon to be investor!" pagsingit pa ni Silver rito.

"Oh sige! Investor ka na rin. But let's just keep it that way, okay?"

"Dahil pa rin ba kay Georgia kaya ka nagkakaganyan?"

"Of course not. Wala akong pakialam sa mga babae mo! You can woo around and I won't give a single fuck!" pagtataray pa rin nito.

Napa-smirk naman si Silver rito na hindi makapaniwala.

"You're jealous, aren't you?"

Tila naasiwa naman si Evie rito.

"The fuck? Seryoso ka? Yung baba nun pagseselosan ko?"

Bigla naman humagalpak ng tawa si Silver. Hindi alam ni Evie ang itsura ni Georgia pero nadi-discribe ni Silver ito sa kanya, hindi nga lang niya sure kung totoo yun. Only Silver may know na wala ito sa kalingkingan ni Evie kahit pa mas maputi ito sa kanya. Mas maganda pa rin si Evie lalo sa paningin ni Silver.

"Hahaha! Kaya nga nakakatawang pagselosan mo yun!"

"Aba? Pakialam ko sa mga tipo mong mukhang aso at bisakol? Nakakainsulto sa totoo lang?"

"Hahahaha!"

"Quit laughing at me! Nakakairita!" pagsuway pa ni Evie at pag-irap kay Silver.

"Sabi na eh, nagseselos ka lang."

"Hindi ako nagseselos, okay? Wala akong pakialam kahit pakasalan mo pa yun! Dun ka na!"

"Ayoko nga, gusto ko sayo lang ako." tila pangiinis pa rin ni Silver at lumalapit muli kay Evie.

"Ayoko sayo! Nakakainsulto sa akin mapabilang sa mga tipo mo!" paglihis pa ni Evie ng tingin rito dahil nakatayo na ito sa harap niya.

"Bakit ba napakasungit mo sa akin? Ang aga aga oh?"

"Ang aga aga mo rin kasi mambwisit? Sana man lang mamayang hapon ka na nambwisit noh? Para kahit paano hindi ako bad trip buong araw!"

Napapangiti naman si Silver dahil alam niyang naiinis na niya si Evie.

"Seryosong usapan lang Silver -- tigilan mo na lang ako! Please lang!" papaalis na sana si Evie ng higitin ni Silver ang kamay niya at mabilis siyang hinatak nito papalapit rito.

"Seryoso rin naman ako." sincere namang saad ni Silver habang nakatitig sa mga mata ni Evie dahil halos magkayakap na sila sa sobrang lapit.

Nagpumiglas naman si Evie ngunit pumayakap na si Silver sa may beywang niya upang hindi siya makalayo. Napapakurap na lamang siya ng mabilis dahil sa kabang nadarama.

Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon at hindi naman malaman ni Evie kung bakit tumigil na lamang siya sa pagpupumiglas at napatitig na lang din sa mga mata ni Silver.

Ito ang unang beses na nakatitigan sila ng malapitan at mata sa mata. Sobra ang kaba nila ngunit ayaw naman din nilang magpahalata.

Ilang sandali pa ay malakas na naitulak ni Evie si Silver kaya naghiwalay na sila ng katawan. Tila naghahabol naman ng hininga niya si Evie, at nagpapakalma rin si Silver na halatang nagpipigil ng sarili.

"Stop playing around, Silver! Hindi nakakatuwang you take advantage of what we have shared in the past just to be close to me. It's over. I understand that you lived your life happily without me, so I have to live with that too." mariing saad ni Evie na nagpipigil na naman ng emosyon niya.

"Happily? Do you have any idea what kind of hell I have been through all these years?!"

"Trust me! You wouldn't want to know what kind of hell I have survived too! I don't think no one will ever accept that."

"Try me!"

"No! Because I don't know if I would even accept yours."

Bahagya naman silang natigilan at nagkakatinginan na lamang dahil walang gustong magpadaig sa kanila.

"Sobrang sakit Silver. You would wish to die sa sobrang sakit. Ni hindi ko ma-imagine isiping muli kaya please lang -- tama na." halos halam na ang mga mata ni Evie at nagsusumamo.

Napapalihis na lamang din si Silver ng tingin dahil anumang sandali ay papatak na rin ang mga luha nitong kanina pa pinipigilan.

"Let's just let ourselves to heal." saad pa ni Evie.

