Share

Chapter 21

BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.

Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.

May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve.

"Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.

Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift basket na puno ng doggy treats. May maliit na card din na nakakabit doon kaya kinuha niya kaagad.

For our baby Steve

Love, Daddy

Hindi malaman ni Evie kung gusto niyang tumawa sa kilig o mainis. Napanganga na lamang siya at natulala. Panay sulyap niya sa gift basket na iyon at sa note card na nabasa. She knew it was from Silver.

"Feelingero talaga yun noh? Akala yata kailangan mo ng sustento?" saad ni Evie sa asong nakaupo sa tabi niya.

Kaagad niyang tinanggal ang balot na plastik ng gift basket at kumuha ng isang pack ng doggy treats sabay pakain kay Steve. Alam niyang nasiyahan ang aso niya habang nginangatngat ang treats sa tabi niya habang hinihimas nito ang ulo.

Sa isip-isip ni Evie, tinamaan yata si Silver ng hiya dahil naroon ito kanina noong nakatanggap siya ng regalo. At alam niyang mas tinamaan ito sa pasaring niya pa patungkol sa ni hindi man lang nakapag-effort ito na mabigyan siya ng regalo kahit thru padala kaya ngayon, biglang ginawa. Haha!

"How pathetic. Tss!" naiiling pa niyang saad at pakain pa rin sa aso ng treats.

Sa isip pa niya, ngayon lang ito gumagawa ng ganoong bagay kasi naparinggan niya, kasi nagkasama na sila. Ngunit noon, talagang wala itong ganoong move. Alam niyang hindi romantic type of person si Silver pero as in hindi nito naisip yun noon kaya medyo disappointed siya. Kaya lalo siguro yung effort ring puntahan man lang siya, hindi rin nito matuloy-tuloy. Laging may aberya, laging nauudlot, laging may inuunang ibang bagay. Hanggang sa nagkahiwalay na nga lang sila.

HABANG iniintay nila Evie at Benjamin ang ibang members ng board at investors, nasa loob pa muna sila ng opisina ni Benjamin.

Pareho silang abala sa mga gagamitin sa meeting kaya halos hindi na sila naguusap. Kinakailangan pa ni Evie i-take note ang minutes of meeting mamaya kaya kailangan niyang mag-reserve ng energy kahit maghapon na siyang nakababad sa trabaho.

Sabay na silang nagtungong conference room at nakitang halos naroon na ang lahat. Natanaw naman kaagad ni Evie si Silver dahil nailang siyang nakatingin na pala ito sa kanya habang naglalakad papunta sa harapan ng board. Siya kasi ang magko-control ng flow ng presentation at magsisilbing IT man doon habang nagti-take notes ng minutes of meeting. Hindi naman talaga masyadong multi-tasking eh noh?

"Good afternoon, ladies and gentlemen. Let's start our board meeting regarding on our year-end sale." panimula ni Benjamin na naka-hands on talaga sa ganitong bagay kahit pa wala ang kanyang ama.

At dahil si Evie rin naman ang gumawa ng report, hindi na siya masyadong nakikinig. Busy siya sa pagaasikaso sa flow ng report. Napapasulyap siya sa mga board members na masugit namang nakikinig kay Benjamin. Maliban na nga lang sa isa, si Silver.

Dahil alam ni Evie na nakatingin sa kanya si Silver na nasa pangatlong upuan mula harap ng mesa, hindi niya talaga ito nililingon. Naiilang man, pero pinagsasawalang kibo niya ito.

Hanggang sa maalala niya ang binigay nitong doggy treats kay Steve.

Ugh? Akala niya mauuto niya ako dahil dun ah? Pwes! ---Medyo!

Gusto niyang pasalamatan ito dahil para naman iyon kay Steve. Siguro kung para sa kanya, tatanggihan niya pa yun. Mukhang mautak din si Silver na si Steve ang inaamo imbes na siya dahil paniguradong alam nitong magmamatigas lang siya.

As expected, quota na naman ang company ngayong taon, at halos makaka-quota pa ito next year dahil sa mga upcoming projects na na-closed deal na nila ngayong buwan. At syempre, na-special mention si Silver bilang newest investor at pinakamaraming naipasok na client sa company.

"Tomorrow, we will going to have our Annual Year-End party, by then again we will give an award for our employees and also for some investors that has a lot of contributes for our company." nakangiting saad pa ni Benjamin sa harap ng board members.

At syempre, alam na alam na ni Evie ang mga list of employees, board members at investors na pararangalan bukas dahil siya mismo ang nagayos ng mga yun. Yun din ang isa sa mga pinagkakaabalahan niya simula ng makabalik sa trabaho matapos ang pasko.

Bago matapos ang meeting, katulong ng ibang empleyadong naroon, namigay na sila ng kanilang medyo late Christmas gifts at invitation para sa party bukas. Formal party iyon, kadalasang dumadalo ang mga board members at investors na kasama ang kanilang partners o asawa lamang. Kadalasan ginaganap iyon sa PICC building sa Pasay rin at naiayos na rin ni Evie ito bago pa man magpasko.

Nang matapos na ang board meeting, nagkapaalaman naman na ang mga ito at hindi muna nagkaayaang kumain sa labas dahil para may oras pa sila sa preparasyon para sa party nila bukas.

"Hay! Good job to us!" paglapit pa ni Benjamin kay Evie at nag-fist bump sila.

"Congratulations to our quota this year!" nakangiti pang saad ni Evie saka tumayo sa mesang kinasasadlakan niya kanina pa.

"Expect a busy head by next year agad-agad!"

"Chairman must be really proud of you."

Napansin naman ni Silver na tila nagkakatuwaan sina Evie at Benjamin habang naroon pa rin sa harapan malapit sa mesa kung saan nakalapag ang projector at laptop na ginagamit sa presentation.

Halos naiwan na lamang silang tatlo roon sa conference room at pagkakuwan ay lumapit na siya sa dalawa. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili na hindi magusisa.

"You must bring Sofie as your date." saad pa ni Evie.

"Erhm? Maybe?"

"Com'on! It would be fun!" pagtapik pa ni Evie sa braso ng boss.

"Hindi ba nakakaasiwa na taon-taon na lang, iba-ibang babae ang date ko sa Year-End party?" pagaalangan pa nito na kinatawa talaga ni Evie.

"Hahaha! Oh my gosh! Ayan kasi! Hindi ka nagseseryoso!" pangaasar pa ni Evie rito.

"Huy seryoso ako ah?"

"Sige nga, seryosohin mo si Sofie?" pagpipigil pa ni Evie ng tawa.

Napakunot noo naman si Benjamin ngunit biglang nagliwanag ng mapansin si Silver na papalapit sa kanila.

"Hey Silv! Dalahin mo girlfriend mo bukas ah?" bulyaw ni Benjamin na kinatahimik ni Evie dahil nakaramdam na naman siya ng kung anong kurot sa tiyan sa narinig.

"Tss! Sira! Wala nga eh." sagot naman ni Silver sabay sulyap kay Evie na hindi naman nakatingin sa kanya. Hindi naman din malaman ni Evie kung bakit nakaramdam siya ng kapanatagan sa sagot ni Silver.

"Ikaw ba? May date na?" balik na tanong ni Silver kay Benjamin.

"Hmm.." napatingin naman si Benjamin kay Evie at pinandilatan siya nito ng mata. "Mayroon. Mayroon." pero halatang napilitan itong sumagot.

"That's nice, how about you, Miss Evie?" biglang tanong pa ni Silver at napatugon kay Evie. Medyo nabigla naman si Evie sa sinabi niya.

"Ah -- huh?"

"Kahit kailan wala pang naging date yan si Evie. Paano ba naman kasi? Nasa party na pero panay monitor at asikaso pa rin ng lahat ng nandoon. Ni hindi nae-enjoy ang party para sa atin dahil hands-on pa rin siya ultimo sa mga food restrictions at sitting arrangements."

"I just want everything will be furnished! Nakakahiya naman sa mga investors and their partners kung hindi sila maaasikaso ng maayos di ba? Pangalan ng company niyo nakasalalay, remember?"

"Of course, couldn't thank God enough that I have you to make it all happen." puri pa ni Benjamin.

"Wow? Sana all thankful they have me noh?" pasaring pa rin ni Evie na kinatawa nila ng boss maliban syempre kay Silver.

"Well then Miss Evie, will you be my date?" bweltang tanong kaagad ni Silver na nakapagpatingin sa kanya ng dalawang kausap.

Napaawang ang bibig ni Evie ngunit ayaw magpahalata na nabigla siya sa tanong nito. Halos hindi rin makapaniwala si Benjamin sa sinabi ni Silver sa sekretarya.

"Oh wow? That was great! Com'on Evz! Be Silver's date by tomorrow." natutuwa namang saad ni Benjamin sabay tapik pa ng balikat ni Silver.

Natutulala pa rin si Evie, parang gusto niyang dagukan si Silver kung hindi lang nila kaharap si Benjamin. Nakatingin lang naman sa kanya si Silver na hindi niya rin malaman kung nangaasar lang ba o nangaasar talaga.

"Ahm.."