Napalingon naman si Silver kay Evie at hindi niya malaman kung maaawa ba siya rito dahil sobrang lungkot ng itsura nito. Hindi niya akalain ang matapang nitong awra ay may ganitong pagkatao.

Napasandal na lamang si Evie sa table ni Benjamin at nakatingin sa malayo habang nakapayakap sa sarili. Napansin kaagad ni Silver ang suot nitong relo sa kaliwang pulso at kaagad siyang nakaramdam ng kapanatagan.

Naglakad na si Silver palabas ng opisina ni Benjamin ngunit napahinto ng mapahawak sa pinto. Nakasunod namang tingin sa kanya si Evie sabay baling pa rito ng tingin muli.

"I also wished to be dead. Left again with no sense of direction in life. No goals, no dreams. Para saan pa ang pinaghihirapan ko kung nawala rin naman sa akin ang pinakamamahal ko? So, I strive harder to find you. And here we are."

"We both survived the storm alone. Maybe let's just keep it that way to avoid complications and pain again."

"Hindi ako nagpakahirap ng ganito para lang sa wala."

Yun na lamang ang sinabi ni Silver at tuluyan ng lumabas ng silid ng opisina ni Benjamin. Doon naman nakahinga ng maluwag si Evie at napapabuntong hininga ng malalim.

Ilang sandali pa siyang natutulala sa nangyari. Sobra siyang naguguluhan sa sitwasyon na ito. Sobrang nagugulo pati ang sistema niya dahil rito. Gusto lang naman niya ng tahimik na buhay, ngunit sa pagdating muli ni Silver, alam niyang mababago na naman ang lahat.

MAGILIW ang lahat na bumati kay Benjamin nang pumasok na siya ng opisina.

Nakaabang naman na si Evie sa kanya sa cubicle nito at kaagad niya itong nilapitan.

"Miss me?"

"Missed you!"

Pag-apir pa nila ng sekretarya na abot tainga ang ngiti niya rito.

"Kamusta ang buhay buhay rito?" tanong pa ni Benjamin habang nakapasandal sa bukana ng cubicle ni Evie. Nakaharap naman sa kanya ito habang nakaupo pa rin sa swivel chair.

"Hmm.. Okay lang? Inakyat kahapon ng logistics yung mga ibang Christmas gifts daw natin sa mga investors, yun ba ang ipamimigay bukas?"

"Yeap!"

"Great! Let's label it later."

"Anong oras darating ang S.A Constructions?"

"10am as per Matt."

"Great. Pasok ka na lang office, after mo dyan."

"Aye, aye!"

*Tok! Tok!

Pagkatok ni Evie sa opisina ni Benjamin at dungaw na rin niya rito.

Nakita niyang busing-busy pa ito sa pagpirma sa mga tambak na papers na nasa mesa. Kulang na lang ay matabunan na siya nito.

"Mukhang tambak ah?" pangaasar pa ni Evie rito at naupo sa visitor's chair sa harap ng table nito. Sinamaan naman ni Benjamin ng tingin ito.

"Kasalanan mo toh eh, dami mong tinambak na papers sa akin."

"Uy ah? Sobrang bawas na yan. Ako na nga gumawa ng presentation ulit para sa S.A Constructions at ibang quotations. Puro mga kailangan na lang ng approval mo yan." pagtingin-tingin pa nito sa mga nakasalansang mga papel.

"Oo na, eto na nga oh?"

Sinimulan naman na ni Evie na lagyan ng label ang mga boxes na nasa couch area ng opisina ni Benjamin. Ipamimigay nila ito bukas sa board meeting.

"Oh? Galing dito si Silver?" biglang tanong ni Benjamin kaya napahinto si Evie sa ginagawa. Nilingon naman siya ni Evie sa gilid at nakitang hawak niya ang gift box na nasa dulong couch.

"Ahm.. Oo. Dinala lang yan."

"Nice." pagsuri pa ni Benjamin sa box saka inalis nito ang wrapper. "Oh hohoho!" napalingon naman si Evie sa boss dahil mukhang natuwa ito.

Pinakita ni Benjamin kay Evie ang air purifier na regalo ni Silver.

"Oh? Tamang-tama dito sa office mo." pagngiti ng matipid pa ni Evie rito.

"He just informed me na nag-invest siya sa ganitong business."

Hindi naman na kinibo ni Evie yun.

HABANG nasa loob ng conference room sina Benjamin at team ni Silver, nagpapaka-busy naman si Evie sa naiwang gawain pa sa table niya. Mukhang hindi naman daw siya kailangan doon kaya hindi na lang din siya pumasok.

Makalipas ng ilang oras, naglabasan na ang ilang katrabaho kasabay ng mga empleyado ni Silver. Ine-expect niyang lalabas na rin sina Benjamin ngunit hindi. Isinara pa ng mga ito ang pinto. Tumayo naman si Evie at dumungaw doon.

"Kyle!" pagturo pa niya sa conference room.

Nilingon naman siya ni Kyle. "Naguusap pa!"

"Naguusap pa?" pinagtakahan namang tanong ni Evie sa sarili. Bumalik na lamang siyang upo sa swivel chair niya at sa ginagawang trabaho.

Isang oras muli ang lumipas ng makatanggap naman si Evie ng text, mula kay Benjamin iyon.

Pasok ka conference.

Yun lamang ang sabi at iniwan na ni Evie ang ginagawa.

Kumatok siya bago pumasok ng conference room, napatingin naman sa kanya ang lahat. Bukod kina Benjamin at Silver na nadoon, naroon pa din ang accountants at attorneys nila.

"Have a seat, Evz." utos naman ni Benjamin at naupo naman si Evie sa tabi ni Atty. Davion.

Mukhang tapos na ang pirmahan ng mga ito ng kontrata dahil inaayos na ng attorneys nila ang mga papel na naroon.

Inabot naman kay Evie ang ilang papel na nagsilbing kopya nila at inaayos rin ni Evie iyon.

"Welcome to our company, Mr. Alessandro." saad pa ni Benjamin sabay tayo at haya ng kamay kay Silver na katapat niya.

"Pleasure is mine, Mr. Yu." gayun din naman ang ginawa ni Silver.

Nagsipagtayuan naman ang lahat at naghanda na sa paglabas ng conference room.

Hindi naman nagaangat si Evie ng tingin dahil simula noong dumating si Silver ay ni hindi niya talaga ito tinitingnan man lang. Kabaligtaran naman ang ginagawa ni Silver, halos nakatitig ito kay Evie sa tuwing makikita niya. Nagiintay at umaasang sulyapan din siya nito.

Nagkakagulo at usap pa sila habang nasa hallway sa labas ng conference room, dumiretso naman na si Evie sa cubicle niya at hindi na nagpaalam sa iba pa lalo na kay Silver.

Napansin naman ni Benjamin ng may lumabas sa elevator na lalaking hawak ang isang may kalakihang gift basket na puno ng iba't ibang klase ng imported chocolates at cookies na may sunflowers pa sa loob. Mukha itong bouquet basket. Mukhang delivery boy ito at nangangapa sa lugar. Naglakad ito papalapit sa kanila ni Silver dahil sila ang pinaka malapit na sa elevator.

"Ahm, excuse me, good afternoon po Sir. Narito po ba sa floor si Miss Evie Symaco?" pormal na tanong ng delivery boy at parehong magtaka sina Benjamin at Silver. Sabay pa silang na-curious na tingin sa hawak ng lalaki.

"Yes. -- Evz? Evz!" pagtawag pa ni Benjamin na hindi inaalis ang tingin sa delivery boy.

"Yes?" tila nagmamadaling lapit pa ni Evie sa kanila at nakita rin ang deliver boy.

"Miss Evie Symaco?"

"Yes?"

"For you Ma’am." pagabot nito kaagad kay Evie ng hawak na gift basket. Kinuha naman iyon ni Evie na nabigatan pa. "Pinapasabi po ni Sir Javier na pasensya na at dito na lang niya sa office niyo po pinadala, hindi niya daw po kasi alam ang house address niyo."

"That's fine. Yung iba nga alam ang full address ng bahay ko pero ni damo, hindi man lang nag-effort magpadala." pasaring naman ni Evie at nginitian ang delivery boy.

"Pft!" pagpigil naman ni Benjamin ng tawa. Ngunit si Silver ay tila nailang kaya naglihis ng tingin.

"Pa-sign na lang po dito, Ma’am." pagabot pa nito ng ballpen at papel na nasa board kay Evie.