"Tamang-tama yun! Para maipakilala ka rin ni Evie sa mga iba nating board members at investors kanina. Alam kong hindi mo sila lahat ma-recognize kanina eh." nakangiti pang saad ni Benjamin.

Hindi naman din kaagad makasagot si Evie. Kung alam lang siguro ni Benjamin, hindi siya ipagkakalulo nito kay Silver.

"Sige na, Evz? Para mas malaman mo ang concerns nila di ba? Kasi makakausap mo rin sila isa-isa sa pagpapakilala mo kay Silver."

Napagsasalit-salitan ni Evie ng tingin sina Benjamin at Silver, napabuntong hininga na lamang siya at pilit na ngumiti.

"Alright then."

"That's great! So, it's settled. At least you both won't be alone sa party di ba?" natutuwa pang komento ni Benjamin.

Ngiting abot tainga naman si Silver habang si Evie ay ngiting aso. Sobra siya ngayon naiinis dahil na-caught off guard na naman siya ni Silver.

"NAAYOS na ba ang lahat? Sigurado kang tama ang label sa mga pangalan ng guests sa table?"

Katatapos pa lang ng lunch ay halos maluto na ang tainga ni Evie katatawag sa mga organiser ng party mamaya. Oo, hindi siya ang direct organiser ngunit ang lahat ng iyon ay nagre-report sa kanya, kulang na lamang ay magsuot na rin siya ng earpiece kagaya ng mga ito.

Nasa bahay pa niya siya at ala una imedya pa lamang ngunit naghahanda na siya para pumunta sa party. Gusto niya kasing maging maaga para makita ang final touch sa venue.

"Yung catering ba dumating na? Yung listahan ng mga mga food restriction per table, i-check niyo from time to time! Hindi pwedeng magkamali ng ise-serve sa kanila." paalala niya pa sa kausap sa phone habang nakaipit ito ng kaliwang balikat niya dahil nakahawak ang dalawang kamay niya sa hanger at sa long gown na susuotin.

It was a black shivery long gown na may silver-white shivery crystals from chest to left side hips. It was also open back but has a shoulder sleeve. Maganda ang bagsak ng gown na nakakapagpakita ng hulma ng katawan niya with the final touch of slit on right leg part up to half thigh. She will also pair it with five-inches crystallised stilettos and small hand pouch. Simple yet elegant. Ayaw niya kasing mag-agaw pansin masyado lalo na sa mga partners o asawa ng mga board members at investors.

Pero biglang sumagi sa isip niyang, she will be Silver's date for tonight! Pero hindi naman siya ganoong nagaalala dahil tingin niya ay related lamang ito sa trabaho. Pwede naman siyang gumawa ng excuses para iwasan ito doon sa party.

Siya lamang din ang magmi-makeup at magaayos ng buhok niya kaya kailangan na niyang gumayak ngayon pa lang upang maaga din siyang makapunta na sa venue.

Pagkalapag niya ng phone, sinabit na muna niya ang gown sa may cabinet niya at handa na sanang maligo ng marinig ang tahol ni Steve. Napalabas siya ng kwarto at narinig na tila may kumakatok. Kaagad siyang nagtunggong pinto at binuksan iyon. Halos gustong malaglag ng panga niya ng makita kung sinong naroon.

"Good afternoon Ma’am, ahm.. Si Sir po kasi, bisita niyo daw po?" nahihiya pang saad ng gwardya sa compound.

Hindi naman maalis ni Evie ang pagkabigla ng minasdan si Silver smiling from ear to ear. Mabilis niyang tinakpan ang sarili gamit ang towel na nakasampay sa balikat niya dahil wala siyang suot na bra.

"Ahm, sige po kuya. Iwan niyo na po kami. Salamat."

"Sige po Ma’am, Sir."

"Salamat po sa paghatid kuya." pagpapaalam pa ni Silver sa paalis na gwardya.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi naman kita pinapapunta." pagtataray kaagad ni Evie kay Silver nang makabalik ito ng tingin sa kanya.

"Thank you." saad nito sabay nilagpasan siya at dumiretsong pasok ng bahay niya. Napapanganga na lamang si Evie dahil hindi niya inaasahan ito.

"Hey, Steve! Com'on here boy!" masayang bati nito sa aso at pakiramdam ni Evie ay tiniraydor siya ng aso niya dahil tuwang-tuwa itong nagkakawag pa ng buntot ng lapitan si Silver. "I missed you too, baby."

"Don't baby baby him." inis pang atas ni Evie ng lingunin si Silver pagkasara niya ng pinto ng bahay. Nag-crossed arms pa siya rito.