Dahil sa mabigat ang dala ni Evie, nahirapan siyang kargahin ito ng isang kamay upang makasulat. Kaagad naman siyang tinulungan ni Benjamin at kinuha ang dalang basket.

"Thank you, Ma’am." pagalis naman na ng delivery boy.

"Thank you." nabibigla at naguguluhan pa rin si Evie sa natanggap.

"Wow? From Mr. Javier Pattinier of Chocolates and Cookies Corporation." pagbasa pa ni Benjamin sa card na nakakabit sa basket. "Mayroon ka rin pala?"

"I'm surprised too." pagkuha na ni Evie kay Benjamin ng gift basket niya. "Thanks."

"Bakit sayo may pa-sunflowers pa? Yung sa akin wala?" komento pa ni Benjamin.

"Gusto mo palit tayo? Hindi ko naman makakain 'tong sunflowers eh."

Tumikhim naman si Silver para mapansin at natabunan naman siyang bigla ni Evie ng tingin. Nagkatama na rin sa wakas ang mga mata nila. Ngunit, hindi nila mabasa ang isa't isa.

Hindi malaman ni Evie kung galit o nahihiya ang seryosong tingin nito sa kanya. Napapatingin din ito sa hawak niyang gift basket at napapataas ng isang kilay.

Si Silver naman ay hindi ma-gets ang totoong reaksyon ni Evie na bahagyang ngumingiti nga, ngunit puno ng sarkastiko ang mga salita.

Umalis na lamang si Evie at magmartsa patungong cubicle niya. Kaagad niyang nilapag ang gift basket at naupo sa swivel chair.

Napasunod na lamang ng tingin si Silver rito na nai-intimidate pa rin sa nasaksihan. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo pero sigurado siyang siya ang tinutukoy ni Evie na alam ang full address ng bahay nito noon ngunit hindi man lang nga niya ito nagawang mapadalahan ng flowers o kung ano pa mang regalo. Totoong hindi siya ma-effort noong panahong iyon, at labis siyang nahihiya roon.

NANG matapos sa trabaho, inaaya pa ni Benjamin si Evie na sumama sa kanila ni Silver sa isang dinner bilang celebration ngunit tumanggi si Evie.

Dumiretso siya sa isang mall para makapag-grocery na. Masyadong okupado pa rin ang isip niya patungkol sa nangyari sa kanila ni Silver ngunit nais na niya itong kalimutan talaga. Ngayong investor na rin ito, madalas na niya itong makakasama at makikita sa mga board meetings at iba pang okasyon sa kompanya.

Habang tinutulak ang push cart sa aisle sa loob ng supermarket, napadaan siya kung nasaan ang condiments at nakita mismo ang olive oil roon. Napahinto siya at napabuntong hininga. Kumuha siya nito at nilagay na lamang sa cart niya.

Sumunod ay ang low calorie sugar na nakakarton pa, napabuntong hininga na naman siya at dumakot ng isa nito. Gayun din ang ginawa niya sa pagkuha ng non-fat milk, non-gluten butter, yogurt at iba pang tila lahat ay mare-relate niya kay Silver.

Naalala lang naman niya kasi yung panahong unang beses sila nag-grocery na magkasama. Aminado siyang masaya siya nun ngunit ayaw na niyang sariwain dahil alam niyang siya lang din ang masasaktan.

Matapos ay naglibot muna siya sa mall na tulak pa rin ang push cart na naroon na ang napamili. Nagiintay siya ngayon sa tapat ng stall ng food chain sa food court upang makapag-take out.

Minamasdan lang niya ang mga nakapila at tanaw rin ng tingin sa mga taong naroon.

"Oh shit!"

"Oh!"

Pareho silang nagkagulatan dahil may bumangga kay Evie at natabunan siya ng drinks nito mula sa likuran niya hanggang kaliwang balikat niya.

Halos maligo si Evie ng milk tea na hawak ng babaeng bumangga sa kanya.

"What the? Bakit kasi nakatayo ka lang dyan, Miss?! Paharang-harang ka sa daanan!" sanghal pa nito kahit pa siya ang bumangga kay Evie na nakatayo lang.

"Excuse me? Nagiintay ako ng order ko! Bulag ka ba para hindi ako makita sa paglalakad mo?" singhal rin ni Evie dito dahil automatic siyang na-beast mode.

"Ugh? I'm not blind! You're just a dumb standing there blocking a way!" pagtataray pa rin nito.

"Well, then you're dumber for not seeing me if you're not blind as you say so! I'm on my waiting place! You should have watched your steps!" napansin ni Evie ang pagdumi ng suot niyang light blue coat dahil sa milk tea, baka magmantsa ito. Nabasa rin ang pants at sandals niya sa dami ng natapon sa kanya. "Ikaw ng nakabangga, ikaw pang galit?"

"Paharang-harang ka kasi!"

Halos magsigawan naman sila doon at nakakakuha na sila ng atensyon ng mga ibang tao kaya may lumapit ng guard sa kanila.

"Mga Ma’am, ano po bang nangyari dito." tila pagawat naman ng guard.

"Eto po kasi kuya eh, nabangga ako at natapunan ng milk tea! Tapos siya pa malakas ang loob na sigaw-sigawan ako." nakasimangot namang paliwanag pa ni Evie habang tinatanggal na sa pagkakasuot ang coat niyang nabasa. Mabuti na lamang ay hindi nabasa ang spaghetti strap sleeveless blouse niyang panloob. Litaw na litaw nga lang ang makinis niyang balikat at braso.

"Paharang-harang ka kasi sa daanan!" singhal pa rin ng babae at pagtataray, panay irap pa ito kay Evie ngunit pilit nagtitimpi si Evie rito.

"Ah kuyang guard, nagseselpon po kasi siya habang naglalakad kaya hindi niya nakita si madam." pagsingit naman ng kaherang nasa tabi ni Evie. Narinig nila yun at tila napahiya ang mahaderang babae.

"You ruined my coat kakaselpon mo!" inis pang saad ni Evie at kuha ng panyo niya para mapunasan ang braso at sarili.

"Magkano ba yan? Babayaran ko!" pagyayabang pa nito.

"Three thousand lang naman! Sige! Bayaran mo!" saad din ni Evie.

"Tama na po mga Ma’am. Ayusin na lang po natin ito ng hindi kailangan magsigawan. Nakakahiya po sa ibang tao dito."

Napadukot naman na ang babae sa bag niya ng wallet niya.

"Ma’am, eto na po yung order niyo po." pagabot na ng kahera ng paper bag na order ni Evie. Bayad na niya ito kaya inabot na rin niya at lapag sa cart.

Dinukot naman ni Evie kaagad ang food container ng in-order niyang fish cake at tinidor upang maitusok doon at makakain kaagad.

"Oh ayan! Three thousand! Isaksak mo sa baga mo!" pero galit niya itong inabot sa guard.

"Ma’am, eto na po yung bayad ni Ma’am sa pagtapon at pagdumi sa damit niyo po. Magpasensyahan na lang po tayo." pagabot pa ng guard kay Evie na namamagitan sa kanila.

Bwisit na baba-litang ito! Akala mo kung sinong maganda? Ang haba naman ng baba!

Kaagad na nginuya at nilunok ni Evie ang kinakaing fish cake bago tinaasan ito ng kilay.

"Let me fix this in my own term!"

Bahagya siyang lumapit sa babae at sinalampak sa dibdib nito ang lahat ng fish cake na natira sa food container. Mabilis itong kumalat sa damit at katawan niya.

"Ahhh! What the fuck?!" tili na ng babae ngunit walang nagawa sa pagtapon ni Evie sa kanya ng pagkain. Dahil kulay pula ang fish cake, paninuradong mantsado ito sa damit niyang beige sleeveless blouse. "Ahh!"

Inagaw ni Evie ang tatlong libo sa guard at kinuha niya ang kamay ng babae sabay salampak doon ng pera.

"Yan! Bayad ko! Isaksak mo sa dibdib mong flat!" sigaw naman ni Evie na kinagulat at kinatawa ng ilang nanonood sa kanila roon.

Kaagad rin siyang bumalik sa pagkakahawak sa cart niya at nagmaniobra. Nanlilisik naman ang tingin sa kanya ng babae kaya napa-smirk na lang siya rito at tinaasan ng isang kilay.

"Huwag kang babahing ah? Baka mamatay ka!" pahabol pa nito sabay walkout na. Naririnig pa niya ang tili ng babae at tawanan ng mga taong naroon pero mabilis na lamang siyang naglakad patungong parking area.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status