Napalingon naman si Silver kay Evie at hindi nawawala ang ngiti sa labi nito na lalong nagpapainis kay Evie.

"Maligo ka na."

"At bakit?"

"Baka ma-late tayo."

"Ma-late? Alas siyete pa ang party."

"Oo nga. Pero may appointment tayo kay Francis Libiran, doon na lang din didiretso ang stylist at makeup artist."

"Huh?!"

"You're my date di ba? Syempre gusto ko ikaw ang pinakamaganda sa party."

"Bakit? Hindi pa ba?" pagpipilsopo pa ni Evie na kinatawa ng bahagya ni Silver.

"You are. But I just want to make sure you are being taking care of. Ayokong mapahiya kay Benjamin, sabihin wala akong pakialam sayo."

"Ay mayroon ba?" sarkastikong tugon pa rin ni Evie.

"Com'on? Huwag mo muna akong awayin ngayon, later na lang after ng party, okay?"

"May susuotin naman na ko, kaya ko ring ayusan ang sarili ko. Hassle pa yang punta-punta kung saan para sa one-night event, magastos! Hindi naman ako VIP kagaya niyo."

"So? You're my date eh. And that makes you a VIP too."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Kaya ko ang sarili ko. You may go!" seryosong saad pa nito at pagturo sa pintuan niya.

Nagkasukatan naman sila ng tingin dahil naiinis si Evie sa pagsugod nito sa bahay niya ng wala man lang paabiso.

"Mukhang kagigising mo lang ah? Kumain ka na ba?" tila hindi pinansin ni Silver ang pagpapalayas sa kanya ni Evie, naupo na nito sa sofa ni Evie na tila feel at home na siya. Hindi nakaligtas ang ternong ruggy spaghetti strap at pajamas pa nitong suot, may nakasampay pang towel sa balikat nito. "Na-miss kong humiga dito ah?" biro pa nito at pinagpag ang sofa.

"Ano ba, Silver? Umalis ka na sabi! Doon na lang tayo sa event magkita." tila nawawalang gana ngunit inis pa ring utos ni Evie.

"Look, wala akong ibang intensyon sayo. Benjamin also expecting us to arrive together. He asked me a favor about it. He also asked you to introduce me to other members ng board di ba? So, let's just do our jobs here. Pure business." seryosong paliwanag naman ni Silver na nakapagpatahimik kay Evie.

Silver is damn too right about this. It was pure business and work related. Bakit nga ba niya kailangan magpaapekto?

"Kung hindi lang kaharap si Benjamin kahapon, baka nasapak pa kita. Ang dami-daming pwede mong gawing date, ako pa talaga tinanong mo eh noh? At sa harap pa ni Benjamin! Nananadya ka ba talaga?!" talak pa rin ni Evie na sinasamaan ng tingin si Silver.

Napa-smirk na lamang si Silver rito at napapailing.

"Kung sasadyain ko, baka sinabi ko na lang kaagad kay Benjamin na ex kita." pangaasar pa rin nito.

"At itatanggi ko naman!"

"Eh di itanggi mo? Kaya ko naman patunayang totoo ang sasabihin ko."

"Ay wow? Ngayon kaya mo na patunayan? Noon, ni wala kang mapatunayan ultimo kung totoo bang tulog o gising ka." sabay irap pa niya dito.

"Napakasungit mo na naman. Bumabawi ka nga di ba?"

"Hindi ko kailangan ang pagbawi-bawi mong yan. Tigilan mo ko!"

"Whatever! Maligo ka na nga!"

"Maliligo na talaga dapat ako, dumating ka lang!"

"Eh di maligo ka na!"

"Huwag mo kong utusan!"

Nagkakasukatan na naman sila ng tingin dahil sa sagutan nila. Pareho silang matigas ang ulo at ma-pride, wala rin namang nananalo.

Nagmartsa na si Evie patungong banyo at malakas na isinara ang pinto. Ngiting tagumpay naman si Silver at natanaw mula kinauupuan ang gift baskets na nasa kitchen counter kaya kaagad siyang tumayo at lumapit roon.

Hindi pa nabubuksan ang gift basket na nakita niyang natanggap ni Evie kahapon pero ang gift basket ng doggy treats na pinadala niya ay bukas at may mga bawas na. Hindi naman niya napigilang mangiti rito.

Arf!

Napayuko siya sa gilid niya ng makita si Steve na nakaabang sa kanya.

"Gusto mo ng treats, baby?" naupo naman ang aso na halatang nagiintay na mabigyan niya.

Kaagad naman din siyang kumuha at nagbukas ng treats at pakain nito sa aso.

"Good boy!" paghimas pa niya sa ulo nito.

Kalahating oras ang lumipas ng marinig ni Silver ang pagbukas ng pinto ng banyo, alam niyang tapos na si Evie maligo pero hindi niya ito matanaw dahil nasa sofa siya at nanonood. Narinig din niya kaagad ang pagsara ng pinto ng kwarto nito.

Makalipas ulit ng ilang minuto, nagbukas na ang pinto ng kwarto ni Evie kaya nakaabang na si Silver rito.

Nakita niyang nakasuot ito ng denim blue dress type na hanggang binti ang haba at white rubber shoes habang hawak ang naka-hanger na itim na clothe cover at isang may kalakihang paper bag. Nakalugay din ang basa at kulot nitong buhok.

Napangiti naman si Silver at napatayo na mula sa pagkakaupo sa sofa. Mukhang pumayag na nga itong sumama sa kanya.

"Shall we?"

"Saan ba yun?" nakasimangot pa rin si Evie sa binata.

"Basta!" pinatay naman na ni Silver ang tv at dinampot ang ibang gamit na nasa coffee table. "Leave it."

Pinagsalubungan naman siya ni Evie ng kilay.

"Yan ba mga gagamitin mo? Iwan mo na yan."

"At bakit? Babalik pa ba --"

"Maraming gowns and shoes na doon. Yung stylist na ang bahala sayo."

"What? No! Baka pagsuotin ako ng masyadong bonggang-bongga o di kaya revealing na damit."

"Hindi naman. Syempre pwede ka namang pumili rin dun."

Napapabuntong hininga naman si Evie at tila nagiisip kung susundin ba ang sinabi ni Silver.

"Para hindi rin hassle na ang dami mong dala since hindi ka magdadala ng kotse."

"At bakit hindi?"

"Kasi sa akin ka sasakay, duh?"

"Eh kung ayoko?"

"At bakit hindi? -- pwede ba? Huwag ka ng makipagmatigasan sa akin? Sabay tayong darating ng party at sabay ding aalis, ihahatid din kita pauwi!" inis ng saad ni Silver sabay gulo pa nito ng buhok niya.

Napapaisip pa rin si Evie dahil tila minamanduhan siya ni Silver.

Napairap na lang siya rito saka nagtungo ulit ng kwarto niya. Ilang sandali pa ay lumabas na itong walang dala kundi ang sling bag niya.

"Nabigyan ko na si Steve ng pagkain niya." saad pa ni Silver na blanko na ang reaksyon.

"Salamat daw sa treats sabi ni Steve." walang emosyong saad naman ni Evie habang nagpapatay ng ilaw sa kusina at ibang parte ng bahay.

Sabay na silang lumabas ng bahay at ni-lock din iyon kaagad ni Evie. Nangunguna naman si Silver sa paglalakad hanggang sa makalabas sila ng compound dahil sa labas lang nakapagparada si Silver.

Naging tahimik lang sila sa byahe, naka-focus si Silver sa pagmamaneho habang nakatanaw lang sa bintana si Evie.

ILANG minutong nasa byahe, binasag ni Silver ang katahimikan nila.

"That's my office." saad nito at turo pa sa building na nasa gawi ng bintana ni Evie.

Nabigla naman si Evie rito kaya nasulyapan siya, napatingin rin naman ito ulit sa bintana at nakita ang building na nasa tatlong palapag lang. Kitang-kita niya ang malaking silver name plate na S.A Constructions Company. Aminado si Evie na namangha siya sa fully glassed building. Ngayon lamang din niya ito nakita dahil noong nagpunta si Benjamin rito ay hindi siya sumama.

"Nice."

"You can visit there anytime you want."

"Why would I?"

"Malay mo, papuntahin ka ni Benjamin."

"I'd pass." napagtanto naman ni Evie na nasa Pasig na pala sila. Dito rin siguro marahil ang patutunguan nila.

Makalipas muli ng ilang minuto ay nahinto na sila sa isang establishment na nasa apat na palapag ang taas. Full cream ang kulay sa labas at nagkalat ang mga billboards at tarpaulin ng mga modeled gowns and suit. Kitang-kita rin sa display glass nito ang iba't-ibang gowns at suits na nanakasuot sa mannequins. She then realized, they were at their destination.

Hindi na hinintay ni Evie na pagbuksan siya ng pinto ng kotse dahil halos mauna pa siya kay Silver bumaba ng kotse nang makapagparada ito. Tinatanaw-tanaw niya pa ang kabuuan ng boutique at namamangha naman siya sa kagandahan rin nito. Hindi siya makapaniwalang narito siya ngayon at makakaranas ng tanyag na Francis Libiran gowns and suits touch.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status